(CLICK HERE to read related story.)
Natanong ba niya kay Mariel kung ano yung tinanong nito kay Ruffa, na sinagot naman ni Ruffa ng positibo?
“Naku, ang laking gulo ngayon diyan!” tawa ni Robin.
“Alam mo, hanggang ngayon, hindi ko maitanong. Ha-ha-ha!
“Nung nanonood nga ako noon, parang automatic na nag-shutdown yung mata ko at saka tenga ko.
“Minsan kasi, ayaw mong marinig yung pinag-uusapan.
“Napaka-awkward pala nung ikaw ang pinag-uusapan ng dalawang babae.
“Hindi ko talaga matanong hanggang ngayon sa kanya.
“Baka kasi sabihin, ‘Interesado ka pa hanggang ngayon ke…’
“So, kung anuman iyon, sana positibo. Sana nagbigay kay Mariel ng lakas ng loob.
“Nahihiya kasi talaga akong magtanong. Napaka-awkward,” nakangiting pagtatapos ni Robin.
MARIEL'S MESSAGE. Bago tuluyang magpaalam sa press, nangako si Robin na pagkauwi niya sa bahay nila ay sasabihan si Mariel na iparating sa PEP kung ano ang "bulong" nito kay Ruffa.
Kinagabihan, bandang 8:30, nag-message na through Facebook si Mariel sa PEP at sinabi na nga kung ano ang bulong niya kay Ruffa.
"Hello!!! Yung binulong ko po Kay ruffa ay "sino ang pinaka babaero" pero ruffa isn't mad at me :) in fact she even invited me to herr party this Saturday. Ruffa has always been nice to me :)" mensahe ni Mariel sa pamamagitan ng Facebook chat.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
153 justheaven
152 happygolucky
151 maypaolo
150 steelwings
149 hacker123
148 matalinokaba
147 daiguro01
146 liwayway
145 MadamClaudia
144 wanna_change
143 Max_08
142 ratedsardines
141 maypaolo
140 bacobaco
139 maypaolo
138 maypaolo
137 maypaolo
136 maypaolo
135 maypaolo
134 maypaolo
more comments