Matapos nito, nagpasalamat si Ruffa sa suporta ng dalawang organisasyon sa kanya.
Pagkatapos ay inabot ni Mariel Rodriguez kay Ruffa ang homemade birthday cards na ginawa ng mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice para sa kanyang kaarawan. Mukha namang na-touch si Ruffa at nagpasalamat muli.
CRISTY'S QUESTION. Sa pagkakataong ito ay nagsalita na si Mr. Fu para simulan ang pagtatanong.
MR. FU: "At dahil diyan eto na ang ating ano, Bulong ng Palad. Bibiktimahin ka na ng bulong."
RUFFA: "I know, ano ba yun? Sino nga?"
MR. FU: "Ito si Nanay [Cristy] ang unang magtatanong. Ang mga choices, may kinalaman sa tatlong lalaki. Okay? Naku sana hindi mag-react si…"
Titingnan ni Mr. Fu si Mariel. Asawa ni Mariel ngayon si Robin Padilla, na naging karelasyon daw ni Ruffa noon.
CRISTY FERMIN: "Si Mariel, expected na niya na kasama…"
MARIEL: "Nanonood siya [Robin], ha."
RUFFA: "Ay, nanonood? Oh gosh!"
MR. FU: "Ibubulong lang yung tanong, 'tapos ikaw ang sasagot. Clue lang yung maibibigay namin. Ang tatlong lalaking involved: A, Aga."
CRISTY: "Aga Muhlach."
MR. FU: "Aga Muhlach. B, Zoren. And letter C ay si Robin Padilla."
RUFFA: "Ano ba naman 'yan, 19-kopong-kopong pa!"
CRISTY: "Pasintabi kay Mariel siyempre. Ang unang bulong ng palad na aking ibabahagi sa 'yo ay…"
Tatayo si Cristy at lalakad papunta kay Ruffa. May ibubulong itong tanong, na hindi maririnig ng audience.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
87 thelastpepbender
86 Ligayaparaiso2011
85 walakangpaki
84 five_cents
83 elizendalicia
82 prettyme4sure
81 jed_raz8
80 aiveec
79 phil2012
78 kantaratarat
77 pepreaderako1234
76 Guest09
75 milomilo123
74 strawberry5
73 Speed_OfLight
72 milomilo123
71 echuserangpanot
70 kardashians
69 seasons
68 seasons
more comments