news

Ara Mina will pursue libel case against Cristine Reyes despite public apology from younger sister

by Gorgy Rula posted on June 30, 2012  STATS: 91823 Views | 88 Comments

Ara Mina (in photo) on sister Cristine Reyes: "Ang pera nauubos, ang kasikatan nawawala, ang titulo nasusunog, nawawala ang kagandahan, kumukupas, pero yung pamilya, kapatid, nandiyan. And sinasabi ko, sasabihin ko ulit, kung sino man nakapaligid sa kanya, sana payuhan n’yo nang tama. Dahil kaya dumating sa point na ganito, hindi na rin siya kaya ng mommy ko. Wala nang nakakaya sa kanya, e. Kung lahat sumuko na actually, ako yung natitira."

Photo By: Gorgy Rula

Buo ang desisyon ni Ara Mina na ituloy ang kasong inihain niya laban sa kapatid na si Cristine Reyes, sa kabila ng paghingi ng public apology ng huli.

Ayon sa abugado ni Ara na si Atty. Enrique dela Cruz Jr., “Sa huling pag-uusap namin ni Ara, hindi niya tinatanggap yung naging malabnaw na apology ni Cristine.

“Sapagkat, ang sabi ni Cristine, ‘Kung ako man ay nakasakit sa kanya ako’y humihingi ng tawad…’

“Hindi naman niya inaamin na siya’y nagkamali, e.

“Papa'no mo patatawarin ang isang taong hindi naman umaamin na siya ay nagkamali?

“Kung natatandaan natin, yung kaso ay nai-file ni Ara, hindi para kumulekta ng pera, hindi para maghabol ng ano man, kundi upang turuan ng leksyon yung kanyang nakababatang kapatid.

“So, sa kanyang pananaw, hindi siguro dapat pang iatras yung kaso dahil hindi pa naman niya natututunan, e, yung leksyon na dapat niyang matutunan.”

Ayon pa sa abugado ni Ara, hinihintay na lang nila ang resolution mula sa Prosecutor’s Office kung may probable cause ang kasong isinampa ni Ara laban kay Cristine at kung aakyat ito sa korte.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. dela Cruz sa GMA Network Center kahapon, June 29.

CRISTINE’S “APOLOGY.” Pagkatapos makausap ng PEP ang abugado ni Ara ay nakausap din namin ang aktres sa opisina ng iniendorso nitong derm clinic.

Nung napanood daw ni Ara ang interview kay Cristine sa The Buzz, nanlumo raw siya dahil nakikita raw niya sa mga mata ng nakababatang kapatid na galit pa rin ito sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Kuwento ni Ara sa PEP, “Nakatulala lang ako ganyan. Parang katulad nung nagpasalamat siya na in-offer niya yung award niya sa akin.”

Ang tinutukoy ni Ara ay ang Box-Office Queen award na napanalunan ni Cristine sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.

Patuloy ng aktres, “Bukod sa nung nawalan na ako ng tiwala, natabangan na ako, parang hindi na ako naniniwala sa mga sinasabi niya.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

88 Comments

  • 28  strawberry5

    07/01/2012 | 12:22 AM
    Tama ang idemanda mo si Cristine. Mayabang na retokada yang kapatid mo. Dapat lang ng bigyan ng leksiyon dahil madumi ang bibig niya. Dapat matauhan si Rayver na hindi isang katulad ni Cristine ang babagay sa kaniya. Umpisa na nang paglubog ni Cristine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  MolybdenumStudios

    06/30/2012 | 11:40 PM
    PLease have a warm of applause towards SimonLaplace2. Obvious sa kanya na pinagtatanggol niya ang idol niyang si Cristine Reyes na ingratang ilong ranger!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  numbnuts

    06/30/2012 | 10:27 PM
    Boooooo to washing dirty laundry in public!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  AquaBlue

    06/30/2012 | 10:11 PM
    minsan ng akong napahanga sa mga artistang sweet images!yun pala ay puro lang kaplastikan sa harap ng camera!!!kasabihan kung sino nga daw yun tahimik mahinhin yun ay kabaliktaran!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kcprettyangel
    07/01/2012 | 12:05 AM
    101 percent agree.
  • 24  298

    06/30/2012 | 10:08 PM
    Leksyon yan sa mga sutil na kapatid tulad ni CR kubeta. Pag galit sa kapatid, murahin mo, awayin mo na kayo-kayo lang. Huwag ipagkalat. Akala mo hindi mabubulgar ang kahayupan mo no? Sira ka na. Yung tinext mo magagawa lang ng kampon ng Hades. Kulang pa ang demanda sa yo. Sagad sa buto ang yabang at kasamaan mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  AquaBlue

