news

Why Dolphy cannot be declared National Artist yet despite strong clamor

by Mark Angelo Ching posted on June 22, 2012  STATS: 88237 Views | 28 Comments

The clamor for Comedy King Dolphy to be named National Artist became stronger after news of his deteriorating health came out this week. Although the veteran actor is very much qualified for the said honor, a legal matter might hinder his bid for the highly-coveted recognition.

Photo By: Ryan Lim

Hindi na bago ang petisyon para mabigyan ng National Artist award si Dolphy.

Kung tutuusin, 2009 pa nagsimulang lumutang ang pangalan ng Comedy King para sa mataas na karangalan na ito na iginagawad sa mga natatanging alagad ng sining.

Isa si Dolphy sa mga naging reaksiyon ng tao sa naganap na kontrobersiya sa proseso ng National Artist awards noong taon iyon. Tanong nila: bakit nabigyan na ng ganitong award si Carlo J. Caparas, kung hindi pa nabibigyan si Dolphy?

Simula noon ay patuloy nang naging isyu ang National Artist award ni Dolphy.

Sa mga panayam sa 83-year-old na komedyante ay isa ito sa mga laging itinatanong sa kanya.

Halimbawa, noong gawaran si Dolphy ng Grand Collar of the Golden Heart award ni Pangulong Noynoy Aquino noong 2010 ay nagbiro na lamang siyang ayos na sa kanyang hindi matanggap ang National Artist award.

Aniya, "National Arthritis award" na lamang daw ang ibigay sa kanya.

Ngunit ang impluwensiya ng 2009 National Artist Controversy sa buhay ni Dolphy ay hindi natatapos dito. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi pa rin mabigyan ng National Artist award si Dolphy sa ngayon.

KASAYSAYAN. Ang National Artist awards ay binuo noong April 27, 1972 sa pamamagitan ng Proclamation No. 1001 na pinirmahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang Cultural Center of the Philippines (CCP) ang inatasang mamahala rito, hanggang noong 1992, nang bigyan din ng parehong responsibilidad ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Ang National Artist award ay binuo upang bigyan ng gantimpala ang mga alagad ng sining na nagbigay ng natatanging kontribusyon sa sining ng Pilipinas.

Bukod sa karangalan, ang mga magiging National Artist ay mabibigyan din ng cash award na 100,000 pesos, buwanang pensyon, benepisyong medikal, life insurance, at isang state funeral.

Ang mga kategorya na nakapaloob sa National Artist award ay ang mga sumusunod: Architecture, Cinema, Visual Arts, Literature, Fashion Design, Dance, Historical Literature, Music, at Theater and Film.

Simula noong 1972 ay pito pa lamang ang mga nadeklarang National Artist na nabibilang sa mundo ng sine at showbiz. Tatlo lamang sa mga ito ang nabigyan ng award dahil sa trabaho nila bilang artista: sina Atang de la Rama, Manuel Conde, at Fernando Poe, Jr.

(Ang natitirang apat ay ang mga mahuhusay na direktor na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Gerardo de Leon, at Eddie Romero.)

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

28 Comments

  • 28  perlita66

    06/25/2012 | 09:09 AM
    Wala akong matandaan o tumatak na pelikula ni Mr. Dolphy, noong Golden Age of Philippine Cinema, Second Golden Age of Philippine Cinema at sa kasalukuyang Renaissance Period of Philippine Cinema.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  perlita66

    06/25/2012 | 08:59 AM
    Nagkulang si Mr. Dolphy, ng artist instinct dapat 4 decades ago. Nakita na niya ang mga ganitong posibilidad sa kanyang karera na maging isang National Artist for Film. Gumawa sana siya ng mga progressibong at dekalidad na pelikula na aanihin niya sa kasalukuyang panahon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  frida_kadiff

    06/25/2012 | 08:59 AM
    the ncca find it hard to bestow on Dolphy the national artist badge for the simple reason that SLAPSTICK is not considered to be a form of art.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  perlita66

    06/25/2012 | 08:42 AM
    Ipagdasal natin ang paggaling ni Mr. Dolphy. Walang kinalaman ang National Artist Award sa kanyang paggaling. Huwag gawing opportunidad ang paggawa sa kanya ng National Artist dahil sa kanyang kondisyong medikal. Hindi ito makatarungan sa mga iba pang nominees para impluwensiyahan ang isip ng mga hurado at taong bayan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  pepato

