news

Jake Vargas on possible split of loveteam with Bea Binene: "Kung mawawala ang JaBea, siyempre malulungkot kami."          

by Ruben Marasigan posted on June 27, 2012  STATS: 8031 Views | 4 Comments

Jake Vargas on going solo: “Hindi pa. Magagalit ang fans namin ni Bea! And right now, wala rin akong ibang naiisip na gusto kong maka-partner. Hindi ko puwedeng baguhin na si Bea pa rin ang partner ko.”

Marami ang nakakapansin sa bagong hairstyle ni Jake Vargas. Bagay raw sa kanya at mas gumuwapo pa ang kanyang dating.

Pangiti-ngiti lang naman ang young actor nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas last Sunday, June 24, hinggil sa kanyang new look.

“Para maiba naman po,” aniya.

“Para hindi naman magsawa ang mga tao sa akin na ‘yon na lang ang nakikita sa hitsura ko.

“Trip ko lang magpagupit!” sabay tawa niya.

“Naisipan ko lang na magpabago ng hairstyle para ibang image naman.”


PREPARING FOR MATURE ROLES? Bilang paghahanda rin ba niya ito sa mas mature na role?

“Puwede rin po. Kung mabibigyan ako ng project na may gano’ng role ng GMA,” sagot ng young actor.

Wala pa ba siyang bagong gagawin pagkatapos ng Alice Bungisngis na pinagbidahan nila ng ka-loveteam niyang si Bea Binene?

“Wala pa pong sinasabi, e. Sa ngayon, Party Pilipinas muna, Walang Tulugan, at mga out-of-town shows ang pinagkaabalahan ko.”


BYE JABEA? Goodbye na ba talaga sa tambalan nila ni Bea?

“Hindi pa po. Loveteam pa rin kami ni Bea,” paglilinaw ni Jake.

Siya pa rin ba ang makakapareha ni Bea kapag nagsimula na itong lumabas sa Luna Blanca?

“Hindi ko po sure. Hindi ko po alam kung ako ang magiging partner niya sa Luna Blanca.”

Ano ang mga nami-miss niya ngayong pahinga ang tambalan nila ni Bea?

“Siyempre po, ‘yong bonding naming dalawa. Kasi bihira na lang din kaming magkita ni Bea.

“Tuwing Party Pilipinas na lang kami nagkikita. At saka sa ibang mga show like mall shows.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • pwearl1O9

    06/28/2012 | 11:43 AM
    ito ba yung da whong kambal ni april boy? hahahah kalowka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ako_kenkoy

    06/27/2012 | 04:39 PM
    Jake is one of the best in the new generation of artist.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    06/27/2012 | 01:29 PM
    im glad that GMA takes good care of their talents... theyre letting them enjoy their youth instead of making them do too mature roles that dont work...
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    shingaling20
    06/27/2012 | 03:21 PM
    kaya stuck up sila sa patweetums na role at walang career growth..toinks
    bratinella1234
    07/01/2012 | 10:26 AM
    haha agree shingaling20!
  • tilapyangmataba

    06/27/2012 | 01:04 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About