Unang naiparating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagyao ng veteran director, writer, and aktor na si Mario O'Hara kaninang dakong 12:30 ng tanghali, June 26, sa pamamagitan ng text message, mula sa personal manager ni Nora Aunor na si Boy Palma.
"Iniwan na tayo ni Direk Mario... wala na siya," malungkot na mensahe niya.
Kaugnay ng mensahe ni Boy ay ang sumunod na pag-uusisa namin hinggil kay Ate Guy (palayaw ng Superstar).
Kumusta si Ate Guy? How is she taking her good friend's death?
Higit sa pagiging long-time director—na siyang dahilan ng naging marked improvement ng Superstar sa larangan ng pag-arte mula nang mag-collaborate sila sa klasikong war drama na Tatlong Taong Walang Diyos (1976)—si Direk Mario at ang buong angkan nito ay pamilya rin ang pagtuturing kay Ate Guy.
Kaya sa panahon ng pagkaka-confine ni Direk Mario—mula June 15 hanggang sa pagyao niya kanina, June 26—hindi pinagbawalang bumisita sa kanyang direktor si Nora.
Sa San Juan De Dios Hospital sa Pasay City na-confine si Direk Mario sanhi ng leukemia.
Nasa kanyang condo unit sa Eastwood City si Ate Guy nang makarating sa kanya ang balita. Agad na pumunta doon si Boy para bigyan ito ng moral support.
"Hindi ko pa makausap. Sobrang apektado," sabi naman ni Boy nang kumustahin ng PEP si Ate Guy.
"She's really down. Iyak lang nang iyak, wala nang boses.”
Ang huling major work ni Direk Mario ay ang mini-serye ni Nora sa TV5 na ipinalabas noong isang taon—ang Sa Ngalan Ng Ina.
Bukod dito at sa Tatlong Taong Walang Diyos, ang iba pang kolaborasyon nina Direk Mario at Nora ay ang mga sumusunod: Kastilyong Buhangin (1980), Bakit Bughaw ang Langit? (1981), Gaano Kita Kamahal (1981), Condemned (1984), at Bulaklak Sa City Jail (1984).
THE VISIT. Ayon kay Boy, dalawang araw silang dumalaw ni Nora kay Direk Mario—noong June 19 at 20.
"Nung second day [June 20], nagpasalamat sa akin si Direk sa lahat ng pinagsamahan namin..." banggit niya.
Noong Huwebes, June 21, tinawagan ng PEP si Boy para alamin ang iba pang kaganapan hinggil sa pagkakaospital ni Direk.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 cyberonline
10 patrick2010
9 lotuss
8 heart07
7 championka
6 perlita66
5 CmonTryMe
4 hototguy
3 spicy_tuyo
2 Tyler11
1 schokolade