news

Danica Sotto on rumored romance of dad Vic Sotto and Pauleen Luna: “Ano ba ang karapatan namin? Anak lang naman kami. Kung saan masaya si Dad, I’ll be happy for him."

by Glen P. Sibonga posted on June 30, 2012  STATS: 37315 Views | 14 Comments

Danica Sotto on report that her dad, Vic Sotto's new girlfriend is young actress Pauleen Luna: “Actually, siya [Vic] ang makakasagot niyan, e. I trust my dad and it’s up to him. Hindi ko naman siya puwedeng bigyan ng advice and may tiwala naman ako sa kanya e. So, I think he knows naman what he’s doing. Basta ang importante okay naman kami.”

Photo By: File

Ilang buwan na ring pinag-uusapan ang diumano’y May-December romance nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Pero ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na magsalita tungkol sa isyu ang panganay na anak ni Vic na si Danica Sotto-Pingris.

Sa interview kay Danica ng Startalk TX na napanood kanina, June 30, sa GMA-7, inihayag niya na hindi naman daw sila nakikialam sa lovelife ng kanilang ama.

Sabi ni Danica, “Ano ba ang karapatan namin? Anak lang naman kami. Kung saan masaya si Dad, I’ll be happy for him.

“Pine-pray ko na sana if will ni God makahanap talaga siya ng someone na aalagaan niya at aalagaan din siya. Yung for keeps… yung panghabambuhay.”

Tikom naman ang bibig ni Danica sa balitang si Pauleen na nga ang bagong kasintahan ng kanyang ama.

“Actually, siya [Vic] ang makakasagot niyan, e. I trust my dad and it’s up to him.

“Hindi ko naman siya puwedeng bigyan ng advice and may tiwala naman ako sa kanya e.

“So, I think he knows naman what he’s doing. Basta ang importante okay naman kami.”

IN DEFENSE OF OYO. Ipinagtanggol din ni Danica ang kapatid na si Oyo matapos lumabas ang balitang tutol daw ito sa nasabing relasyon ng ama at ni Pauleen.

“Yung mga ganun na usapan… a, sila na lang talaga… I think sila na ni Daddy yung nag-usap.

“Wala naman nangyaring ano, e… masama. Na-ano lang, na-exag [exaggerate] lang ng mga bali-balita.

“Pati si Tin [Kristine Hermosa, asawa ni Oyo] nadamay. Na si Tin is super-bait, na wala naman siyang sinasabi.

“So, ang pangit lang na kung anu-ano nang mga isyu yung lumabas na hindi naman totoo.”

HAPPY FOR THIRD MARRIAGE OF MOM DINA. Samantala, masaya naman si Danica para sa kanyang inang si Dina Bonnevie na nakatagpo na ng bagong partner sa buhay—ang Bise Gobernador ng Ilocos Sur na si Deogracias Victor “DV” Savellano.

Naganap ang civil wedding nina Dina at DV sa Antipolo Regional Trial Court noong March 28.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  shidax

    07/02/2012 | 09:07 AM
    huwag kayong mag-alala hindi na yan magpapakasal kahit kelan si vic sitto.............
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pepreader123
    07/02/2012 | 01:59 PM
    Oo, kaya wag nang mag alala si Oyo.
  • 13  randylove

    07/02/2012 | 03:14 AM
    Pauleen Luna? Ewwwwwww! yun lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  juris

