"Hindi naman nila ako bibigyan ng project na hindi babagay sa akin.
“Kaya nga thankful ako sa GMA-7 dahil magagandang proyekto ang ibinibigay nila sa akin,” saad ni Mark.
Gusto rin daw makagawa uli ni Mark ng pelikula.
“Oo naman, kasi yung ginawa ko na pelikula medyo matagal-tagal na, medyo nami-miss ko na… na makita yung sarili ko sa pelikula.
“Bale yung last na ginawa ko na pelikula yung semi-indie at semi-mainstream movie na Hitman kay Kuya Cesar Montano.
“At sana soon mabigyan na ako.”
Meron pa ba siyang gustong makatrabaho sa mga leading ladies ng Kapuso network?
“Ako kahit sino, pero mas maganda yung magaan katrabaho, yung magandang makisama. Pero so far, hindi ako namimili.
“Kung sino yung ibigay nila sa akin, okey lang yun. Trabaho ang mahalaga.”
KRIS BERNAL. Ano ang pakiramdam na maghihiwalay na sila ni Kris Bernal na nakasama niya sa dalawang soaps ng GMA-7—Time of My Life at Hiram Na Puso?
“Yung trabaho naman natin dito sa network, hindi naman puwede na sasabihin mo sa itaas [management] na isa lang ang puwede mong maging partner, di ba?
“Katulad dati, di ba, na-stuck ako sa Mark at Jen [Jennylyn Mercado] loveteam.
“Then, unti-unti, ginagawa nila sa akin ng GMA, pina-partner nila ako sa iba’t ibang leading ladies.
“So, natutuwa ako kasi nabibigyan ako ng pagkakataong makatrabaho pa yung iba.”
Ano ang mami-miss niya kay Kris Bernal?
“Si Kris kasi masarap at magaan siya katrabaho kasi professional at magaling umarte. Mabait pa at walang kaarte-arte.
“Yun kasi ang maganda kasama sa work, yung mahal niya at dedicated sa trabaho. Nakakahawa at kailangang galingan mo.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 TigerPack
10 gem
9 thirstytrooper
8 pepreader123
7 matty29
6 zephyrinthesky
5 mindfreak79
4 meisic526
3 neophyte
2 farcess
1 milomilo123