Hindi na bago ang petisyon para mabigyan ng National Artist award si Dolphy.
Kung tutuusin, 2009 pa nagsimulang lumutang ang pangalan ng Comedy King para sa mataas na karangalan na ito na iginagawad sa mga natatanging alagad ng sining.
Isa si Dolphy sa mga naging reaksiyon ng tao sa naganap na kontrobersiya sa proseso ng National Artist awards noong taon iyon. Tanong nila: bakit nabigyan na ng ganitong award si Carlo J. Caparas, kung hindi pa nabibigyan si Dolphy?
Simula noon ay patuloy nang naging isyu ang National Artist award ni Dolphy.
Sa mga panayam sa 83-year-old na komedyante ay isa ito sa mga laging itinatanong sa kanya.
Halimbawa, noong gawaran si Dolphy ng Grand Collar of the Golden Heart award ni Pangulong Noynoy Aquino noong 2010 ay nagbiro na lamang siyang ayos na sa kanyang hindi matanggap ang National Artist award.
Aniya, "National Arthritis award" na lamang daw ang ibigay sa kanya.
Ngunit ang impluwensiya ng 2009 National Artist Controversy sa buhay ni Dolphy ay hindi natatapos dito. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi pa rin mabigyan ng National Artist award si Dolphy sa ngayon.
KASAYSAYAN. Ang National Artist awards ay binuo noong April 27, 1972 sa pamamagitan ng Proclamation No. 1001 na pinirmahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ang Cultural Center of the Philippines (CCP) ang inatasang mamahala rito, hanggang noong 1992, nang bigyan din ng parehong responsibilidad ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Ang National Artist award ay binuo upang bigyan ng gantimpala ang mga alagad ng sining na nagbigay ng natatanging kontribusyon sa sining ng Pilipinas.
Bukod sa karangalan, ang mga magiging National Artist ay mabibigyan din ng cash award na 100,000 pesos, buwanang pensyon, benepisyong medikal, life insurance, at isang state funeral.
Ang mga kategorya na nakapaloob sa National Artist award ay ang mga sumusunod: Architecture, Cinema, Visual Arts, Literature, Fashion Design, Dance, Historical Literature, Music, at Theater and Film.
Simula noong 1972 ay pito pa lamang ang mga nadeklarang National Artist na nabibilang sa mundo ng sine at showbiz. Tatlo lamang sa mga ito ang nabigyan ng award dahil sa trabaho nila bilang artista: sina Atang de la Rama, Manuel Conde, at Fernando Poe, Jr.
(Ang natitirang apat ay ang mga mahuhusay na direktor na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Gerardo de Leon, at Eddie Romero.)




CALLED OUT
ALL COMMENTS
28 perlita66
27 perlita66
26 frida_kadiff
25 perlita66
24 pepato
23 pmarc
22 puckerlips143
21 jams_mom
20 jaz_dkapuso
19 milomilo123
18 YanLai
17 humandynamics
16 doslugi
15 wanna_change
14 peppito
13 hototguy
12 aaronick
11 LosAngeles
10 selina454
9 malaya2007
more comments