    07/01/2012 | 03:39 PM
    Jams_mom,hindi ka magandang example ng mga anak mo.Ikaw itong palaging nababasa kang comment nang comment sa mga articles.Kung ako sa iyo,spend your time teaching your kids Godly values.Pati sina Oyo at Tin na nananahimik nang ilang buwan na ikaladladkad mo pa sa mga isyung ito.Para mo malaman busy ang dalawa sa pagtuturo ng values sa kanilang mga anak para hindi matulad kay Pauleen na lumaking hindi marunong pumili ng mapapangasawa.Matino ba yan na kadalagang babae papatol sa isang 57 years old na hindi lang minsan naging failure sa relationship kundi 4 times pa from Dina,Connie,Angela at Pia at nagkalat pa ng lahi.Kung nanay ko yan hindi ko papayagan ang anak ko na maging no. 4 kasi MATINO AKONG NANAY.Gets mo JAMS_MO?
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    jams_mom
    07/01/2012 | 10:25 PM
    so good values din pala ang humusga at magdiscriminate ng isang relasyon based sa edad ng mga taong involved at sa kung gaano na karami ang nakarelasyon nila?... CONFUSED yata ang values system mo... anong pinagkaiba ng kwentong ito sa isang babae na nagkaron ng anak sa iba't-ibang lalaki tapos makakapag-asawa ng mas batang lalaki?... sasabihin mo rin bang mali ang relasyong ganon?... naka-ilang girlfriend ba na si oyo bago sya nagpakasal kay kristine, and vice versa?... im sure hindi lang no. 4 si krtistine kay oyo, pero sasabihin mo bang tama dahil bata pa sila?... HINDI ka matinong nanay kung ganyan ang paniniwala mo sa buhay...
    juris
    07/02/2012 | 07:22 PM
    Granting na makailang relationship din si Oyo pero ibahin mo si Oyo sa anak mong binata kasi wala siyang binuntis na babae sa kanyang pagkabinata at nang masumpungan ni oyo ang Dios,tinigil niya ang panonood ng porno,tinigil niya ang pre-marital sex at pag-iinom.Umiinom lang sya on special ocassions.May bunga ang pagiging Born again ni Oyo kasi kasi nakikita ang malaking pagbabago sa kanyang buhay.Eh ikaw Jams_mom na busy sa kaka post dito.Baka magising ka na lang isang araw na nabuntis nang hindi kasal ang anak mo o nakabuntis nang hindi kasal kasi sa set of values mo pa lang ,masyadong marupok.
    jams_mom
    07/02/2012 | 07:29 PM
    si oyo, wala nga ba talagang nabuntis sa pagkabinata?... si tin, hindi ba nabuntis sa pagkadalaga?... youre such a HYPOCRITE, believing everything that is told to you... you judge and discriminate against age, you write about being born-again, and then wish evil... wow, feeling o same church kayo ni piolo... nabubuhay sa kasinungalingan...
    juris
    07/03/2012 | 10:34 PM
    Jams_mom,tanungin mo kaya si oyo face to face kung nakabuntis sya and he will say in God's name na wala syang nabuntis.Ganun kasure si Oyo because God is his witness.Si Tin never as in never nabuntis sa pagkadalaga.100 sure and God is also her witness.Misunderstood man si Kristine pero sya ang klase ng babae na di naniniwala sa pre-marital sex.I think Jams_mom exposed sa immorality sa paligid mo at sa sarili mong bahay kaya hindi ka makapaniwala na may mga taong katulad ni Kristine na hindi naniniwala sa pre-marital sex.Kawawang Jams_mom pinanindigan ang kasinungalingan nya.Can you say to God at tamaan ka man ng malakas na lindol na 100 sure ka sa pinagsasabi mo na nakabuntis si Oyo sa kanyang pagkabinata at nabuntis si Tin sa kanyang pagkadalaga?Kung ako kina Oyo at Tin set sila ng date na magkita kayo at nang magkaalaman na kung sino ang nagsasabi nang totoo kasi puwede ka nilang kasuhan ng paninirang puri.Gumagawa ka ng kuwento walang ni katiting na katotohanan.Si Oyo nakabuntis sa pagkabinata?Never!Si
  • 11  dianeskeeh

    07/01/2012 | 11:41 AM
    i love the sotto family. makikita mo how happy and contented sila sa life nila... and also iba un samahan nila. magbasa nga lang ako sa instagram ng mga comments at pics nila alam ko na intact sila. un maka Pauleen Luna dito... alam niyo di niyo na kelangan siraan si Oyo o si Tin o si Danica man... kasi lumalabas un totoong ugali nyo e. to Pearl102 ... hindi putak ng putak si oyo at lalong hindi maldita si ms. d. baka ikaw pa siguro kasi kung makapagsalita ka judgemental ka. jams_mom. mom ka pa naman, anu na lang example ang mapapakita mo sa mga anak mo sa pananalita mo dito sa pep? bakit mas nagaalala ka pa sa mamanahin nila oyo ??? may porsyento ka ba? sila nga di nila naiisip un e. and who cares if Pauleen will be richer than Tin? hindi naman mukhang pera si tin kasi kung mukhang pera yan sana pinakasalan nya na un brunei prince na nanligaw saknya dati. mag isip ka nga.. Go Tin. kahit di ka na bumalik sa showbiz okay lang, kita naman sa IG how happy u are with ur family.
    Reply |  6 Replies
    0   0   0  
    hototguy
    07/01/2012 | 04:04 PM
    hehehehe parang speaker ka ng mga sotto hahaha!
    tintin4ever
    07/01/2012 | 09:29 PM
    Yup.Intact ang Sotto family.Mula noon hanggang ngayon.Makikita naman sa mga pictures nila even when they were still young.Sama-samang nagpapa-picture ang magpipinsan na anak nina Kuya Val,Tito Sen,Kuya Maru at Kuya Vic.Hanggang ngayon intact pa rin ang magpipinsan pati na ang kanil-kanilang partners in life and the cousins are members of VCF so they go to church together and there,they learn Godly values which they use as their guide in rearing their respective children.
    jams_mom
    07/01/2012 | 10:49 PM
    ANO DAW?... gumagawa ka ba ng kwento or nasa ibang planeta ka?... care ko sa mamanahin nila?... hindi nya pinakasalan ang brunei prince dahil ilalagay lang sya sa harem... so instead, kay papa G na lang sya pumatol... i-deny nya pa yan ng ilang beses, ALAM ng mga taga-ABS ang totoo...
    juris
    07/02/2012 | 07:25 PM
    Kakatawa si jams_mom.Naniniwala sa balitang kutsero.Pakita nga ng pruweba na pumatol si Kristine kay G.Maghanap ka ng pruweba at i-upload mo sa yt.Challenge yan sa iyo RUMOR MONGER.
    jams_mom
    07/02/2012 | 08:32 PM
    rumors?... hahaha!..... gusto mo ask natin si korina?... si panjee?... si charo?... si rory?... si millette... si johnny?... eric john?... aaron?... chan?... isama pa natin si uncle manolo at uncle oscar na galit na galit sa pinaggagawa ni gabby...
    juris
    07/03/2012 | 10:43 PM
    Hanapin mo ang twitter acct or instagram nina korina,panjee,charo,rory,millete,johnny m,eric john,aaron,chan,uncle manolo at uncle oscar,gabby magpakilala kang si Jams_mom at tanungin mo sila kung totoo ang kasinungalingang pinagkakalat mo.katawang Jams_mom at kawawang mga anak.nanay nila siguradong candidate sa i m p y e r m o w/ all those rumor mongering that she is doing.While sina Oyo at Kristine busy naman to obey God's words para worthy sila sa eternal life na ibibigay ng Dios sa kanila sa judgement day.
  • 10  dianeskeeh

