"Ah... 'umuwi ka na'...'" biro niya.
As eldest nephew, si Paolo ang masasabing naging "tagapagmana" ni Direk Mario ng nakahiligang pag-arte sa entablado, telebisyon, at pelikula.
TRIBUTE. Sa Biyernes, June 29, ay nakatakdang magtipun-tipon ang mga kaibigan ni Direk Mario mula sa industriya (ng radyo, telebisyon, pelikula at tanghalan) para sa isang pag-aalaala sa yumao.
Mauuna ang gathering ng mga miyembro ng relihiyong Jehovah's Witness na dito kabilang si Direk Mario, hanggang sa huling sandali, tulad ng kanyang inang si Mommy Bessie.
"’Tapos, iuuwi muna namin sa bahay yung ashes," sabi ni Jerry.
Nasa iisang compound ang mga O'Hara sa Brgy. Bangkal, Makati City.
Bilang alagad ng sining, naging bantog si Mario bilang manunulat.
Una, sa mga dulang panradyo simula noong 1960s, at mga stage plays at pelikula simula noong '70s.
Naging aktor din siya sa entablado at pelikula, na ang karamiha'y idinirek ng National Artist na si Lino Brocka; ‘tulad ng Santiago (1971), Tubog Sa Ginto(1971), Stardoom (1972), Tatlo, Dalawa, Isa ("Bukas, Madilim, Bukas" episode) (1974), Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), at Gumising Ka, Maruja (1978).
Kabilang sa mga stage plays na naging markado ang pagganap ni Mario ay ang Kabesang Tales (1975) at Flores Para Los Muertos (1978) ng PETA; at nitong nakaraang dalawang taon, ang Tatlong Mariya at American Hwangap ng Tanghalang Pilipino (TP), noong 2010.
Nagkamit ng parangal si O'Hara bilang Best Actor in a Featured Role para sa Tatlong Mariya, idinirek ni Loy Arcenas; at Best Lead Actor para sa American Hwangap, directed by Chris Millado, sa 3rd Philstage Gawad Buhay Awards.
Sa Oktubre, magiging makabuluhang tribute kay Direk Mario ang itatanghal na musical ng Tanghalang Pilipino, ang Stage Show, na pinakahuling dulang sinulat ni Mario para sa entablado.
Sa pelikula, naging ganap na direktor at filmmaker si Mario sa pamamagitan ng Mortal (1976), his debut film; at Tatlong Taong Walang Diyos (1976), ang klasikong pelikulang nagbigay ng major acting awards kay Nora Aunor.
Bukod sa Tinimbang Ka Ngunit Kulang, na siya ang screenwriter, ang iba pang mga obra na napagkilanlan sa pagiging henyong manunulat at direktor ni Mario ay ang mga sumusunod:
Insiang ni Brocka (as co-writer); Bakit Bughaw Ang Langit (1981), Bulaklak Sa City Jail (1984), (1984), Bagong Hari (1984), The Fatima Buen Story (1994), Sisa (1999), Babae Sa Breakwater (2003), a Cannes Filmfest Directors' Fortnight entry and one of Urian's Best Films of the Decade; at Ang Paglilitis Ni Andres Bonifacio (2010), sa Cinemalaya Independent Filmfest (Directors' Showcase) entry, ang huling pelikula ni Mario O'Hara.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
3 hototguy
2 hototguy
1 hototguy