Kasama ang Kapamilya star na si Albie Casiño sa cast ng indie film na The Animals, isa sa mga entries sa 8th Cinemalaya na gaganapin mula July 20 hanggang 29.
Dito’y gaganap siya bilang si Jake. Makakasama niya rito ang dating Pinoy Big Brother:Teen Clash of 2010 housemate na si Patrick Sugui, na gaganap bilang si Alex, at ang model-actress na si Dawn Balagot na gaganap bilang si Trina.
Tinatalakay ng pelikula ang tipikal na buhay at pinagdadaanan ng mga kabataang nasa high school.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Albie sa presscon ng Cinemalaya kaninang tanghali, June 28, sa Cultural Center of the Philippines sa Roxas Blvd., Pasay City.
Ikinuwento ng Star Magic talent sa PEP.ph ang karakter niya at ng dalawa pang bida ng pelikula.
“I will play the character of Jake... well, there are three major characters here—myself, Dawn Balagot, and Patrick Sugui.
“The movie is about the typical high school groups, I play the popular kid, the jock, ‘yong siga sa school.
“Patrick plays the role of a person who wants to be accepted. ‘Tapos si Dawn naman, she’s just looking for more in life.”
(CLICK HERE to read all about the entries in the 8th edition of Cinemalaya)
WILD PHASE. Base sa napanood na trailer ng indie film, makikitang medyo wild ang mga eksenang ginawa nila dito.
Si Albie ba ay dumaan din sa "wild" phase na ito?
"To an extent, yes," pag-amin ni Albie.
Ayon sa binata, pinagdaanan niya din ang mga ganitong pangyayari sa buhay.
“I think lahat naman sa high school dinaanan ‘yon, di ba?” natatawang sagot ng Kapamilya young actor.
“Going to parties, trying to be accepted, wanting more from life—lahat naman tayo pinagdaanan ‘yon, e.”
At ang natutunan niya mula sa mga pinagdaanan niyang ‘yon?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
33 my_own_views
32 pretty_angel0077
31 pepper_salt
30 kapamilya_na_pilya
29 lotuss
28 bacobaco
27 pepguard
26 pepguard
25 cy2
24 fanhan
23 greencardholder
22 dustmyeat
21 nenetski36
20 fecatada
19 lilac0808
18 jessica9999
17 bostongirl
16 Mute19
15 syetedos
14 ashliey
more comments