    07/01/2012 | 11:32 AM
    jams_mom do u believe na pag walang magandang sasabihin just shut your mouth na lang? and also di mo naman kilala si Kristine para mag comment ka nang ganyan. Si Danica mas kilala niya si Tin sau ng milya milya.
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    jams_mom
    07/01/2012 | 10:27 PM
    KILALA ko sya... HINDI maganda ang TUNAY nyang ugali!... bilis, tanong mo sa mga taga-ABS kung ano ang ugali nyan, at kung bakit sila nag-clash ni korina, at kung bakit takot sya kay koring...
    jams_mom
    07/01/2012 | 10:30 PM
    btw, pakitanong na rin kung bakit halos isumpa sya noon ni jericho... ayaw nyo kay pauleen dahil pumatol sa mas matanda sa kanya... para namang hindi yan ginawa ng idol nyo... at least si vic, single... si papa G was very much married that time...
    juris
    07/02/2012 | 07:35 PM
    Hindi mo kilala si Kristine.Siya yung klaseng taong hindi nagpapapansin kaya tahimik lang sa isang tabi at ang pagiging tahimik nya ay namisunderstood kaya akala ng iba suplada but the persons close to kristine like Danica, Oyo and Ms. D can attest how kind Kristine is.How can Oyo said in his old interview in 2008 na si Kristine ay napakalinis.Napakalinis hindi lamang sa bahay kundi pati ang kanyang puso at budhi.Nasabi niya yun kasi napatunayan niya.With regards to Korina,wala akong narinig tungkol sa pag-clash nilang dalawa.Hanapin mo nga sa mga archives at ibigay mo dito ang link dahil nagresearch ako at wala akong nakitang site na nag clash sina Korina at Kristine.Jams_mom,puro tsismis na lang ang inaatupag mo.Kawawa ang mga anak mo.Magiging problema ng lipunan sa klase ng nanay meron sila.Tsk tsk.
    jams_mom
    07/03/2012 | 10:11 AM
    hindi MO kilala si kristine... she's not as clean as you think of her to be...
    juris
    07/03/2012 | 11:07 PM
    ako kilala ko si Kristine.i'm 100 sure na kung pagkumparahin kayong dalawa,malinis pa si kristine sa iyo kasi di ugali ni Kristine na siraan ang dangal ng iba sa pamamagitan ng pagkakalat nang walang katotohanang paninirang puri,walang anak sa pagkadalaga,pinakasalan ni diether kasi di siya naniniwala sa live-in,matagal na naghintay si oyo kahit during the time na naghiwalay-nagkabalikan,naghiwalay-nagkabalikan ang status ng relationship nya kay diether noon kasi nakita ni oyo kung gaano kadisenteng babae si kristine.that she's not the flirty type kaya tahimik lang sa isang tabi at napagkamalang suplada ng kanyang mga co-stars,napaka homebody,wife material,prefers to be with her Christian friends than her worldy friends,seeks things that are eternal not the temporal kaya di nya kayang i compromise ang kanyang Godly values for the sake of money and fame tulad ng pagtanggap ng mga roles that she has to bare or do too graphic love scenes na kung sa tutuusin malaki ang kikitain nya kasi kristine believes t
  • sweetum

