Pagkatapos ng Hiram na Puso, ang afternoon soap ng GMA-7 na magtatapos na ngayong linggo, wala pang nakalinyang proyekto para kay Mark Herras.
Kaya naman daw balik workout muna ang young actor para mapanatili ang magandang hubog ng katawan niya.
“Siguro excercise lang, ‘tapos gym. Hindi naman yung magpalaki ng katawan—yung magpa-slim o magpaganda lang ng katawan.
“Ayoko na kasi pumayat. Kung anu-ano ang naiisyu sa akin na hindi naman toto!” tawa ni Mark nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“Yun yung mga plans ko this month and the following month after Hiram Na Puso, habang naghihintay pa ako ng proyekto.
“’Tapos balik basketball, kasi hilig ko ring mag-basketball.
“And a lot of workshops.
“Of course, every Sunday pa rin naman akong mapapanood sa Party Pilipinas at guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7.
“Alam ko naman na hindi ako pababayaan ng GMA-7 at bibigyan nila ako ulit ng magandang proyekto katulad ng Hiram Na Puso."
Kung bigyan siya ng pagkakataong pumili ng susunod niyang proyekto, ano ang gusto niya?
“Given a chance? Ano ba... gusto ko kung puwede sa TV yung ginampanan ni Aga Muhlach na pelikula noon…
“Hindi ko na maalala kung ano yung title, parang psycho killer siya— nagiging mabait at nagiging salbahe, parang ganun.
“Para sa akin kasi very challenging yung ganung klaseng role yun, yung gusto kong gampanan.
“O kaya action-comedy, para maiba naman sa mga roles na ginagawa ko na puro drama.
“Pero kung ano yung ibibigay nila sa akin, okey lang sa akin.
“Sa akin naman kasi, ang mahalaga may trabaho. Kaya kahit anong project, okey lang sa akin.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 TigerPack
10 gem
9 thirstytrooper
8 pepreader123
7 matty29
6 zephyrinthesky
5 mindfreak79
4 meisic526
3 neophyte
2 farcess
1 milomilo123