    06/23/2012 | 11:46 PM
    Si Carlo J. Caparas may national artist award given by his beloved kumare Gloria Macapal Arroyo pero wala namang Pinoy ang naniniwalang deserve nya yung award na yun samantalang si Mang Dolphy mga Pinoy na mismo ang nagta-tag sa kanya as their beloved national artist. Kahit ano pang sabihin ni Caparas obvious namang masakit para sa kanya ang katotohanang yun kahit pa di nya aminin. Tsk tsk tsk . . .
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    hototguy
    06/24/2012 | 06:27 PM
    si caparas naman ay deserve din naman, at malayo na rin ang narating nya as an artist. kumpara kay Pidol, dapat mas nauna pa ang king of comedy kaysa sa hari ng komiks at massacre movie.
  • 23  pmarc

    06/23/2012 | 11:36 PM
    Dolphy is my favorite male Pinoy comedian of all time but National Artist? Seriously? Out of sympathy? Dahil maimplwensa si Dolphy at maraming kaibigang politico??? Ganito naba kababa ang standards ng mga Pinoy???? VERY, VERY SAD!!! Alam naman nating lahat na Dolphy was not a good role model especially in terms of fathering multiple children from many different women. Ito ba ang gusto natin tularan ng kabataang Pilipino?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    hototguy
    06/24/2012 | 06:25 PM
    napaka fake mo naman. fave comedian ka dyan. sino gusto mo? ung adik at imoral na kagaya mo.... manahimik ka na lang at magdasal para kay dolphy.
  • 22  puckerlips143

    06/23/2012 | 09:29 PM
    they cant declare him yet because they are wAiting na si dolphy ay madedbol muna. Yun criteria nila kay mang dolphy sad but true.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  jams_mom

    06/23/2012 | 09:23 PM
    truth be told, there is an unspoken but obvious discrimination against film and tv actors for National Artists... the NCCA has always been known to be elitists, and mere artistas will not pass their taste... FPJ and Manuel Conde became NAs bcoz they were directors, writers, and producers... atang dela rama was better known for her work on stage and in music... an actor or actress has to be multi-faceted in showbiz to even be considered...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  jaz_dkapuso

    06/23/2012 | 09:09 PM
    I admire Dolphy but, I don't think he deserves the National Artist award... Isn't the Grand collar award enough for him? Im sure maraming mga politicians ang susuporta na gawin siyang N.A. Kasi malapit na ang election... Kapag ginusto naman ng mga may kapangyarihan wala ng magagawa ang mga ordinaryong tao... Sana lang maging patas sila sa proseso at sundin ang lahat ng panuntunan nito.. Sana rin ma acknowledge ang lahat ng mga KARAPAT dAPT na tao hindi lamang yung mga nakikita sa TV.. Marami namang taong nagbibigay inspirasyon sa iba... kaso lang wala sa limelight.. Sana din hindi na maulit ang mga kontrobersiya sa nakaraan... Tutal sinabi na naman pala ng pangulo... YUn na yun.. Kesa sayangin ang oras ng mga politiko sa mga ganitong usapin, sana bigyan ding pansin ang mas malalalang problema ng bansa... Opinyon ko lang po ito.. :D:D:D
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  milomilo123

    06/23/2012 | 08:31 PM
    dolphy is a national artitst
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  YanLai

    06/23/2012 | 05:32 PM
    Glorya Arroyo...National Artist for Graft and Corruption...over qualified...now na habang buhay pa!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  humandynamics

    06/23/2012 | 04:51 PM
    pabayaan na yang national artist ek ek na yan, tutal karamihan naman ng grand slam at award award na yan ay puro scam.. ang mahalaga ay nasa puso ng tao si dolphy at hindi yong binagay nga sa yo ang parangal wala namang respeto ang tao sa yo. so kanila na lang yun its really not big of a deal.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  doslugi

    06/23/2012 | 04:46 PM
    I dont care about this national artist issue. I care for Dolphy's recovery because for me 100 percent Dolphy is a national artist already. Dolphy is Dolphy national artist na xia dahil sa laki ng naiambag nya at hindi na nya kailangan yang pag kilala na yan dahil hindi naman kawalan sakanya ang siste si Dolphy ay kawalan para sa mga nag bibigay ng pag kilala na yan dahil maituturing na walang kakwenta kwenta yan at walang kredibilidad yan kung hindi nila kikilalanin si Dolphy bilang national artist.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  wanna_change

