news

Falsification complaint against Annabelle Rama dismissed by Quezon City Prosecutor’s Office

by Joyce Jimenez posted on June 26, 2012  STATS: 10882 Views | 18 Comments

The falsification and use of falsified documents filed by Nadia Montenegro against Annabelle Rama has been dismissed, based on the resolution issued by Assistant City Prosecutor Diovie Macaraig-Calderon last June 18, for “insufficiency of evidence.”

Photo By: Melo Balingit

Na-dismiss ang falsification of documents complaint na isinampa ni Nadia Montenegro laban kay Annabelle Rama.

Matatandaan na Oktubre 21, 2011 ay nagsampa ng kasong falsification and use of falsified documents si Nadia laban kay Ananbelle sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Nakalagay sa naturang dokumento, dated April 16, 2010, na talent ni Annabelle ang dalawa pang anak ni Nadia na sina Ayisha at Sofia.

(CLICK HERE for related article)

Nauna nang itinanggi ng dating aktres na siya ang pumirma sa naturang dokumento, at sinabing diumano'y pineke ng talent manager ang kanyang pirma.

Katunayan, si Nadia pa mismo ang nagkusa na ipa-test ang kanyang pirma sa naturang dokumento at sa pirma niya sa dalawang tseke na kanyang na-issue, at walo pang specimen signatures.

“INSUFFICIENCY OF EVIDENCE.” Ayon sa artikulo ni Julie Aurelio sa isang local daily broadsheet ngayong araw, Hunyo 26, inilabas ni Assitant City Prosecutor Diovie Macaraig-Calderon ang kanyang resolusyon noong Hunyo 18.

Nakasaad sa naturang resolusyon, nag-match ang mga specimen ng pirma ni Nadia at ang umano'y pirma niya sa hawak na dokumento ni Annabelle, base sa lumabas sa analysis na ginawa ng National Bureau of Investigation (NBI).

May nakita raw ang NBI na “significant similarities in handwriting characteristics and habits” sa mga pirma mula sa signature specimen at mula sa kontratang na kay Annabelle.

Nakalagay sa resolusyon na, “After a careful consideration of the foregoing, the undersigned finds and so holds that there is no probable cause to charge the respondent Rama with the above-mentioned offense.

“Considering that the NBI has found through the use of scientific methods that the questioned signatures and the specimen signatures were written by one and the same person and there being no evidence submitted by the complainant to support her claim, the undersigned is constrained to dismiss the instant complaint for insufficiency of evidence.”

Samantala, nagulat naman ang abugado ni Nadia na si Atty. Marie Glenn Abraham, nang aming tanungin ang kanyang reaksyon sa pagkaka-dismiss ng naturang kaso.

Wala pa raw silang nakukuhang kopya ng resolution, kung kaya’t hindi pa sila makapagbibigay ng reaksyon.

Bukas ang PEP na ilathala ang mga pahayag mula sa mga taong may kinalaman sa naturang isyu.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  hooney

    07/03/2012 | 01:03 AM
    unbelievable naman na pekein ni annabelle ang tseke ng mga anak ni Nadia, sa maliit na halaga at barya baray gagawin niya yun?kahit yata nakakainis siya paminsan minsan mahirap paniwalaan, eh di sana uunahin niya yung mga alaga niya na mas malaki ang talent fee
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  showbizlingo

    06/28/2012 | 02:46 PM
    Mabunganga lang si Ms. Rama kasi kahit ganyan siya, she's frank at hindi liar. Eh, pati nga anak niya nireresbakan niya pag nagsisinungaling. Itong si Nadia naman, nagawa na niya kay Gretchen iyang style niya - uutangan tapos aawayin. Maawain at matulungin si Annabel pero huwag na huwag mong traydurin. If I were Nadia, kinausap na lang niya ng masinsinan si Annabelle, hindi iyong daanin sa signature kuno na fake, iyon pala signature niya pa rin iyon. At kung kapit lang, walang kapit si Annabelle na mas malakas pa sa kapit ni CJ Puno. Eh, bakit si Puno tinablan? Sa ebidensiya iyan, hindi sa kapit.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  purong_kapamilya

    06/27/2012 | 04:32 PM
    nakapuntos si bisaya kay taba..aba wag tutulog tulog taba baka sa kangkungan ka pulutin..hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  hidden23

    06/27/2012 | 12:39 PM
    E kasi po si Annabel Rama ay may kapit. Marami. Kaya nga yung kaso laban kay Richard G doon sa napatay niyang PA ay nadismissed din kahit na matindi ang ebidensya na overspeeding talaga siya. kapit. kapit. kaya malakas loob niyang makipag away at makipagdeandahan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  puckerlips143

