news

Jake Vargas on possible split of loveteam with Bea Binene: "Kung mawawala ang JaBea, siyempre malulungkot kami."          

by Ruben Marasigan posted on June 27, 2012  STATS: 8011 Views | 4 Comments

Jake Vargas on going solo: “Hindi pa. Magagalit ang fans namin ni Bea! And right now, wala rin akong ibang naiisip na gusto kong maka-partner. Hindi ko puwedeng baguhin na si Bea pa rin ang partner ko.”

“So, ‘yong mga time na lagi kaming magkasama, iyon ang nami-miss namin.”

Pero kung saka-sakali, handa na ba siyang mag-solo at kumawala sa loveteam nila ni Bea?

“Hindi pa. Magagalit ang fans namin ni Bea!” sabay tawa ng binata.

“And right now, wala rin akong ibang naiisip na gusto kong maka-partner.

"Hindi ko puwedeng baguhin na si Bea pa rin ang partner ko.”


BEA LIKES JAKE'S NEW HAIRCUT! Tiyempong biglang dumaan naman si Bea habang kinkausap namin si Jake. Hindi inaasahan ng young actress na bigla siyang matatanong kung ano ang masasabi niya sa bagong look ni Jake. 

“Ha?” nangiti si Bea. “Ang guwapo niya, ‘no?” sabay tawa ng dalaga.

“Kahit naman anong gupit o look niya, guwapo naman siya. Guwapo, di ba?”

Hindi siya nanibago?

“Hindi naman. Kasi sinabi naman niya sa akin na magpapagupit siya. So alam ko naman.”

Tungkol sa kung sino ang makakapareha niya kapag nag-start na siyang lumabas sa Luna Blanca, wala pa rin daw idea si Bea.

“Hindi ko pa po alam. I still have no idea.

“Pero kung si Jake ‘yon, ay , iyempre mas masaya! Kasi okay na kami talaga. We’re very good friends.

“And lagi kong sinasabi na at ease na kami sa isa’t isa.

“Kung iba naman ang ipa-partner sa akin, siyempre magpapasalamat pa rin ako.

“And at the same time, siguro kakabahan ako kasi siyempre kailangan ko pang mag-adjust.

« Prev  1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • pwearl1O9

    06/28/2012 | 11:43 AM
    ito ba yung da whong kambal ni april boy? hahahah kalowka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ako_kenkoy

    06/27/2012 | 04:39 PM
    Jake is one of the best in the new generation of artist.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    06/27/2012 | 01:29 PM
    im glad that GMA takes good care of their talents... theyre letting them enjoy their youth instead of making them do too mature roles that dont work...
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    shingaling20
    06/27/2012 | 03:21 PM
    kaya stuck up sila sa patweetums na role at walang career growth..toinks
    bratinella1234
    07/01/2012 | 10:26 AM
    haha agree shingaling20!
  • tilapyangmataba

    06/27/2012 | 01:04 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About