news

Nadine Samonte thankful for the chance of having worked with Mario O'Hara; takes a shot at theater acting after Valiente

by Ruel J. Mendoza posted on June 28, 2012  STATS: 2795 Views | 4 Comments

Nadine Samonte played Maila in her third teleserye on TV5, Valiente. She says she cherishes her experiences in the series, especially working with her idol and co-star Ms. Lorna Tolentino and also learning a lot from directors Joel Lamangan and the late Mario O'Hara.

Photo By: Noel Orsal

Lungkot na may kahalong ngiti ang naramdaman ni Nadine Samonte sa pagtatapos ng TV5 priemtime series na Valiente, kunsaan gumaganap siya bilang si Maila.  

Mami-miss daw ni Nadine ang magandang samahan nilang lahat sa set ng Valiente.

Naging close si Nadine sa veteran stars na nakasama niya rito—sina Jaclyn Jose, Michael de Mesa, Gina Alajar, John Regala, at ang matagal na niyang iniidolo na si Ms. Lorna Tolentino.

Sabi ng young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Parang kelan lang ay nagsimula kami mag-taping for Valiente. Ngayon tapos na pala kami.

"Nakakalungkot kasi ang ganda ng working relationship naming lahat sa show.

“Nabigyan din ako ng opportunity to work with the best actors and actresses ng industriyang ito, at nakatrabaho ko rin si Direk Joel Lamangan.

“Marami akong natutunan sa kanya at dadalhin ko iyon sa mga susunod kong projects. 

"Wish ko na makatrabaho ko ulit si Direk."

Patuloy niya, "Mami-miss ko silang lahat, lalo na si Tita Lorna. Hindi ko makakalimutan ang mga eksena namin sa Valiente.

“Idol ko talaga siya. Hindi lang sa kagandahan niya kundi pati sa pagiging ba mahusay niyang artista.

DIREK MARIO. Ikatlong drama series na ni Nadine ang Valiente pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract sa TV5.

Pinagbida siya agad sa The Sisters at isinama siya sa comeback sa telebisyon ni Ms. Nora Aunor, ang Sa Ngalan Ng Ina na idinirek ng yumaong si Mario O’Hara.

Isa rin si Nadine sa nagulat nang malaman niyang namaalam na si Direk Mario dahil sa sakit na leukemia.

Mabait daw itong tao at hindi kailanman daw niyang nakita itong nagalit noong ginagawa nila ang Sa Ngalan Ng Ina.

Pahayag ni Nadine, “I feel so lucky dahil nagkaroon ako chance to work with someone like Direk Mario.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • hototguy

    06/28/2012 | 09:30 PM
    un nga lang Nadine, bonus mo na rin na naka trabaho mo si direk Marion-na RIP na at si mama Guy na RIP na rin ang career.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapiso68

    06/28/2012 | 09:23 PM
    magaling na bata. She acted opposite The Great Nora Aunor and was handled by the finest Director Mario. Balik ka na lang GMA para mapanood ka naman ng tao. Sa TV5 may PERA ka nga wala namang FANS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sk8r_boi

    06/28/2012 | 05:36 PM
    miss ko na si nadine, hindi ka na sya napapanood.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    06/28/2012 | 04:19 PM
    parang wala lang di ba Nadine? at least may malaki kang sahod dyan sa TV5.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About