    06/27/2012 | 04:46 AM
    magbackfire kay nadia lahat ng ikinaso kay bisaya kasi sa simula pa lang wala namang kaso masyado lang kasi bunganga ni bisaya sabagay hindi ka ba naman maha highblood kung bintangan ka ng child abuse eh nakakaloka nga naman yan. Yun ikinaso kay bisaya na tungkol sa anak at ama baka yan ang magbackfire kay nadia kung hindi nga yan sinabi ni bisaya besides walang nakakaalam non si nadia lang ang nagbroadcast. Nahuli tuloy si nadia na nagsisinungaling. Ay ewan sa inyo sayang ang pera na ginagastos nyo sa abugado sila lang ang masaya at yumayaman sila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  stubbiz

    06/27/2012 | 12:34 AM
    Kaya Nadya itabi mo na lang ang mga binabayad mo sa lawyers mo, pambayad ng ilaw bago kayo maputulan. Kung kani-kanino ka na naman utang ng utang, siguro kay AFV? Naubos na ba si MH sa kauutang mo? hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  brainfultoo

    06/27/2012 | 12:33 AM
    buti nga sa'yo NADIA! magtrabaho na lang kasi para hindi na kayo naghihirap ng mga anak nyo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  jolyn875

    06/26/2012 | 09:36 PM
    Big F A T L A R kasi si nadia..takot mag trabaho..anak ang pinag ta-trabaho para sa kanilang mag asawa..mga tamad...kaya pala hindi takot si anabel rumisbak kasi nasa tama siya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Speed_OfLight
    06/26/2012 | 10:05 PM
    gusto rin siguro pasukin ni Nadia ang pag-giging manager.
  • 10  jolyn875

    06/26/2012 | 09:33 PM
    strike 2 nadia...kaya pala hindi takot si anabelle rumisbak sa korte kasi nasa tama siya..now what nadia? you're a big F A T L I A R..bakit kasi ang anak ang nag tatrabaho para sa kanilang mag asawa? parang breadwinner ang mga anak...di naman popular i dont think they make that much!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • schokolade

    06/26/2012 | 09:22 PM
    Nadia ikaw pala ang sinungaling! Nakakahiya pinag gagawa mo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Imnaldrix

    06/26/2012 | 08:54 PM
    Anabelle Rama now adays in Philippine justice is so powerful kaya kung ako sayo Nadia Montenegro kailangan munang ihanda ang sarili mo kase mas Matindi pa ang resbak ni Mrs Rama mo niyan. At the end of the day ikaw pa rin Ms Nadia Montenegro ang malagay sa alanganin at magawang kahihiyan...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    06/26/2012 | 08:33 PM
    ganito lang kc yan ms. nadia..."MAGSUMIKAP KA!!!!" kau ng asawa mo ng hindi umaasa sa mga konting kikitain ng mga bata.kaya ka debu eh. ayaw mong igalaw katawan mo...ttssskkkk...tttssskkk
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • wa2

    06/26/2012 | 07:52 PM
    si nadia ang nag sisinungaling hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • sbarro

    06/26/2012 | 05:35 PM
    congrats, sana pati na din libel ma dismissed na
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • p4n4lo

    06/26/2012 | 05:29 PM
    dapat lang ma dismissed kasi wala namang kasalanan si Annabelle...kung ayaw ni Nadia na bumaba grades ng mga bata wag nyang pag-artistahin...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    06/26/2012 | 04:49 PM
    2 points for annabel na actually.... so for sure, the libel case will be dismissed also... kase eto naman ang mga dahilan kung bakit nakakapagbitiw si annabel ng masasakit na salita... dahil binibigyan sya ng mga kasinungalingan na dahilan para magalit...
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    iloveJL
    06/26/2012 | 05:22 PM
    Agree!
    a_pretty_wallpaper
    06/26/2012 | 06:56 PM
    i totally agree...a contract is a legal document signed by lawyers...so i doubt na its fake which Nadia claimed na fake nga...d naman pala..
    coolet_06
    06/26/2012 | 07:03 PM
    eto lang din kase yan eh.. yung libel cases, ano ba ang pinagmulan nyan? bakit ba nakapagbitiw si bisaya ng mga salitang ganun? bago kase naging manager o sikat si bisaya, eh isa muna syang palaban na tao... tamaan ang tatatamaan sa mga salitang bibitawan nya... pero lahat yun may dahilan.. para lang kasi syang nakikipag-away sa kalye.. at yun ang totoong sya... kaya kung may nasabe man syang hindi maganda laban kay nadia, eh yun ay dahil sa mga primary cases na isinampa ni nadia na napatunayang hindi naman totoo...
    shidax
    06/27/2012 | 07:52 AM
    totally agree.....imposibli namang manggaya ng pirma si anabel at saka ano naman ang mapapala nya sa mga anak ni nadia e hindi naman ito sikat at iilan lang ba ang mga project ng anak nya.si nadia gagawin ang lahat makaganti lang kay anabel nabuking kasi na nay utang siya kay anabel.
  • Lieutenantcaine

    06/26/2012 | 04:25 PM
    Sure na nagpa lechon na si anabel, hmmmpppp tsalap tsalap
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    06/26/2012 | 04:16 PM
    1 point for Annabel
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About