news

Carl Guevara admits courting Kris Bernal

by Gorgy Rula posted on June 28, 2012  STATS: 8475 Views | 10 Comments

“Siguro right timing lang ngayon. Ayun, nanliligaw ako sa kanya, pinadadalhan ko siya ng flowers. Sana may chance. Sana successful,” says Carl Guevara on courting fellow Kapuso star Kris Bernal.

Photo By: Noel Orsal

Napilitan si Carl Guevara na amining nanliligaw siya ngayon kay Kris Bernal.

Kuwento ni Carl sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa presscon ng bagong afternoon dramang kinabibilangan niya, ang Hindi Ka Na Mag-iisa, nagkasama raw sila ni Kris sa isang mall show sa Cebu nung nakaraang linggo at doon daw sila nagkausap nang masinsinan.

Aminado naman si Carl na nung pagpasok pa lang niya ng GMA-7 ay crush na niya si Kris, pero hindi lang daw siya makaporma dahil aware naman siyang ka-loveteam pa ito ni Aljur Abrenica.

Ayon kay Carl, “Before kasi, pagpasok ko sa Last Prince, napansin ko na siya, pero hindi naman talaga kami nakapag-usap nang mabuti.

“Nung time pa na yun, kalilipat ko lang sa GMA, kailangan ko pa talaga magtrabaho.

“’Tapos, meron pa silang loveteam ni Aljur, siyempre nirerespeto ko naman ang loveteam nila.”

Nung panahong iyon ay naghiwalay na rin daw si Carl at ang ex-girlfriend niyang Daiana Menezes, at aminado siyang sobra niyang dinamdam ang breakup na iyon.

Mabuti at nandun daw ang pamilya niya na sumuporta sa kanya, kaya nagawa raw niyang mag-move on nang maayos at tuluyan nang kinalimutan si Daiana.

Patuloy na kuwento ni Carl, “Pero lately, nagkasama kami ni Kris sa Cebu.

“Nagkakuwentuhan kami, nagkakumustahan... matagal na rin kaming hindi nagkausap.”

Pagkatapos daw nilang magsama ni Kris sa Cebu, nagkapalitan sila ng numero at madalas na nga raw silang nag-usap. Lumabas pa raw sila uli kasama ang ilang kaibigan.

“Mabait naman si Kris, e, masayahin, masayang kasama,” sagot ni Carl nang tinanong ng PEP kung ano ang nagustuhan niya sa young actress.

Kitang-kita ang pagkakilig ni Carl tuwing napapag-usapan ang panliligaw niya kay Kris.

“Okay naman, e. Masaya, masaya,” pakli nito nang kinumusta namin ang panliligaw niya.

“Siguro right timing lang ngayon. Ayun, nanliligaw ako sa kanya, pinadadalhan ko siya ng flowers.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  Krismatics

    06/29/2012 | 02:53 PM
    nakakatawa naman itong c pwearl1O9! kulang ka ata sa pansin ineng! binasa mo yung article tas ssbihin mo Da who? dapat d mo na binabasa kung d mo kilala! dapat username mo KSP hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Krismatics

    06/29/2012 | 02:48 PM
    bagay naman sila gwapo c Carl at maganda c Kris. yan ang tunay na nagmamahal at tunay na lalaki umaamin hindi tulad ng iba dyan denial king, pag may project lang sweet d ba aljur?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • marilousyj

    06/29/2012 | 10:10 AM
    So, hindi na magiilusyon si Kris kay Coco? May manliligaw na e, gwapo naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    06/28/2012 | 03:37 PM
    ang taray ni kris! ikaw na te. bigyan mo ng chance, mukhang mabait naman itong c carl.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexangel

    06/28/2012 | 12:44 PM
    cute niya. buti lumipat sa kapuso nagka-career at hindi nalaspag ng mga starfish na malansa sa dos. LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thelostreasure

    06/28/2012 | 12:35 PM
    bagay sila..ang gwapo at ang sexy ni carl..si kris naman cute, pretty face at talented.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jella89

    06/28/2012 | 11:41 AM
    labasan na ang mga insecure. Ano magagawa ni Kris Bernal kung maraming nagkakagusto sa kagandahan nya. Kaya nyo yan maraming manliligaw na di basta basta.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pwearl1O9

    06/28/2012 | 11:24 AM
    da who ulit? hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pwearl1O9

    06/28/2012 | 11:23 AM
    isang malaking DA WHO??????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pwearl1O9

    06/28/2012 | 11:23 AM
    da who naman itong trolley looking na itetch? haha..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About