FATHER AND SON RELATIONSHIP. Ngayon bang madalas silang nakikitang magkasama sa showbiz events at maging sa TV guest appearances, mas dumalas din ba ang bonding nilang mag-ama?
“Oo naman," sagot ni Rommel.
"Pero bago naman siya nabigyan ng pagkakataon na talagang ang bilis ng mga pangyayari sa career niya, nagkikita-kita kami parati.
“Kasi yung mama niya, si Karla [Estrada], ano iyan e, ‘O, puntahan mo naman si DJ. Nandito siya, puntahan mo.’
"O kaya minsan, sasabihin niya, ‘Si DJ puro basketball, tawagan mo.’ Ganun kami kaya kumbaga dati na kaming madalas magkita.”
Anong suporta ang ibinibigay niya kay Daniel?
“Ako, yung guidance ko and siguro yung pagpapahalaga sa kanyang kalusugan.
“Yung pagpapahinga, lagi namin binibigyang oras yung pagpapahinga.
“Hindi namin siya masyadong inaano na trabaho, trabaho, trabaho, kasi baka magsawa, e.”
DANIEL’S LOVELIFE. Pinapayuhan niya rin ba ang anak pagdating sa lovelife?
“Oo naman. Kasi katulad nung sinabi ko sa interview ko kay Kris [Aquino sa Kris TV], yung mga sumpa ng mga Padilla, gusto ko matapos na sa akin sa pamilya ko and sa iba naming mga kapatid.”
Ang tinutukoy ni Rommel na "sumpa" ng mga Padilla ay ang pagiging babaero umano at pagkakaroon ng maraming anak sa iba’t ibang babae.
Si Rommel nga ay may walong anak sa limang babae. Panglima si Daniel sa mga anak niya.
Sa tingin ba ni Rommel ay in love na talaga si Daniel kay Kathryn Bernardo?
“Oo. Naging leading man din ako, e, alam ko yung feeling na ‘yan.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
5 pepster31
4 Xray
3 ellenbermu
2 lanalang08
1 itsmyopinion_00