Sa 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival—mula July 20 hanggang July 29, 2012—ay itatanghal ang limang entries sa Directors' Showcase section; para sa filmmakers na nakagawa na ng mahigit sa tatlong full-length feature films.
Ito ang ikatlong taon ng nasabing kategorya sa taunang Cinemalaya Filmfest.
Ang mga venues ng pagtatanghal ay ang Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Roxas Blvd., Manila; ang Greenbelt Cinema 3 sa Makati City; at ang Trinoma Cinemas sa Quezon City.
Katulad sa kategoryang laan sa mga baguhang manlilikha o New Breed Section, ang Directors’ Showcase ay inaabangan ng manonood dahil sa mga obrang naiiba at pagiging makasining ng mga ito.
Ang mga direktor na lumalahok, bagama't mga datihan na o nakagawa na ng mahigit sa tatlong obra, ay sumusubok sa paghamon ng medyum (digital film) at pagkakataong makilahok sa kumpetisyong pampelikula na sa halos isang dekada na ngayon ay ibinibilang na pretihiyoso, may kaukulang halaga para sa pagpapasulong ng industriya ng pelikulang Pilipino.
PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) gathered info and data about each the entries. Kabilang din ang mga tala ng mga direktor at iba pang may kinalaman sa mga kalahok sa pelikula sa nasabing section.
(CLICK HERE to read all about the entries competing in the 8th edition of Cinemalaya)
Sa taong ito, ang limang entries sa Cinemalaya Filmfest-Directors’ Showcase category ay ang mga sumusunod:
Bwakaw. Sa direksiyon ni Jun Robles Lana. Tampok na mga nagsiganap sina Eddie Garcia, Soxy Topacio, Armida Siguion-Reyna, Rez Cortez, Alan Paule, at Gardo Versoza.
Ano ang subject matter at kuwento ng obra at bakit Bwakaw ang napiling title ng pelikula, na base sa screenplay na isinulat ni Jun Lana?
"It's about an old man and his dog... the old man happens to be a [closeted] gay," sagot ni Direk Jun sa PEP.
"Bwakaw ang pangalan ng aso, kasi matakaw yung aso na askal [asong kalye].
"Pero dahil sa friendship niya with his dog, the gay man experiences love for the first time.
"As a gay person, matagal na siyang closeted; now he's in his 70s.
"Eddie Garcia fitted the role of the old man and Soxy Topacio, his gay friend."
May mahalagang partisipasyon sa pelikula ang veteran actress at opera singer na Armida Siguion-Reyna.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
8 krenda
7 rokr12
6 jessica9999
5 czeska221
4 delicatepetals
3 BERNARD2010
2 aaronick
1 hototguy