Unang pagkakataong magsasama sa isang teleserye sina Rommel Padilla at ang dati niyang hipag na si Carmina Villarroel via Lorenzo’s Time, na mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa Hulyo 2.
Kuya kasi si Rommel ng dating asawa ni Carmina na si Rustom Padilla, na ngayon ay mas kilala bilang si BB Gandanghari.
Sa presscon ng Lorenzo’s Time kagabi, June 21, sa 14th floor ng ABS-CBN ELJ Building, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rommel kung ano ang pakiramdam na katrabaho niya ngayon si Carmina.
Aniya, “Siyempre, masayang-masaya ako. Kinabahan ako nung first day namin.
“Hindi naman yung kinabahang ano… kumbaga, yun bang siyempre nagkita-kita ulit after ‘mamatay’ si Rustom.
"Sasabihin ko sana, 'Bakit hindi ka nakipaglibing?'” pabirong sabi ni Rommel habang nakatingin kay Carmina.
Ang ibig niyang tukuyin ay ang sinabi ni BB Gandanghari noon na hindi na siya si Rustom dahil "patay" na si Rustom.
Singit naman ni Carmina, “Yun nga sasabihin ko sana, 'Bakit hindi n’yo ako inimbita?' Hindi rin pala kayo nakapunta. Wala ring presence.”
Dagdag pa ng TV host-actress, matagal na silang magkaibigan ni Rommel at hindi ito nawala magpahanggang ngayon.
"Kuya" pa rin nga ang tawag niya kay Rommel at okay raw si Carmina sa buong Padilla family.
Pagkatapos ng presscon ay nakausap pa ng PEP si Rommel at tinanong kung ano ang hinahangaan niya kay Carmina.
Ayon kay Rommel, “Si Carmina, mabait 'yan, e, maalalahanin at sweet. Pag nagkikita kami niyan, di ‘yan nakakalimot bumati at mangumusta.
“Kaya masaya ako na magkasama kami rito sa Lorenzo’s Time.”
BB GANDANGHARI. Dahil nabanggit na rin naman niya si BB Gandanghari, natanong na rin ng PEP si Rommel tungkol sa kapatid.
Lumabas kasi ang balita na hindi pa okay ang kapatid nilang si Robin at BB. Hindi pa raw kasi tanggap ni Robin ang pagpapalit-anyo at pangalan ni Rustom na naging BB.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
9 ehemm
8 msn9
7 pinoycali_ako
6 eminem
5 pearl102
4 winklebee
3 ian15yeah
2 hototguy
1 hototguy