news

Mark Herras on "selos factor" in relationship with Ynna Asistio: “Siguro sa 100 percent, siguro mga 20 percent na lang. Hindi na ganun kalaki yung selos.”

by John Fontanilla posted on July 1, 2012  STATS: 9054 Views | 11 Comments

Mark Herras on possible next project: “Sa akin naman kasi, ang mahalaga may trabaho. Kaya kahit anong project, okey lang sa akin. Hindi naman nila ako bibigyan ng project na hindi babagay sa akin. Kaya nga thankful ako sa GMA-7 dahil magagandang proyekto ang ibinibigay nila sa akin."

Photo By: Noel Orsal

Pagkatapos ng Hiram na Puso, ang afternoon soap ng GMA-7 na magtatapos na ngayong linggo, wala pang nakalinyang proyekto para kay Mark Herras.

Kaya naman daw balik workout muna ang young actor para mapanatili ang magandang hubog ng katawan niya.

   

“Siguro excercise lang, ‘tapos gym. Hindi naman yung magpalaki ng katawan—yung magpa-slim o magpaganda lang ng katawan.

“Ayoko na kasi pumayat. Kung anu-ano ang naiisyu sa akin na hindi naman toto!” tawa ni Mark nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). 

“Yun yung mga plans ko this month and the following month after Hiram Na Puso, habang naghihintay pa ako ng proyekto.

“’Tapos balik basketball, kasi hilig ko ring mag-basketball.

“And a lot of workshops.

“Of course, every Sunday pa rin naman akong mapapanood sa Party Pilipinas at guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7.

“Alam ko naman na hindi ako pababayaan ng GMA-7 at bibigyan nila ako ulit ng magandang proyekto katulad ng Hiram Na Puso."

Kung bigyan siya ng pagkakataong pumili ng susunod niyang proyekto, ano ang gusto niya?

“Given a chance? Ano ba... gusto ko kung puwede sa TV yung ginampanan ni Aga Muhlach na pelikula noon…

“Hindi ko na maalala kung ano yung title, parang psycho killer siya— nagiging mabait at nagiging salbahe, parang ganun.

“Para sa akin kasi very challenging yung ganung klaseng role yun, yung gusto kong gampanan.

“O kaya action-comedy, para maiba naman sa mga roles na ginagawa ko na puro drama.

“Pero kung ano yung ibibigay nila sa akin, okey lang sa akin.

“Sa akin naman kasi, ang mahalaga may trabaho. Kaya kahit anong project, okey lang sa akin.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  TigerPack

    07/02/2012 | 08:12 PM
    ahh okay local na local ang face mo mark hindi pwede pang socialite
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  gem

    07/02/2012 | 12:52 PM
    gwapo talaga ni mark! hehehe. may something talaga tong si ynna at napatino tong si mark. ang gaganda ng mga ex's nito eh.. di ba na link din si mark kay marian before? not so sure pero nabasa ko in an article nung hindi pa sikat si marian. hehehe.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • thirstytrooper

    07/02/2012 | 11:49 AM
    kawawang mark herras... di na nag-grow as an actor. sa edad niyang yan, puro pa rin kakornihan ang mga balita sa kanya. naiwanan na siya ng mga starstruck mates niya. si paolo avelino at mart escuder, mga award winning actor na at may mga nag-hit ng movies. si mark, natali na lang sa sayaw at relasyon nila ni ynna na pilit ginagawan ng issue para lang magkaroon ng balita na very irrelevant naman. Grow up Mark! Mukhang mauunahan ka pa ni rocco nacino ah?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pepreader123

    07/02/2012 | 04:29 AM
    Okay, sinabi mo eh
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • matty29

    07/02/2012 | 03:55 AM
    So many haters! My goodness. Get a life! Seriously
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • zephyrinthesky

    07/02/2012 | 01:46 AM
    Next article pls!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • mindfreak79

    07/01/2012 | 11:18 PM
    wala namang ibang nalink kay ynna kundi sya lang eh! si makoy ang matinik!! dami na nyang naging gf at di ko ma blame si ynna kung till now insecure pa rin sya sa mga ex ni maki lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • meisic526

    07/01/2012 | 03:40 PM
    good luck pa rin sa iyo sa mga susunod mo pang projects!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • neophyte

    07/01/2012 | 03:07 PM
    Gumagwapo siya habang nagmamature yung mukha.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • farcess

    07/01/2012 | 02:42 PM
    mark, ur still d best! . I will support u till the end! .H0pe to c u in pers0n! .Much l0ve! .Mwaahh!:
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/01/2012 | 01:17 PM
    walang saysay
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About