news

Frank Magalona on alleged involvement in Albie Casiño mauling: “Alam ko naman na I’m not part of it and God knows too."

by Rose Garcia posted on June 28, 2012  STATS: 10409 Views | 4 Comments

“I think, I just haven’t found the right one for me. Basta ang sa akin, dumarating kasi. Dumarating lang talaga kahit sabihin nating attraction is initial. Pero para sa akin, kahit maganda ang babae, parang bonus na lang yun. Kumbaga, talagang ang hinahanap ko, ugali," says Frank Magalona when asked what he looks for in a girl.

Photo By: Noel Orsal

Ang unang serye ni Frank Magalona bilang isang Kapuso ay ang Blusang Itim, kung saan naging kapareha siya ng bidang si Kylie Padilla.

Pagkatapos nito ay puro guestings na raw sa GMA-7 ang ginawa niya sa loob ng halos dalawang taon.

Ngayon lang daw siya ulit nabigyan ng isang regular show, ang afternoon soap na Hindi Ka Na Mag-Iisa.

Nakaramdam ba siya ng pagkainip sa mga panahong wala siyang regular series?

“Hindi naman. Kasi, ako naman yung hindi ko naman pipilitin ang sarili ko.

“Hinihintay ko lang na dumating sa akin ang mga blessing.

“Right now, I’m very blessed na dumating sa akin ang opportunity na ‘to na lumabas ulit sa TV… na may bagong project.

“Tuwang-tuwa ako na nakasama akong muli sa isang bagong proyekto na handog ng GMA-7.”

               

Dugtong niya,“Although, hindi ko rin naman naiwasang hindi kuwestuyunin ang sarili ko na, ‘Bakit kaya ganoon?’

“Pero para sa akin, God has plan for you. 

"So ako, I just go with the flow. At the same time, I was also planning to do short film.

“Shoot, produced short film, yung ganoon.”

               

May mga kaibigan daw siyang young directors at siya naman ay isang Fine Arts graduate sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

“So siguro, natural lang na magkaroon ako ng idea na ganito. If ever, I’ll be the one acting in the film."


Dati raw, noong nabubuhay pa ang ama ni Frank na si Francis Magalona, involved din daw siya sa paggawa ng mga music videos nito.

“I used to accompany him. Tinutulungan ko siya sa mga craft niya.

“After that, ngayon, parang gusto ko rin gumawa ng creation of my own. Like with video, short film.”


HIS CO-STARS. Si Frank ang lalabas na ka-love triangle nina Jennylyn Mercado at Sid Lucero sa Hindi Ka Na Mag-Iisa.  

Ito ang unang beses niyang nakasama sina Jennylyn at Sid.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • alexis2222

    06/28/2012 | 10:08 PM
    kailangan idamay ang Dyos? artista ba 'to? ba't mukhang di naligo? mas gwapo pa yung taga deliver nami ng dyaryo... mwahahahahahahah...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chubbycrunch

    06/28/2012 | 09:03 PM
    He doesn't look like a leading man type.. mas character actor ang tipo nya... and a little on the heavy side...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    06/28/2012 | 08:47 PM
    si Albie, yong sabay nalaos sa Dos kasama ni Andie. hahahaha! goodluck sa new soap Frank M. Can't wait to watch Jenn and Sid plus Frank.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sk8r_boi

    06/28/2012 | 05:30 PM
    da who ba ung albie na yun. pati ba naman si frank idadamay pa makapag-ingay lang?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About