    06/30/2012 | 10:01 PM
    Ara Mina...you Push your sister to the Limits.and when she Finally explode and Fight Back now she is the bad person!ppl think she is the mean one! ay nako teh buko express kana...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    gagaka_noh
    07/01/2012 | 05:28 AM
    you know them personally???
  • 22  AquaBlue

    06/30/2012 | 09:49 PM
    Ara Mina.you push your sister to the limits.and when she finally explode and fight back.and people they think she is the mean one!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  jolyn875

    06/30/2012 | 09:34 PM
    Hay naku ARA hwag gamitin ang medya..nakakasawa na ang drama mo...kahit masama man si CR at least walang utang sa yo...harharhar
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    xxxjmb2
    06/30/2012 | 10:08 PM
    Cgurado a waclang utang c Cr ,kung hindi ky ara hindi yan nkapag aral at gumanda ang buhay.asalamat xa sa kapatid nya! Walang utang a loob!
    PrettierThanU
    06/30/2012 | 10:09 PM
    Medya talaga,funny,lols
    SimonLaplace2
    07/01/2012 | 06:20 AM
    Si CR may pinag-aralan?????? Maagang pumasok sa pagka artista yan para magka income...di rin grumadweyt yan.
  • 20  AngelSIKATlocsin

    06/30/2012 | 09:18 PM
    Don"t Worry ARa,mas malaki naman na chieve mo sa showbiz..bakailang best actress awards ka and box office hit movies.si Christine,sampid lang naman sa No Other Woman..and yung last telesrye nya,di naman nag rate nang husto..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kapamilya_na_pilya
    06/30/2012 | 09:51 PM
    Agree kaya pasalamat si CR kay Anne Curtis at nadamay sya sa BOQ.
  • 19  hacker123

    06/30/2012 | 08:22 PM
    tama lang gawin yan ni ara mina,sobrang pambabastos ang ginawa ng mismong kapatid nya..maging aral yan kay cristine reyes,di porket mas sikat ka at mayaman ka ngayon pwede mong sabihin gusto mo at pwede mo ng bastusin isang tao esp mga relatives mo...
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    MolybdenumStudios
    06/30/2012 | 08:56 PM
    Super agree.
    jakar
    06/30/2012 | 08:57 PM
    korek!!!!
  • 18  PrettierThanU

    06/30/2012 | 08:12 PM
    I'm not taking side to Ara nor I hate Cristine but I just happen to watch d buzz last Sunday with that interview to Cristine,really not a bit of sincerity,looks like she's just delivering a script and she's even unsure if she really sinned against her sister after all those nasty messages she sent Ara,kahit aso di makakain ung mga sinabi niya sa ate nya and yet she will just simply said" if ever nasaktan kita".Ara is right,very stiff apology.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pinayforever2
    07/01/2012 | 02:15 PM
    Couldn't agree more...you are right.
  • 17  puckerlips143

    06/30/2012 | 08:11 PM
    this is getting uglier wow. Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni cristine sayo ara kasi sobra yun pero dko rin gusto na ginagamit mo ang media para humaba ang usapan at pag usapan kayong magkapatid. ugh im starting to dislike you both such a dysfunctional family.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  AquaBlue

    06/30/2012 | 07:58 PM
    ang drama muh teh...ayaw pumasok akin comment bakit kaya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  jolyn875

