Nagkatipun-tipon kagabi, June 29, para sa mahalagang pagpupugay o tribute kay Mario O'Hara ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at maraming taga-showbiz na naging bahagi ng buhay at propesyon ng yumaong manunulat, aktor, at direktor.
Pumanaw si Direk Mario noong June 26, 2012, sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay City, sanhi ng sakit na leukemia. Siya ay 66 years old.
Ang necrological rites kay Direk Mario ay ginanap sa St. Alphonsus Maria de Ligouri Parish sa Magallanes Village, Makati City.
Dito rin dinala ang mga labi ng yumao matapos ma-cremate, ilang oras matapos siyang bawian ng buhay.
Sa unang tatlong gabi ng wake ay marami nang taga-industriya ang dumalaw upang makiramay sa pamilya O'Hara.
Kabilang ang balong ina ni Direk Mario na si Bessie O'Hara at ang kapatid ni Mario—his sisters Ellen and Lorna, brother Jerry; ang maybahay ni Jerry na si Peewee at kanilang mga anak na sina Paolo, Monique, Denise, Janice, at Heber.
Kabilang sa mga unang dumalaw kay Direk Mario, mula sa ospital hanggang sa unang tatlong gabi ng wake sina: Nonon Padilla, Frank Rivera, Laurice Guillen, Gina Alajar, Neil Ryan Sese, Mel Chionglo, Tikoy Aguiluz, Raymond Lee, ang ilang mga kasamahan sa teatro, at ang superstar na si Nora Aunor.
Kagabi ang ika-apat at huling gabi ng pag-aalaalang pampubliko sa namayapang celebrity.
Namataan uli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang maraming taga-teatro, TV, at pelikula.
Kabilang sina Miles Kanapi, Cris Pasturan, Shamaine at Nonie Buencamino, Angeli Bayani, Nar Cabico, Soliman Cruz, Joel Saracho, Alfred Vargas, Lance Raymundo, Janvier Daily, Nico Manalo, Dan Alvaro, Gillette Sandico, Ram Galura, Chanda Romero, Jo-Ann Cabalda-Banaga, at Edgar Allan Guzman.
Mga direktor at manunulat ‘tulad nina Ellen Ongkeko-Marfil, Joel Lamangan, Soxy Topacio, Bibeth Orteza; mga kritikong sina Mario Hernando at Max Tessier; talent managers na sina Noel Ferrer at Edgar Instrella; at ilang entertainment writers.
Kris Aquino, who starred in O'Hara's The Fatima Buen Story (1994), was conspicuously absent.
Kagabi rin lang din dumating ang malaking bulaklak na mula kay Boy Abunda at sa Backroom Inc. outfit, bilang karagdagan sa marami pang bulaklak na nagmula sa mga artista, pulitiko, barangay people, at iba pang pribadong mamamayan
"Salamat sa Pagmamahal... Guy.” Ito naman ang nakasaad sa ribbon ng bulaklak (in her own handwriting) na padala ni Nora, na nasa Amerika ngayon.
In-acknowledge ang presence ni Bien Lumbera, National Artist for Literature; at namataan ding dumalo ang nahirang na National Artist for Theater na si Cecille Guidote-Alvarez.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1 hototguy