“Kahapon [June 25] lang kumain na siya ng solid, nagpaluto siya ng morcon. Noong una, soft diet lang siya.
"E, bumaba ang hemoglobin niya, kaya ang tendency, nahirapan na siyang huminga kaya na-cardiac arrest na siya."
Hindi rin inilihim ni Jerry ang pagmamagandang-loob ni Nora Aunor, a longtime friend of the O'Haras; partikular si Direk Mario na nakatrabaho ni Ate Guy sa siyam na pelikula, isang mini-serye, at di-iilang drama anthology episodes.
Pero ayon din kay Jerry, "Umalis na raw kasi si Ate Guy kanina papuntang Boston. Inaantay ko nga siya sa ospital, nagpasabi na lang kay Boy."
May scheduled flight si Ate Guy kahapon papuntang Boston, Massachusetts para sa kanyang throat operation.
SILENT MOURNERS. Pareho ang pahayag nina Jerry at ng anak na si Janice tungkol sa maayos na pagyao ni Direk Mario.
Matindi man ang karamdaman, hindi gaanong namroblema ang pamilya sa mga gugugulin sa pagpapagamot.
"Kaya naman niya at hindi rin namin siya pababayaan [kung sakali]," wika ni Janice.
Si Janice, ‘tulad ng kakambal niyang si Denise, ay regular writer ng mga ABS-CBN teleplays, ‘tulad ng upcoming teleseryeng Little Champ na bida sina Senator Lito Lapid at bagong child actor.
Si Denise naman ay headwriter ng afternoon series na Be Careful With My Heart; at nagsulat para sa mga teleseryeng idinirek ni Jeffrey Jeturian, ‘tulad ng Rosalka, Juanita Banana, at Mundo Man Ay Magunaw.
Bilang manunulat, na ‘tulad ng kanilang Tito Mario, sabi ni Janice, "He's such a big factor in our lives, especially since we're from the same field.
"Definitely, nando'n yung influence. I've been watching his films, reading his scripts, and learn so much from them."
Wika naman ni Denise, "He didn't force us [to become a writer], pinabayaan lang niya kami with our decision.
"Ako nga, mula nang mapasok ako sa ABS-CBN, nawalan na ako ng buhay, but it's okay..."
Sambit ni Janice, "Hindi niya kami tinuruang magsulat, na inupuan niya kami, 'O ganito...' But he encouraged us na magbasa.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
3 hototguy
2 hototguy
1 hototguy