news

TV5 executive Perci Intalan says the network is investigating Paparazzi incident involving Ruffa Gutierrez

by Rey Pumaloy posted on June 25, 2012  STATS: 43685 Views | 20 Comments

TV5 executive Perci Intalan (left) talks about the incident that happened at the birthday celebration of Ruffa Gutierrez (right) on Paparazzi last Saturday, June 23.

Photo By: Noel Orsal

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pamunuan ng TV5 ang insidenteng nangyari sa birthday segment ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi noong Sabado, June 23.

Inaalam ang pinagmulan ng galit at biglaang pagku-quit ng actress-TV host sa showbiz talk show ng Kapatid network.

Ayon kay Ruffa, “binastos” siya ng Paparazzi sa mismong birthday presentation niya.

(CLICK HERE to read related story.)

Kinumpirma ito mismo ng TV5 head for creative and entertainment production na si Perci Intalan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Miss World Philippines 2012 na ginanap sa Manila Hotel kagabi, June 24.

Ayon kay Sir Perci, “We said it naman na that we’re investigating what happened. 

“Of course, we feel sad that she feels sad about it. Hindi naman natin maaalis yun sa kanya…

“We are sure that the intention was really still genuine. They [Paparazzi production] did not intend to ruin her birthday obviously…

“Alam naman niya yung [‘Bulong ng Palad’ segment]… I think. Kasi we’ve been doing that for a while.”

BULONG NG PALAD. Sa “Bulong ng Palad” segment ay nagtanong nang pabulong kay Ruffa ang mga kasamahan niya sa show na sina Cristy Fermin, Zoren Legaspi, Mariel Rodriguez, at Mr. Fu.  

Sina Aga Muhlach, Zoren Legaspi, at Robin Padilla—mga lalaking naiugnany noon kay Ruffa—ang mga ibinigay na choices kung alin sa mga ito ang pipliin niya bilang sagot sa tanong.

Hindi malalaman ng live audience sa studio at televiewers ang tanong dahil ibubulong nga lang ito.

Nang si Mr. Fu na ang nagtanong kay Ruffa kung “sino ang may pinakamalaki…?” dito na nag-react at tumangging sumagot ang actress-TV host.

Ilang saglit matapos umalis si Ruffa sa studio ng Paparazzi, lumabas na ang sunud-sunod nitong tweets na kumukondena sa hindi raw magandang treatment na ibinigay sa kanya ng Paparazzi at nabastos daw siya.

(CLICK HERE to read related story.)

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

20 Comments

  • 20  milomilo123

    06/26/2012 | 03:10 PM
    vote anevel for congessman courtesy of ruppas un-professionalism.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  tsk_09

    06/26/2012 | 11:47 AM
    Para saan ang investigation tanggalin na lang ang show di naman nagrarate tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  Charminguts

    06/26/2012 | 11:16 AM
    ang OA mo Ruffa! masyado kang ma echos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  malimali

    06/26/2012 | 11:10 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  alexitorin

    06/26/2012 | 07:59 AM
    Kawalan ba si Ruffa sa Paparazzi ? Anyway, I don't like all the hosts but in this segment, wala namang narinig . Bulong nga. I think it was Annabelle who disclosed what was said sa bulong. They brought it upon themselves. Silang mag ina ang nag ingay. Ang hindi ko lang gusto, patronize pa ng mga hosts ang nangyayaring kabastusan, adding fule to the fire by egging Ruffa to tell them who her choice is. Mariel was egging Ruffa to say it. Si Binoe raw. . .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  jagjof

    06/26/2012 | 05:03 AM
    Malaking GEMEK na naman ni Roffa ito....hahaha....hindi na kasi magagamit si JLC at Shaina dahil break na at lalong sawa na ang publiko sa paggagamit kay Ylmaz, ayun esep ng ibang GEMEK...lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  batangkumon

    06/26/2012 | 02:37 AM
    Kaya pala nag quit nararamdaman nya na luging lugi na ang tv5, ang laki pa naman ng mga talent fees ng mga pinirata nila what's next kaya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  Nurse26

    06/26/2012 | 12:30 AM
    Nakakatawa ang drama ni Ruffang who is acting like 10 year old brat. Nakakahiya considering she's almost 40 years old. Yung ginawa niyang pagpopost sa twitter na negative comments against tv5's show is the height of unprosssionalistm and kabastusan instread of reporting it to the management first or talking to her her fellow hosts and writers of the show. Wa class talaga and just shows poor judgement and lack of respect for her co workers and management. Felling Royalty kasi, tsk,tsk. Walang taong nakasimpatiya sa kanya maliban lang sa mga bayarang alipores niya dito nagpopost. Asus, alam naman ng lahat na reyna na kabastusan ang nanay niya. Nako po.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Iamanncurtis1
    06/26/2012 | 01:55 AM
    Sayang si ruffa pag magtatagal pa sya sa tv 5.. Lipat na lang ulit sa dos, hilahin mo na rin ang mga kapatid mo, they have much brighter future sa dos.. Just leave ypur mom behind, sya ang jinx sa career nyo.. Let her retire na lang..
  • 12  Darlings

    06/26/2012 | 12:21 AM
    TV5 EXECS, MVP Don't allow your company Bullied by the unprofessional rude disruptive behavior of these notorious daughter mother bully team who already has a history of doing this in showbiz. Bu giving in to these bullies, you will encourage to keep on doing this bad behavior towards your company. What do you have to fear? Nothing at All! If you stand to these bullies, they will go away.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pinoycali_ako

