news

Glaiza de Castro answers rumor linking her to Heart Evangelista's ex-boyfriend, Daniel Matsunaga

by Ruben Marasigan posted on June 27, 2012  STATS: 14691 Views | 8 Comments

Glaiza de Castro on why she can't confirm if Daniel Matsunaga is courting her: “Kasi nakakahiya on his part, di ba? At nakakahiya rin sa iba. Na, huwag naman nating bigyan agad-agad ng kahulugan ang mga bagay. Dahil sabi nga nila, mahirap daw kapag kinukulayan ang mga bagay-bagay!"

Photo By: File

Ang buong showbiz community raw ay kaisa ng pamilya Quizon sa pagdarasal na bumuti na sana nang tuluyan ang kalagayan ng Comedy King na si Dolphy. 

Lahat ng mga artista, hindi lang ang malalapit sa beteranong komedyante kundi maging ‘yong mga hindi pa nito kakilala nang personal, ay naghahangad  na gumaling na siya.

        

Si Glaiza de Castro ay naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, June 24, na kausap ng ilang taga-media sa lobby ng GMA-7 kung saan ineere ang Party Pilipinas.  

Tungkol kay Dolphy ang paksa dahil close kasi ang aktres sa apo nito na si Boy2 Quizon.

       

“Never ko pa siyang [Dolphy] na-meet personally,” sabi ng Kapuso actress. 

“Pero kaibigan ko nga si Boy2 kaya nagti-text ako sa kanya at nangungumusta tungkol sa lolo niya. 

“Lahat kami sa pamilya, ipinagpi-pray namin na bumuti ang kalagayan ni Tito Dolphy.

       

“Close kami ni Boy2 kasi matagal na kaming magkakilala, e. Nagkasama kami noon sa Laugh & Roll pa.  

“And since then, ayun… naging magkaibigan na kami.”

       

Nagkukuwento ba si Boy2 tungkol sa kundisyon ng kanyang lolo?

        

“Nasabi niya sa akin na ‘yon nga, parang medyo mahirap ‘yong time na ito for their family. 

"Na… roller-coaster ride," ang paiba-ibang kalagayan ng Comedy King.

"So, ayun talaga, kailangan ng matinding prayers.”

         

HER NEXT ASSIGNMENT? Nangiti si Glaiza nang matanong naman tungkol sa kung ano ang susunod niyang project pagkatapos ng Biritera.

         

“Wala pa pong balita, e. Basta ang sinabi nila [GMA-7 management], by July daw. 

“Pero hindi ko pa rin po alam kung ano. Hopefully soon ay makapagsimula na ako ng bagong project."

          

Mahigit one month na ang nakalipas mula nang matapos ang Biritera. Sinamantala raw ni Glaiza ang pagkakataon na makapagpahinga muna. 

Nakapagbakasyon din daw sila ng kanyang pamilya kasama ang kanyang ate na nagbalik-bayan kamakailan.

          

“Nag-out-of-town kami. At sobrang sulit naman ‘yong vacation namin. 

“Kasi lahat talaga kami sa family, nando’n. Puwera lang ‘yong isang ate ko na nasa Zamboanga.”

         

TIME FOR SOME LOVIN'. Nagkaroon din ba siya ng panahon na maharap ang lovelife na hindi niya napag-ukulan ng time noong mga panahong busy siya sa trabaho?

         

“Waley!” sabay tawa ni Glaiza. 

“Gano’n pa rin po. Wala pa rin. Kasi sa ngayon, hindi ko pa talaga siya priority.”

         

Pero may balitang nanliligaw daw sa kanya ngayon si Daniel Matsunaga?

         

“Naku, hindi po! Hindi po. Natawa nga po ako do’n sa balita na dumating sa akin. 

“Kasi, hindi naman kami nag-uusap ni Daniel. 

         

“Nakasama ko siya noon sa Grazilda. Pero… ‘yon lang iyon. Iyon lang talaga.”

         

Hindi rin naman daw sila naging close.

         

“Never. Kaya nga hindi ko nga rin po alam kung bakit nali-link kami ngayon!” sabay tawa ni Glaiza.   

         

“Nagkita kami sa Party Pilipinas nang nag-guest siya.‘Yon lang po. Hi and hello lang. 

“'Tapos nag-tweet lang siya na parang… ‘yong dati nga na nagkasama kami sa Grazilda. Gano’n.

         

“Pero wala namang romantic na content ‘yong tweet na ‘yon. 

"So, parang siguro ‘yong mga tao, minsan kasi ano, e, alam mo ‘yong parang exaggerated?

          

“Na parang bahala na nga lang sila!” tawa ulit niya.

         

Baka naman siya nga ang bagong type ni Daniel ngayon?

          

“Wala po akong masabi!” sabay tawa niya nang malakas.

         

Kailangang si Daniel ang magsalita?

         

“Opo. Kasi nakakahiya on his part, di ba? At nakakahiya rin sa iba. 

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • alexangel

    06/28/2012 | 04:22 PM
    i've seen her in person kasi magkasabay kami nanuod ng noli the opera sa UP, she's tall and slim. simple lang din at hindi papansin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pepster69

    06/28/2012 | 12:05 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pwearl1O9

    06/28/2012 | 11:25 AM
    mas sosyal syang tingnan kaysa sa palengkerang si inday marian psychology queen. hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    xenaako
    06/28/2012 | 05:37 PM
    kasali ba sa article si Marian? nakakamatay ang inggit teh
  • pwearl1O9

    06/28/2012 | 11:24 AM
    angel locsion wannabe.. siguro bet na bet nya ang best actress na si angel locsin.. hahaha
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    alexangel
    06/28/2012 | 04:23 PM
    only a lot more talented!
    xenaako
    06/28/2012 | 05:38 PM
    wannabe ni angel? Mas magaling pa ngang umarte si Glaiza kysa ky Angel mo ano ka! hahhaha
    sk8r_boi
    06/28/2012 | 06:05 PM
    nung na GMA pa c angel, walang name c glaiza. ang tawag lang sa kanya was, ung kamukha ni angel. pero nung lumipat sya sa GMA, mas nakilala sya ng mga tao. ung isa naman, nalaos.
    pinay123
    06/28/2012 | 10:08 PM
    i think she is 10x better than angel locsin, talentwise in acting.
  • milomilo123

    06/28/2012 | 07:28 AM
    maganda naman pala at sexy ang ipinalit,, di ko masisi si daniel
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hhamlin

    06/28/2012 | 07:16 AM
    At least mas maganda naman sya kaysa kay Heart. Bagay sila ni Daniel sana sila na nga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • greencardholder

    06/27/2012 | 08:49 PM
    Magaling umarte. May talent. Yun na!
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    jakar
    06/27/2012 | 09:05 PM
    medyo maano ung mnger nya...
    jakar
    06/27/2012 | 09:05 PM
    gomen ne...nasa dulo na ng dila ko ayaw lumabas...lmao
    greencardholder
    06/28/2012 | 09:30 AM
    Maano? anong gomen ne? Hahaha.
    jakar
    06/28/2012 | 10:45 AM
    greencard...its sorry in japanese...
    jakar
    06/28/2012 | 10:45 AM
    gomen ne...sorry!!!
  • hototguy

    06/27/2012 | 06:58 PM
    since na makita ko si glaiza, hawig talaga sya ni angel locsin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Speed_OfLight
    06/27/2012 | 08:51 PM
    mas hawig nya yung lead singer ng band na "sinosiKat".

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About