Ayon sa kanyang ina, na siyang nakausap ng PEP, nagmamadali si Boy dahil may healing mass na gaganapin para kay Direk Mario sa TV5 office in Broadway Centrum, Quezon City.
Ang ina ni Boy ay ang dating aktres sa LVN Pictures na si Lilia Palma. Pinaka-memorable movie raw niyang pelikula noon ang Ina Ng Awa, kasama ang mga beteranong sina Rosa Aguirre at Jose Padilla.
Sabi ni Mommy Lilia, "Ayun nga, dumalaw sina Boy at Guy kahapon, e, nag-iiyakan daw sila doon.
“Sabi ni direktor Mario, 'Pag namatay ako, wag na kayong iiyak...’"
Ito rin nga ang muling binanggit ni Boy sa kanyang mensahe na nai-share sa PEP.
"Siyempre, bumigay ako, parang bata, iyak ako," wika ni Boy.
"Sabi niya, 'wag daw akong umiyak at ‘wag kong iiwan at pabayaan si Guy.
“'Yon na pala last na pagkikita namin."
AT TONY ESPEJO'S WAKE. Maging kagabi, June 25, sa memorial services para sa yumaong stage director at Gantimpala Theater Foundation head na si Tony Espejo, ang tungkol din sa kalagayan ni Direk Mario ang isa sa mga pinag-uusapan.
Ito ang huling lamay para sa namayapang haligi ng teatro.
Dumalo sina Frank Rivera, longtime screenwriter-director-friend ni O'Hara, at Dante Balois, isa ring kaibigang character actor ng director.
Ang dalawa'y may pahintulot din mula sa pamilya O'Hara na dumalaw at magbantay sa direktor habang naka-confine sa ospital.
Sa kabila ng napaulat na magandang balitang pag-respond ng katawan ni Mario sa chemotherapy, ayon sa kapatid nitong si Jerry O'Hara, malungkot pa rin ang balitang inihatid ni Frank sa mga naroong kaibigan ni Direk Mario.
‘Tulad ni Joel Lamangan, ang kapwa direktor ni O'Hara sa pelikula at maging sa teatro.
As relayed to Lamangan, sabi ni Frank: "Mahirap [sa sitwasyon ni Mario], kasi hindi siya puwedeng salinan ng dugo. Bawal sa religion niya. Now he's undergoing dialysis..."
Katulad ng kanilang ina, na nasa 80 mahigit na ang edad, aktibong miyembro ng relihiyong Jehovah's Witness si Direk Mario.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 cyberonline
10 patrick2010
9 lotuss
8 heart07
7 championka
6 perlita66
5 CmonTryMe
4 hototguy
3 spicy_tuyo
2 Tyler11
1 schokolade