news

Mario O'Hara's family members recall last moments with the late actor-writer-director

by William R. Reyes posted on June 27, 2012  STATS: 13120 Views | 3 Comments

Mario O'Hara, a prolific writer, director, and actor, passed away Tuesday, June 26, from cardiac arrest due to complications of leukemia.

Photo By: Noel Orsal

"I think it will be a long time bago kami makaka-move on."

Hindi naman malilimutan ni Peewee ang mga huling sinambit sa kanya ni Direk Mario.

"Pinatawag niya ako nang malaman niyang may sakit siya.

"'Peewee, halika dito... ang tagal-tagal na ng pinagsamahan natin, pero gusto kong malaman mo na masaya ako, na kayo ang pamilya ko.'

"Sabi ko sa kanya, 'Kung ano ang mga anak ko ngayon, you're a big part of it.

“Kung ano kami ni Jerry ngayon, yung relationship namin, you're a big part of it.'

"He's not only a brother-in-law to me, he's like a father to my children. As an older brother, mahal na mahal niya si Jerry..."

Sa mga naiwang pamangkin, ang bunsong si Heber ang naging anak-anakan ni Direk Mario.

"Si Heber ang pinaka-devastated," sabi ng kanyang Daddy Jerry.

Pero sa ospital, na palaging nagbabantay ang teenaged nephew, lagi raw sinisita nang pabiro ni Direk Mario si Heber.

"'O, bakit hindi ka na naman pumasok... pumasok ka na bukas,'" pag-command daw ni Direk Mario sa pamangking nasa unang taon sa kolehiyo sa UST.

Ang panganay na pamangkin ni Direk Mario, si Paolo, ay graduate ng kursong BS Mathematics, pero pinili ang career bilang stage actor (at pagtuturo on the side).

Si Direk Mario ang nagrekomenda kay Paolo nang magsabi ito ng hangaring maging stage actor din, through Tanghalang Pilipino (TP); pero sa kundisyong magtatapos muna siya ng college.

"Si Tito Mario, pinag-workshop niya ako sa Tanghalan... kay Nonon Padilla [head ng TP]," pagtukoy ni Paolo.

Ano ang mga huling salita at habilin ni Direk Mario kay Paolo, habang nasa ospital?

« Prev  1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3 Comments

  • hototguy

    06/27/2012 | 06:43 PM
    Ang ipinagtataka ko lang bakit biglang nag flight ang mama guy ko, pwede naman nyang ipagpaliban un kung nanaisin nya. anyway baka nga may skedyul na sa operasyon nya ng lalamunan nya. get well soon mama guy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    06/27/2012 | 06:41 PM
    Sayang nga lang si direk at nadugtungan ang buhay nya ng dahil sa kinaaniban nyang relihiyon. Ganoon pala un kahit nag aagaw buhay na di sya pwedeng salinan ng dugo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    hototguy
    06/27/2012 | 06:44 PM
    error, di nadugtungan ang....
  • hototguy

    06/27/2012 | 06:39 PM
    Walang asawa si direk Mario? Mabuti na lang, malapit sa kanya ang mga anak ni Jerry at asawa nito. Condolence po sa pamilya ni direk Mario.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About