Maganda ang feedback sa primetime series ng GMA 7 na One True Love na pinagbibidahan nina Louise delos Reyes at Alden Richards.
Dahil dito, sinasabing sila na ang next important stars ng Kapuso Network.
“Maraming salamat po sa gano’ng feedback. Sobrang proud po ako sa nagiging trabaho namin ni Louise sa One True Love,” masiglang pahayag ni Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas nitong Sunday, June 24.
“Kasi kahit papa'no, nagiging okey po yung takbo ng show. At ipagpapatuloy lang po namin ang magandang trabaho.
“Basta ang gagawin lang po namin ni Louise, talagang every project, may bago po silang makikita sa amin.
“And everytime, meron kaming ipapakitang bago sa mga manonood po.”
OFF-CAM LOVERS. Kahit napapabalitang si Enzo Pineda ang real-life boyfriend ni Louise, hindi ito nakaapekto sa loveteam nila.
Talagang matindi pa rin ang kilig na hatid ng kanilang tandem sa kanilang mga tagsubaybay.
“Opo. Iyon nga po ang magandang nangyayari sa loveteam namin. Na walang pressure.
“Hindi kami pini-pressure ng network na, ‘Kailangan meron kayong something off-cam.’
“And ang mga fans, very supportive kung ano ang meron kami ni Louise onscreen.
“So very happy po ako ro’n kasi mas napapaganda pa namin ang trabaho.”
PROFESSIONAL RELATIONSHIP. Pero kadalasan ang nangyayari sa magka-loveteam ay totohanang nagkakagustuhan na rin sa kalaunan.
Nangiti si Alden nang matanong kung ano ang posibilidad na ma-develop sila sa isa’t isa?
“Talagang kami po ni Louise, very good friends kami ever since nag-start po kami sa showbiz.
“And inirerespeto po namin kung anong meron kami sa personal po naming buhay.
“It’s just do’n sa One True Love, talagang very professional po kami.
“Hindi namin hinayaan na yung mga personal issues namin ay makarating sa set.
“Kasi, very unprofessional po kapag nangyari iyon.
“And I’m sure kung sino man po yung mga taong involved outside our relationship onscreen…
“Naiintindihan po nila kung ano ang ginagawa namin for the sake of One True Love.”
RESPECT. Kapag tuluyang namayagpag na ang tambalan nila ni Louise, paano na kaya ang rumored boyfriend nitong si Enzo?
“Hala!” natawa si Alden.
“I’m sure… kasi naman po si Louise, nakita ko since before na sila ni Enzo, they treat each other very special.
“Talagang meron silang special friendship. And nirerespeto ko iyon.
“I respect that to the highest level. And hindi ko po talaga… wala po akong intensiyon na sirain kung ano yung meron sila.”
Okey ba naman sila ni Enzo?
“Opo. Okey kami. Okey naman po kami talaga.
“Since before, kahit no’ng sa Alakdana pa po. Nagkakaintindihan po kami ni Enzo.
“Never pong naging hindrance… never pong naging issue ‘to sa trabaho namin.”