    06/30/2012 | 07:50 PM
    Ara, we all know wla kng project..kaya indi ka invisible lately bec. busy ka nga sa ex-bf mo sinasamahan mo kong saan2..tapos wala na kayo ngayon si CR naman ang tinitira mo para pag usapan ka..bakit di ka mag hanap ng trabaho para naman maka bayad ka sa utang mo kay CR..let the court take care of your case..stop talking about ur sis..buti pa si CR kahit masama ang ugali may trabaho di ba sagi nga ni CR kay kris siya ang breadwinner at sinabi mo rin..responsibility na ni CR ngayon kasi siya may trabaho..so ano pa ngayon ang problema mo? private matters ito pero ikaw ang dada ng dada sa public!
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    coolet_06
    06/30/2012 | 08:19 PM
    reading comprehension please.... as ara said, she may not be visible in screen, but she have investment, and businesses... what do you call those, not work??
    jakar
    06/30/2012 | 08:55 PM
    cristine ikaw ba yan?asikasuhin mo na lang ang retokado mong ilong...mukang tumabingi na....hahaha
    jolyn875
    06/30/2012 | 09:26 PM
    reading comprehension ka dyan hahahaha..may investment and business bakit ang utang kay CR 1.8 to 2 milyon? ganun ba yon ang may business? hahahaha use ur common sense coolet.. indi nga sya visible kasi doon sya sa mga lalaki nya..kaya nga iyak sya ng iyak kasi tama naman ang sinabi ni Cr. Truth hurts right? harharhar...jakar nasa London yata si CR ngayon..si ara nasa media nag bibinta ng luha nya para may pera hahahahaha...
    xxxjmb2
    06/30/2012 | 09:58 PM
    Cgurado ka na utang nya ky CR yon? CR can say watever she wants para lg malugmok sa kahihiyan ate nya just like what she did ky sarah..she has a filthy mouth!bkit anong dinada ni ara,she just want a sincere pology,kung anuod ka ng the buzzz at kung maganda ang ugali mo,malalamn mo if sincere ang isang tao.
  • 14  chikorita_pikachu

    06/30/2012 | 07:46 PM
    hanggang 1-page lng ako, ang haba kase basahin, enweiyz..... akala ko nga nung una totoong tao c Cristine, totoo xa sa mga sinasabe nya, kapalit pla nun lumaki ang ulo nya at may mga tao xang nsaktan... ewan ko saan na lng xa pupulutin pag sira na ang career nya!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    xxxjmb2
    06/30/2012 | 09:58 PM
    Sa kangkungan malapit na lg....
  • 13  bac_tol

    06/30/2012 | 07:42 PM
    Hay naku Ara mukhang wala ng pag asa yang kapatid mo. Hintayin mo na lang makarma. Hehe...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    xxxjmb2
    06/30/2012 | 09:59 PM
    Korek,or humaba lalo ilong nya wahhaha
  • 12  MolybdenumStudios

    06/30/2012 | 07:40 PM
    Nako, kaya naman pala spoiled brat itong si AA! 'Yung pamilyang nagpalaki sa kanya, ginagawa siyang prinsesa, tapos what is happening right now!? Dapat pinalaki na lang siya ke Mommy Frances instead, para lang hindi lumaki ulo niya. Thanks for sharing your sentiment, Ms. Ara. Ramdam ko rin ang pinagdaraanan niyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  teteth

    06/30/2012 | 07:31 PM
    naiintindihan ko si ara. kung minsan kasi pag ikaw ang panganay, inaabuso ka ng nakababatang kapatid.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  tatoyadik

    06/30/2012 | 07:22 PM
    kung sana maayos pa yan privately sana maayos pa...kung bakit naman kasi ang sama ng ugali ng CR na to lht na lang inaaway...kakaawa c ara...ang dami pa nman nyang nagawa para sa pamilya nya before...good luck na lang...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jakar
    06/30/2012 | 08:52 PM
    nung umpisa yan sana ang gusto ni ms. ara...o kahit ung "SINCERE PUBLIC APOLOGY" man lang baka wala ng kaso ngayon...kaso..nag public apology nga pero late na wala pang kasinsesinsero....hhhmmmppptttt
  • AquaBlue

    06/30/2012 | 06:49 PM
    sino naman ang gaganahan mag sorry saiyo kung ikaw ay nakadimanda na?ngaun naman hindi sinseridad ang pag hingi sa iyo ng sori.ano ba talaga gusto muh lumoha ng dugo si Cristine.ngaun naman wala kang utang diba sa'yo din ng galing na may utang ka sa kapatid mong si cristine...ayaw mong nag umamin dahil walang kasulatan.yan ang mahirap pag ng pautang na walang kasulatan.kung ako sa iyo Cristine hanapin mo yung interview kay Ara Mina.hindi ko lang matandaan kung sa the Buzz or TSCS.nasabi panga nya ang halanga na utang saiyo...ito ang sabi niya sa interview kakahiya naman kung sasabihin ko ang halaga.sige na nga 1,8M to 2M...at bakit noon andaming kumalat sa iyong tsismis na kabet k ni ano.hindi ka ng dmanda...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    xxxjmb2
    06/30/2012 | 10:04 PM
    D mo ba nabasa,sabi ni ara wala xa utang ky CR,at xa mismo agbabayad ng monthly ng townhouse na binigay nila ky mami nila.so paano nagkautang c ara? wth! cge consentehen nio pag uugali ni CR,cgurado pareho ksyo walang modo!

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About