news

Zoren Legaspi reveals the art of flirting: "May flirting na harmful, e. May flirting naman na harmless.”

by Ruben Marasigan posted on June 25, 2012  STATS: 32067 Views | 6 Comments

Zoren Legaspi and partner Carmina Villarroel have not tied the knot formally but among showbiz couples, their “marriage” seems to be working out very well. Zoren shares his secret for a long and happy relationship: “Sa relasyon kasi kapag wala kang control, at kung hindi ka marunong mag-focus, mare-retract ka, e. Mawawala ka do’n sa giya mo, e.”

Photo By: Noel Orsal

Sa kalagitnaan ng pag-ere ng Paparazzi Showbiz Exposed noong Sabado, June 23, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makakuwentuhan si Zoren Legaspi sa kanyang dressing room.

Naganap ang kuwentuhan sa isang gap bago ang last segment ng "Bulong Ng Palad" na treatment sa birthday celebration ni Ruffa Gutierrez.

Sina Zoren at Ruffa, na dating nagkaroon ng relasyon during their younger days at nagkasama bilang hosts ng Paparazzi, ay madalas pa ring naitutukso sa isa’t isa.

Hindi ba nagseseslos ang partner ni Zoren na si Carmina Villarroel?

“Hindi. Kahit kailan, hindi,” nakangiting sagot ni Zoren.

“Kasi alam naman nating lahat, alam din namin ni Ruffa kung ano ang boundaries namin sa isa’t isa.

“So… kaya walang puwedeng mag-react. Kasi wala namang dapat na ika-react o ipagselos.”


IDEAL HUSBAND. Marami ang bilib sa magandang takbo ng pagsasama nina Zoren at Carmina, at napatunayan naman ng aktor na he can be a good family man.

May mga nagsasabi na kung nagkatuluyan sina Zoren at Ruffa, baka naging successful din ang kanilang estado.

Ano ang reaksiyon dito ni Zoren?

“A… hindi ko masabi. Malay mo, iwan niya ako!” sabay tawa ng aktor.

“Siya naman pala ang mang-iiwan.

“Pero mahirap sagutin yung mga ganyang bagay.”

Ano nga ba ang sikreto ng masaya at matatag na relasyon nila ni Carmina?

“Siguro yung pagiging ano namin… alam namin kung paano magbigay ng space sa isa’t isa. Hindi kami yung nagging na partner.

“Basta merong space. Marunong kaming magbigay ng sariling space namin sa isa’t isa.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • akoydreamer

    07/01/2012 | 07:31 PM
    medyo iwasan nya pagiging tsismoso pangit sa lalaki.mas safe pa si Carmina as a host.Kaya maraming endorsement.If not for Carmina ewan ko lang kung nasaan itong lalaki na to lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinoycali_ako

    06/25/2012 | 11:31 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    steelwings
    06/26/2012 | 07:39 AM
    GAYbscbn fantard,, kawawa ka naman, naghahanap ka ng irerecruit mo sa Uz-BEKIS-tan, pwede ba, kayo lang ang veki jn sa GAYbscbn, wag na kayo magrecruit! nyahahah!
  • fernan

    06/25/2012 | 04:12 PM
    Dapat limpak ang salapi ni Zoren.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sharmanjoshi

    06/25/2012 | 04:12 PM
    maybe they don't have the formality of marriage buy they embody a really beautiful marriage-relationship and they have a beautiful family. Maganda ang samahan nila, I hope I can have the same thing. I can't blame and judge Carmina for being scared of getting married after she went through an expensive and difficult annulment. Sino ba namang hindi matro-trauma if your husband suddenly blossomed to a butterfly.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    06/25/2012 | 04:05 PM
    nababadingan ako sa knya sa paparazzi, sana umalis na xa jan, hahaha! npanuod ko kase ang video nila nung birthday ni ruffa na curious ako.. haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • almond143

    06/25/2012 | 03:32 PM
    I dont like zoren years ago. Naging sila ni Mina lalo akong nainis sa kanya. Over the years i was proven wrong. Matino pala ito saka he respects women. No wonder maski di ruffa has good words about him
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About