news

Cristy Fermin feels Ruffa Gutierrez's "reaction" about the Paparazzi incident was a bit delayed

by Ruben Marasigan posted on June 26, 2012  STATS: 157445 Views | 67 Comments

“Ipinagpaalam sa kanya iyon [Bulong ng Palad segment]. Na-brief siya roon ng staff. At anuman pong bagay na sinabi sa atin at binigyan natin ng basbas na ituloy, wala pong kabastusan doon," says Cristy Fermin when asked about Ruffa Gutierrez's tweets that she was disrespected in their show.

Photo By: Noel Orsal

Nag-tweet si Ruffa Gutierrez pagkatapos ng show nilang Paparazzi Showbiz Exposed na siya'y aalis na sa nasabing programa noong Sabado, June 23.

Ayon kay Ruffa, nabastos umano siya ng staff ng show dahil sa mga naging katanungan sa kanya sa segment nilang "Bulong ng Palad" sa kanyang birthday celebration sa Paparazzi.

(CLICK HERE to read related story.)


MOMENTS AFTER BULONG. May mga nagulat sa biglaang pagbibitiw ni Ruffa sa programa dahil ayon sa ilang nakapanood ay mukha naman daw game si Ruffa at okay lang sa kanya ‘yong mga tanong na ibinulong sa actress-TV host.

Nang matapos daw umere ang programa masaya pa si Ruffa na nakipag-pictorial sa fans. Nakangiti pa siyang pumayag nang lapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para kapanayamin.

“Wait lang, ha!” aniya sa PEP. “We’ll talk after a few minutes,” at pumasok muna siya sa dressing room sa Broadway Centrum kung saan ineere ang Paparazzi..

Ilang sandali lang nakaraan, nagulat ang PEP sa paglabas ni Ruffa dahil naka-shades na ito at mukhang galit na tila naiiyak.

“Saka na lang tayo mag-usap!” sabi niya at dire-diretsong umalis.


CRISTY'S REACTION. Ang isa sa co-hosts ni Ruffa sa Paparazzi na si Cristy Fermin ay naglabas ng kanyang niloloob hinggil sa nangyari kagabi, June 25, sa programang Juicy.

Mainit pa rin kasing pinag-uusapan ang isyu kaya hindi puwedeng dedma at tahimik lang ang beteranang TV host at kolumnista.

Kuwento niya, “Nagulat kami at nawindang.

"Kasi hanggang sa matapos ang programa, pababa na kami nina Mr. Fu at Zoren [Legaspi], si Ruffa ay masaya pa rin at kami ay iniimbita sa kanyang selebrasyon na, ayon sa kanya, ay magaganap ngayong darating na June 30.

“Wala talaga kaming napansin na anuman. Kaya nang may mga tumawag sa akin na nagsabi na nagagalit si Ruffa at kung anu-anong salita ang ipinapatungkol sa Paparazzi, maging ng kanyang ina, ako ay nagulat talaga at nalungkot.

“Dahil hindi kagandahan ang mga salitang inukol niya sa isang programa kung saan kaanib siya, di ba?

“'Yong mga 'trashy reporting...' Yoong mga gano’n.

"So nakakalungkot lang na sarili mong programa… mga kasama mo sa programa, ay masyadong namaliit ‘yong kapasidad.”


PROFESSIONAL WAY. May opinion din ang iba pang hosts ng Juicy kaugnay nito.

Ayon kay IC Mendoza, “Masakit po na na-feel ‘yon ni Ate Ruffa na nabastos nga raw po siya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

67 Comments

  • pwearl109

    06/26/2012 | 05:44 PM
    pag nag merge na ang gme at tv5 eh magiging reyna na si cristy fermin ng gme. hahaha.. dba galit na galit ang mga kapucho kay cristy kc lagi sinisiraan si inday marian? ayan no choice kyo at magiging idol nyo na ri nang trashy na si cristy fermin. hahhaa
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    iceprince
    06/26/2012 | 07:41 PM
    actually, bati na sila hehe
    Honey_1046
    06/26/2012 | 08:28 PM
    oo nga, kababalik mo lng ba sa showbiz at di ka ata updated mam, matagal na po ok si MR at CF..
    jakar
    06/26/2012 | 08:44 PM
    honey...kababalik nya lang galing mental...kc na ban ung 107 na UN nya...hahaha
  • anastacia22

    06/26/2012 | 05:42 PM
    eh db b4 she transferred sa papparazzi eh gumawa din cya ng ingay, remember what she did na walk out issue at dahil daw kay kris aquino na lagi cyang binabara bara daw...hayy san ka na nmn lilipat ruffing...ang hilig mong mag ingay wala namn sa lugar jas like your mudra...peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • starkings

    06/26/2012 | 05:38 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    bus_stop
    06/26/2012 | 07:25 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • pwearl109

    06/26/2012 | 05:29 PM
    trashy host is giving a trashy comments to a trashy show. hahaha.. ang dmaing trashy... gosh..
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    jakar
    06/26/2012 | 08:42 PM
    parang ikaw..trashy commentor came from a trashy network...buwahahaha
    grinandgiggles
    06/26/2012 | 09:05 PM
    baka magpalit na sila ng title ng show nyan imbes na paparazzi eh trashy na hehe
    kookies
    06/27/2012 | 12:34 PM
    WTH do you mean by "trashy commentor"? bka commenter, tska pwearl109 galing kba sa isang network? iniinis ka ata nitong c Jakar. mangiinis ka nlang Jakar mali mali a!lol
  • ladygaygay

    06/26/2012 | 05:12 PM
    go rambulan n lng hehehe ..sna eh maayos din.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    06/26/2012 | 05:12 PM
    Kung na BRIEF si Ruffa before the segment eh bakit sya nag-react after?At bakit hindi after ng show?Bakit sa Twitter pa???Siguro nasulsulan ni Anabelle?O baka naman gusto na naman lumipat ng ibang channel?O baka naman ayaw nya na sa PAPARAZZI?O baka naman gusto nya ulit lumikha ng ingay?O baka naman.....Ohh im tired of you Ruffa!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jakar
    06/26/2012 | 08:41 PM
    gusto ng sariling talkshow nakalimutan mo

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About