    07/01/2012 | 04:23 AM
    nice answer for Danica. I think Tin has gotten involved because of her previous rift with Pauleen. The former accused the latter of flirting with Diet before and thats the reason wny Pauleen moved to GMA. Small world because Pauleen might be her soon step mom-in-law and is gonna be much richer that her.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    07/01/2012 | 12:39 AM
    i admire danica's maturity... obvious naman na nasusulsulan lang ni kristine si oyo kaya ganyan sya magreact... as for dina, sana naman huli na ito... lagi namang siya ang problema sa mga relasyon niya.. mahadera at matapobre talaga...
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    binkyregency
    07/01/2012 | 01:29 AM
    did u not understand what danica said that kristine is mabait and did not say any word? KH may be suplada but her being a mother has made her a better person. she's happy now esp with her kids and i don't think will involve herself into this kind of argument. peace!
    jams_mom
    07/01/2012 | 01:45 AM
    walang sinasabi sa harap ni danica, pero pag sila na lang ni oyo... whoever said na mabait si kristine doesnt know her at all...
    pearl102
    07/01/2012 | 11:26 AM
    Korek ka diyan Jams_mom...medyo nainpluwensiyahan ng asawa niya si Oyo.
  • pepreader123

    07/01/2012 | 12:38 AM
    Maiba lang ako. Tanong ko lang po. Bakit ang mga tao, walang ibang bukam bibig sabihin kundi "ang gwapo gwapo ni bossing?" Compared sa mga talagng guwapong artista jan, mas naririnig ko ang mga ito. Talaga bang gwapo si Vic Sotto? Para sakin kasi ordinaryo lang itsura nya. Unless na super guwapo sya sa personal? Curious lang po.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    jams_mom
    07/01/2012 | 12:42 AM
    honestly, hindi gwapo as in cute or magandang lalaki... he's muy simpatico and very masculine even without the abs and muscles...
    msbayugo
    07/01/2012 | 11:01 AM
    kase his being mysterious and elusive type makes him so attractive, he is gwapo in his own way.
    pearl102
    07/01/2012 | 11:25 AM
    Hindi rin ako naguguapuhan kay Vic Sotto..haba baba...parang yung kay Willy R na laging sinasabihan na guapo daw pero sa personal parang dinaanan ng bubuyog ang mukha ni Willy hihihi
    hototguy
    07/01/2012 | 04:01 PM
    GWAPO KASI MADAMI SILA PERA... ung mga totoong gwapo, karamihan wala pera. namamakla na lang hehehe para magkapera!
  • pearl102

    07/01/2012 | 12:23 AM
    Nakakatatlong kasal na pala si Dina. Grabe ang Pilipinas, kahit walang divorce may annullment naman na para lang sa maraming pera at malakas sa judge. Gawin na kasing LAW ang divorce para hindi lang ang may pera at malakas ang kapit ang magkaroon ng chance ng katulad ni Dina or ni Tetay or ni Philip Salvador.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    pepreader123
    07/01/2012 | 12:32 AM
    I strictly believe in the sanctity of marriage. Pero agree ako sayo na dapat me divorce sa Pilipinas, kasi what is the point kung ang nabibigyan lng ng chance maging free from a failed marriage ay yung mayayaman jan sa Pilipinas?
    pearl102
    07/01/2012 | 11:21 AM
    Pareho lang tayong naniniwala sa sanctity of marriage pero hindi naman maiwasan na maghiwalay ang dalawang mag asawa kahit pa anong gawing effort minsan kaya ibigay na ang nararapat di ba...huwag lang yong may pera at kapit...kawawa naman kasi ang karamihan Pilipino...dumadami ang bastardo at bastarda.
  • hototguy

    06/30/2012 | 10:29 PM
    walang wala naka 3 na si Miss D! ano ba yan, baka gusto nya rin maging gobernadora someday!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • slickchick02

    06/30/2012 | 10:28 PM
    -Yung for keeps… yung panghabambuhay- daw... gosh, sino pa ba yon? eh talagang si pauleen na ung tinutukoy nya.. keep di gging pauleen, you'll get there !!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    06/30/2012 | 10:28 PM
    takot c Oyo sa sasapitin ng mama nya after that. ganoon din pag si vic dahil kilala nya papa nya na babaeo. buti na lang di kayo nagmana sa mga magulang nyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • daffodils87

    06/30/2012 | 10:11 PM
    Maybe Dina wants to follow the footsteps of Elizabeth Taylor. Go Dina.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    empress_mortal
    07/01/2012 | 12:36 AM
    Contest sila ni Alma Moreno at hahabol si Aiko.
  • milomilo123

    06/30/2012 | 09:58 PM
    PLASTIK
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About