    06/25/2012 | 11:25 PM
    What do you expect from the likes of her co-hosts na purr walang breeding--cristy fermin, mariel rodrigues, kung fu panda and being zoren! Dapat wala ng manood ng paparazzi na yan kasi i saw it and below the belt ang mga questions.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    TVviewer
    06/25/2012 | 11:45 PM
    paano mo nalaman na below the belt ang mga questions, narinig mo ba? i dont like those host at hindi ako nanonood ng paparazzi dahil di ko gusto magsubscribe sa TV5 but i saw it on youtube,,, la naman narinig na question kundi yung kay mr fu na sino ang may pinaka malaki....hindi naman sinabi kung ano yung malaki kundi kay rufing lang na pabulong...depende na lang sa viewers kung gusto nilang mag isip ng green. kung napahiya si rufing, sa sarili lang nya yun...di naman sya napahiya sa ibang tao kasi nga walang idea ang mga viewers kung anong question...if that made her upset, di na nya dapat ipinaalam pa sa mundo. pwede naman syang magpakaprofessional to talk to people behind that show or higher management. sira na nga yung mga host, mas sinira pa nya ngayon. kung mismong host ang nagsasabi ng negative abt the show,,,sino pa ang magge-guest at sino pa ang manonood. i think she's jst making this up a big deal para magkaroon sya ng reason na mapansin ng The Buzz at kunin sya ulit...see, special mention ang T
  • 10  alexis2222

    06/25/2012 | 10:30 PM
    TH5... the nega network... lahat ng shows pati mga stars nila... puro nega... mwahahahahah... pati tuloy income ng company... nega... mwahahahahahahah...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovetrip

    06/25/2012 | 08:57 PM
    Gsto lng pla umalis ng tv5 ggawa p ng issue. Ganyan din ginawa mo kina kriss.. Wag k sna tanggapin sa dos..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • monjuaquin02

    06/25/2012 | 08:46 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • manjo

    06/25/2012 | 08:16 PM
    What can one expect from a prima donna sans real talent. She calls herself a professional and then she goes bashing the show that feeds and stocks her pockets as trash like a whining baby publicly - where's your delikadeza, Ruffing? Ay, oo nga pala, you don't have such in you. Hays!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • doslugi

    06/25/2012 | 08:12 PM
    nakakaawa nito ung ibang maliliit tulad ni mr fu ang arte naman kasi nitong si ruffa para yun lang e di sana sinabi nya ayaw ko nga sagutin tapos
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ratedsardines

    06/25/2012 | 07:51 PM
    Basura naman talaga ang Paparazzi e. sa totoo lang. Ang mga tsismis nila ay kadalasan ay kasiraan sa mga artista ng Dos kung saan may malaking hinanakit itong si Cristy Fermin dahil sa pagkakasuspinde dahil sa mga binitawang personal na atake kay Nadia, na dinamay pati mga anak. Laging sahog sa show nila sila Piolo Pascual, Cristine Reyes, Vice Ganda,Pokwang, Enchong Dee ai ibpang talents ng Dos. Mag artistang walang nagawang masama sa kanya pero abot langit ang kanyang poot sa mga ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    cinelamour
    06/26/2012 | 04:35 PM
    at hindi ka halatang nanunuod ng show nila. LOL
  • kritikongpinoy

    06/25/2012 | 07:50 PM
    BTW Bulong Palad segment ng Paparazzi ay hinalaw o ginaya mula sa isang segment ng NUTS Entertainment show ng GMA-7 dati. Wala lang po.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winklebee

    06/25/2012 | 07:43 PM
    mahirap palang makatrabaho si ropa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    06/25/2012 | 07:32 PM
    ayaw pala niya ng bulungan segment sa show nila bakit tahimik at walang sinasabi? tapos noong siya ang binulungan imbes na kausapin niya sila ng pribado dahil don naman siya nagtatrabaho at host siya ng show na yun, nag tweet ang immature na lhukaret at sinabi niyang trashy ang show na mismong hino host niya. kung ganon pala ang tingin niya bakit hinintay pa niyang bulungan siya tsaka niya sisiraan publicly ang mother studio niya? walang loyalty, unprofessional, at plastic talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Hero_kun

    06/25/2012 | 07:02 PM
    Ginaya lang yang bulong ng palad sa Nuts Entertainment!
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    Speed_OfLight
    06/25/2012 | 07:16 PM
    yes
    Manamalady
    06/25/2012 | 08:02 PM
    Uu nga ginaya lang yang segment na yan sa Nuts Entertainment. Ala bang originality? And from my point of view regarding the issue, dapat tlga diniretso muna ni Ropa ang problema sa management. Mag leave of absence muna cya sa show until hindi cya makakuha ng satisfactory reply from the management. Ang kaso ayun dinaan sa twitter agad and resbak nmn agad ang nanay calling nasty and unkind words ang mga kung sino ang may pakana. Imbes na pumagitna cya ayun nanguna sa pagbash ng kung anik2. Binando pa na hindi tlga ngrerate ang show. Npaka unethical mother and daughter team. Minsan or madalas sumosobra itong nanay. I know anak nya ang involve at inakala nyang naagrabyado pero hindi dapat ganyan ang approach. She had shown again in the world na wala cyang pinagaralan.
    monjuaquin02
    06/25/2012 | 08:12 PM
    ok lang maging isa naman na mayari ng gme at tb5. dahil bblhin ni mvp ang gme,, nakautang na xa.. kaya hayun nagstart na magkakautang ang gme bwahaha
    wanna_change
    06/25/2012 | 09:28 PM
    monjuaquino2, magkakautang ang GMA7? ang labo mo naman... kahit pa mas mataas ang income ng ABS CBN, mababa pa rin ang income ni Lopez kumpara sa GMA7 owners dahil sa laki ng liabilities niya, ibig sabihin, ang laki ng utang niya.. di gaya ng GMA7 na debt free.. kaya laglag si Lopez sa top 40 riches forbes list para sa pilipinas..

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About