news

Part 2. Rommel Padilla on son Daniel being "madly in love" with Kathryn Bernardo: “Hindi. Sabi niya chill lang daw.”

by Glen Sibonga posted on June 22, 2012  STATS: 43020 Views | 5 Comments

Rommel Padilla understands if son Daniel has feelings for Kathryn Bernardo: “Oo. Naging leading man din ako, e, alam ko yung feeling na ‘yan. Siyempre kapag nandiyan ang leading lady mo, inaalagaan.”

Photo By: Noel Orsal and Melo Balingit

“Siyempre kapag nandiyan ang leading lady mo, inaalagaan.”

Naipakilala na ba ni Daniel si Kathryn sa kanya?

“Hindi pa kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita.

"Pero alam mo, one time kasi, sabi ko, ‘Anak, dalawin kita sa set, ha [ng Princess and I].’

“Sabi niya, ‘Sige Pa, dalhan mo ako ng pizza.'

"Sige ba, 'Ano ang gusto mo?’ Sabi niya, ‘Sandali Pa, tatanungin ko lang si Kathryn.’

“Kaya lang, nung pagdala ko ng pizza, hindi na kasi ako bumaba, e, kaya hindi rin kami nagkita ni Kathryn.”

Inamin na ba ni Daniel na malakas ang tama niya kay Kathryn?

“Hindi. Sabi niya chill lang daw.”

POLITICAL PLANS. Ngayong balik-showbiz na siya, paano na ang pangarap niya na pasukin muli ang pulitika?

“Nandiyan pa rin naman yun. Hindi naman nawawala yung buhay natin sa pulitika.”

Isa nga raw sa life-changing decisions niya ang pagpasok niya sa pulitika.

“Alam naman natin na kapag nandiyan ka sa pulitika, magsa-suffer, masa-sacrifice mo na yung [showbiz] career mo.

“Dahil ang una sa iyo doon ay ang bayan at mga kababayan mo.

"Naging provincial board member ako noong 2007 hanggang 2010. And then I run for vice-governor, hindi lang ako napagbigyan ng pagkakataon.”

« Prev  1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • pepster31

    06/25/2012 | 06:40 AM
    oo nga...teka nag aaral ba si daniel ngayon? sana naman..wag pabayaan ang pag aaral.. eh pano naman pati si karla , kat din ng kat...maisip sana nung nanay na masyado pa silang mga bata..nung umpisa pa yan si karla, pagna ge guest sa kris tv sya pa nag uumpisang tuksuhin ang anak niya ke kathryn...wag naman sanang magaya sa ama niya at mga uncle na ang daming anak sa ibat ibang babae...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Xray

    06/25/2012 | 03:50 AM
    Saka lang umeksena sa buhay nung anak nung sumikat na. By Karla's own admission, she single-handedly raised Daniel. And yes, somebody should tell Daniel to step on the breaks, parang nakaka-walang gana na rin, OA na sobra yung kathryn na lang nang kathryn bukambibig niya, mga menor de edad pa sila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ellenbermu

    06/24/2012 | 05:19 AM
    I agree with no.2, di dapat naka focus sa love ang mga questions kay daniel sa interview, I know na they need pulicity but lately puro love,love and love. They have a lots of teenager fans ,di yata magandang message ito. Sana makita ito ng mga managers nila,Daniel is behaving like a mature man in his interviews, his opinions about love and marriage are in appropiate with his age, i like him,i know sisikat ang batang ito,sana gabayan ng maayos ng parents niya. Bata pa siya, mom should guide him what to say on tv.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    06/23/2012 | 10:29 AM
    puwede bah ke bata bata pa eh madly in love na agad ang sinasabi. isipin muna ang career at future at di ang love love agad. raging hormones lang iyan na typical sa mga teen na katulad nila. dahil pag pinairal nila ang mga hormones na iyan iba ang patutunguhan. kaya sa mga manager nitong mga batang ito hwag gawin publicity ang mga love love na iyan dahil makakasira lang sa career nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • itsmyopinion_00

    06/23/2012 | 12:00 AM
    INFAIRNESS VERY HONEST ANG SAGOT. STRAIGHT TO THE POINY IKA NGA
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About