news

Denise Laurel on "teaching" Martin del Rosario on his first kissing and love scenes: “Parang nakakatakot naman bagets na bagets, I feel old, pero nakaka-refresh.”

by Melba Llanera posted on July 1, 2012  STATS: 15833 Views | 4 Comments

Denise Laurel on entering into another relationship: “No, everything is so sakto. I’m so inspired na feeling ko, anong love pa ang papasok sa puso ko, e, sobrang nag-e-explode na siya with love, inspiration. May hahaba pa ba ang buhok ko? Parang I have everything that everyone could want.”

Photo By: Jocelyn Dimaculangan

Sa pagbabalik-showbiz ni Denise Laurel, inamin nitong isa na siyang single mom.

Isang Italian-American daw ang ama ng anak ni Denise, pero wala na siyang ibinigay na detalye tungkol dito.

Itinutuon ni Denise ngayon ang kanyang atensiyon kung paano niya pagbubutihan ang panibagong oportunidad na ibinigay sa kanya ng Kapamilya network.

Nagbalik-telebisyon si Denise sa katatapos lang na primetime series na Dahil Sa Pag-ibig, kung saan napanood muli ang tambalan nila ni Rafael Rosell.

    

DENISE'S FEAR. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Denise sa set ng Dahil Sa Pag-ibig last week sa Antipolo, inamin niyang nakaramdam siya ng takot noon na baka hindi na siya tanggapin muli ng publiko at ng industriya pagkatapos mawala sa sirkulasyon ng isang taon.

“Everyone will have that fear siyempre,” sabi niya.

“As a new working mom, kaya ko bang panindigan ang pagiging working mom? Kaya ko bang bigyan ng 110 percent ang trabaho ko and show people how much I love my job?

“Parang nandun yung kaba factor, ‘tapos the fact na ang lalaki nilang mga artista na kasama ko.

“Of course, you don’t want to be that person that let things fall down or mag-sag ang story dahil sa iyo.

“Kailangan galingan mo para yung kasama mo, maging proud na kasama ka.

Dahil Sa Pag-ibig is my super comeback show after my vacation. Heto yung show na tumanggap sa akin. 

“After a long time of having a vacation, it’s nice to comeback to work and being inspired to work.

“Kasi ang mga kasama ko mga Piolo Pascual, Jericho Rosales, Rafael Rosell, Tita Tetchie Agbayani, Cristine [Reyes], Maricar [Reyes]…

“All of these people are so good on what they do. You know why they are stars the moment you see them.  

“Yung parang it pushes you also to really work harder.”

MOTHERHOOD COMPLETES DENISE. Ayon kay Denise, ang pagiging isang ina ang masasabi niyang nagpakumpleto sa kanya at naging daan sa maraming magagandang pagbabago sa kanya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • Einstein_1

    07/01/2012 | 11:53 PM
    da who...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • akoydreamer

    07/01/2012 | 07:46 PM
    I saw her yt videos ang galing pa talagang kumanta ni Denise bakit walang album? Magaling din na artista mala-Jodi Santamaria ang calibre nya if givin the chance.So fresh n pretty parin naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winged_angel

    07/01/2012 | 06:17 PM
    I love her features. She's very pretty.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Jockinthepan

    07/01/2012 | 01:32 PM
    I like Dennise, panuorin ko itong teleserye na ito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About