news

Part 1. Rommel Padilla on "brother" BB Gandanghari: "Pag tinawag mo siyang Rustom, hindi ka niya papansinin."

by Glen Sibonga posted on June 22, 2012  STATS: 40863 Views | 9 Comments

“Oo, kasi yun na siya, e. Ang inaalala ko, kung ano yung magiging ano niya sa Itaas. Pero ako, bilang tao, hindi ko naman siya puwedeng husgahan, e. Kung saan siya maligaya, susuportahan namin siya,” says Rommel Padilla when asked if he has accepted brother Rustom as BB Gandanghari.

 

Photo By: Noel Orsal

Unang pagkakataong magsasama sa isang teleserye sina Rommel Padilla at ang dati niyang hipag na si Carmina Villarroel via Lorenzo’s Time, na mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa Hulyo 2.

Kuya kasi si Rommel ng dating asawa ni Carmina na si Rustom Padilla, na ngayon ay mas kilala bilang si BB Gandanghari.

Sa presscon ng Lorenzo’s Time kagabi, June 21, sa 14th floor ng ABS-CBN ELJ Building, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rommel kung ano ang pakiramdam na katrabaho niya ngayon si Carmina.

Aniya, “Siyempre, masayang-masaya ako. Kinabahan ako nung first day namin.

“Hindi naman yung kinabahang ano… kumbaga, yun bang siyempre nagkita-kita ulit after ‘mamatay’ si Rustom.

"Sasabihin ko sana, 'Bakit hindi ka nakipaglibing?'” pabirong sabi ni Rommel habang nakatingin kay Carmina.

Ang ibig niyang tukuyin ay ang sinabi ni BB Gandanghari noon na hindi na siya si Rustom dahil "patay" na si Rustom.

Singit naman ni Carmina, “Yun nga sasabihin ko sana, 'Bakit hindi n’yo ako inimbita?' Hindi rin pala kayo nakapunta. Wala ring presence.”

Dagdag pa ng TV host-actress, matagal na silang magkaibigan ni Rommel at hindi ito nawala magpahanggang ngayon.

"Kuya" pa rin nga ang tawag niya kay Rommel at okay raw si Carmina sa buong Padilla family.

Pagkatapos ng presscon ay nakausap pa ng PEP si Rommel at tinanong kung ano ang hinahangaan niya kay Carmina.

Ayon kay Rommel, “Si Carmina, mabait 'yan, e, maalalahanin at sweet. Pag nagkikita kami niyan, di ‘yan nakakalimot bumati at mangumusta.

“Kaya masaya ako na magkasama kami rito sa Lorenzo’s Time.”

BB GANDANGHARI. Dahil nabanggit na rin naman niya si BB Gandanghari, natanong na rin ng PEP si Rommel tungkol sa kapatid.

Lumabas kasi ang balita na hindi pa okay ang kapatid nilang si Robin at BB. Hindi pa raw kasi tanggap ni Robin ang pagpapalit-anyo at pangalan ni Rustom na naging BB.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • ehemm

    06/24/2012 | 04:33 AM
    so cute naman ng interview. i enjoyed reading lol.... and yes, he is his mom's spitting image nga. he's pogi naman. crush ko na konti lol...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • msn9

    06/23/2012 | 08:45 PM
    I guess okay na sila ngayon.. I was told dati na pinagtutulungan nilang magkakapatid na bugbugin si Rustom.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinoycali_ako

    06/23/2012 | 12:28 PM
    oh whatever..i will call him Rustom!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • eminem

    06/23/2012 | 09:56 AM
    si royette yung naghamon, yung ngetfa sa mgakakapatid... avah in fairness, mukhang nabubuhay ang career ni rommel dahil sa anak niyang si daniel huh?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    06/23/2012 | 07:43 PM
    Oh I see, thanks.
  • pearl102

    06/23/2012 | 04:12 AM
    Totoo bang ito yung naghamon ng suntukan or binugbog si Anjo Yllana dahil sinabihan si Rustom noon na baklush ito?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winklebee

    06/22/2012 | 08:33 PM
    hahaha naaliw ako sa kwento nia.. pero nag alala din sia sa magiging kalagayan nia pag nawala na si bb sa mundong ito.. kung san sia pupunta...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ian15yeah

    06/22/2012 | 06:02 PM
    Taray ni BB! "patay na si Rustom".. trolololol crush ko pa naman yun. . sayang patay na.. xD
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    06/22/2012 | 04:22 PM
    mabait syang kapatid base ko dito sa nabasa ko. oo nga naman, kapatid nya pa rin si Bb sila dapat ang unang umunawa sa pagkato ni Bb.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    06/22/2012 | 04:17 PM
    kahawig nya talaga si aling eva carinyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About