Nais ng namayapang direktor na magkatipun-tipon ang kanilang pamilya sa sandali ng kanyang cremation.
May isa pang kapatid na babae sina Mario at Jerry na nagbalik-bayan mula sa Amerika.
Malaking pamilya ang mga O'Hara kaya na-anticipate ni Direk Mario ang discomfort 'pag sabay-sabay na magsasama sa okasyon ang mga direktang kapamilya at mga kasamahan at kaibigan niya mula sa iba't ibang larangang naging bahagi siya.
Ito rin ang ipinanghihingi ng paumanhin ng pamilya O'Hara, sa pamamagitan ni Paolo.
"Pasensiya na, last wish 'yon ni Tito Mario, e," sabi niya.
Samantala, ang kasabihang "the show must go on" ay posibleng maging applicable sa mga artistang kaanak ni Direk Mario.
Pawang mga artista sa teatro, telebisyon, at pelikula sina Paolo at mga magulang na sina Jerry at Peewee O'Hara.
Katunayan, bahagi sila ng magbubukas na 8th Virgin Labfest bukas, June 27, sa Tanghalang Huseng Batute sa Cultural Center of the Philippines.
Si Paolo ang direktor ng dulang Kawala (Revisited entry) na isinulat ni Rae Red; at dalawa sa major characters dito ang ginagampanan ng mag-asawang Peewee at Jerry.
Sa Linggo, July 1, naitakda ang showing ng dula sa Tanghalang Huseng Batute ng CCP.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 cyberonline
10 patrick2010
9 lotuss
8 heart07
7 championka
6 perlita66
5 CmonTryMe
4 hototguy
3 spicy_tuyo
2 Tyler11
1 schokolade