    06/23/2012 | 12:27 PM
    pag hindi pabor ang Supreme Court kay Caparas, siguro dalawa ang mabibigyan sa 2013 ng National Artist Award, sa category ng Film...isa na si Mang Dophy at siguro si Joel Lamangan.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    hototguy
    06/23/2012 | 03:33 PM
    and WHY JOEL LAMANGAN???? masyadong maaga para kay Lamangan ang NA, wala pang gaanong napatunayan. Better kung 2 nga yan, si Dolphy or Rosa Rosal, Eddie Garcia, Nora Aunor at Vilma Santos.
    wanna_change
    06/23/2012 | 06:10 PM
    hototguy, joke lang kay Joel Lamangan.... si Nora Aunor talaga ang pinakaqualified next to MAng Dolphy..
    Tweetumzz123
    06/24/2012 | 03:09 AM
    Bakit joke kay joel lamangan? Magaling na director si joel lamangan....kaloka!!
  • 14  peppito

    06/23/2012 | 12:16 PM
    PNoy might prefer her favorite siter Kris Aquino to be a national artist even before mang Dolphy.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  hototguy

    06/23/2012 | 09:48 AM
    HINDI NA DAPAT PANG MAKIALAM ANG PRESIDENTE NG BANSA SA USAPING NATIONAL ARTIST AWARD... MALINAW NA NAPULITIKA SA PIDOL KAYA DI NAPUNTA SA KANYA. kaya President Aquino, dumistansya ka..... gawin mong nararapat na mawala ang TRO sa N.A.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    aaronick
    06/23/2012 | 10:16 AM
    Hindi na makialam, tapos bigla-bigla sasbaihin mong gawin mong nararapat na mawala ang TRO. Eh di nakialam din. Kung gusto ninyong mawalan ng pakialam ang kahit sinong presidente sa usaping National Artist, ang i-suggest niyo, ang revision ng laws tungkol sa pagpili ng National Artist. Ang liwa-liwanag sa artikulo, binigyan pa tayo ng lesson sa History. Nagmula kay Marcos yan, may kapangyarihan ang pangulo sa magiging final say sa mapipiling National Artist Award. So kung sa tingin ninyo ay kailangan na ng revisions sa batas, then ipanukala ninyo, i-petition niyo. Yan ang tamang gawin.
  • 12  aaronick

    06/23/2012 | 09:25 AM
    Useless na sa totoo lang yang award na yan. Kasi paano pa maa-appreciate ni mang Pidol yung award? Nasa ICU na siya. Noon pa naman pala deserving si Mang Dolphy dahil pasok na pasok na siya sa criteria. Bakit hindi na iginawad agad? Ano pa bang silbi ng isang award kung psthumously na lang itong ibibigay sa isang taong alam mo namang deserving na habang nabubuhay pa? Tsk tsk tsk...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    aaronick
    06/23/2012 | 09:28 AM
    Kung gusto nilang ibigay yung awards sa mga namatay na, aba eh ilagay na lang nila sa criteria na isang qualification din para sa National Artist Award eh yung patay na. Ano pa bang criteria ang kulang kay Mang Pidol? Or kaya naman eh dun sa mga susunod na mananalo? Kung patay na ba yang mga yan, may magagawa pa ba sila para ipasa nila yung ilan pang criteria? Eh patay na nga! So dapat talaga, igawad yang award na yan dun sa mga nabubuhay pa.
  • 11  LosAngeles

    06/23/2012 | 08:26 AM
    SHAME ON THIS ORGANIZATION.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  selina454

    06/23/2012 | 08:08 AM
    pasok sa lahat ng criteria si mang dolphy para maging national artist...pero ang dahilan at ugat ng pagkakabinbin ng pagtanggap nya ng mailap na award ay ang kapalpakang ginawa ni gloria arroyo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • malaya2007

    06/23/2012 | 07:59 AM
    Carlo Caparas was the biggest joke ever compare sa achievement ni dolphy tinga lang sya. Wang ipilit ibigay nyo na yung pride sa kanya na dumaan sya sa tamang process hindi yung minadali at lumalabas na pampalubag loob na lang kasi mamamatay na sya. Halata naman kasing na maghuhugas kamay kayo kasi alam nyo ang totoo na dapat matagal na na syang naging national artist.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About