news

Jake Cuenca admits still going out with Lovi Poe

by Melba Llanera posted on July 1, 2012  STATS: 16018 Views | 9 Comments

Jake Cuenca on playing another gay role: “Sa akin kasi, artista ako, so kung gusto ko ang material, kung mag-e-enjoy ako sa pagpe-play ng role at interesado ako sa proyekto, hindi ko lilimitahan ang sarili ko.”

Photo By: Noel Orsal

Noon pa man ay sinasabi ni Jake Cuence na bukas siya sa kahit na anong role, basta alam niyang makakatulong ito sa ikauunlad niya bilang isang aktor.

Una nang gumanap bilang isang bakla sa Maalaala Mo Kaya episode—na kinunan pa sa Barcelona, Spain—balitang may offer kay Jake na isang indie film kung saan gay muli ang kanyang role.

Sa ilalim ng direksiyon ni Joel Lamangan, makakasama raw ni Jake sa nasabing pelikula ang nali-link sa kanya na si Lovi Poe at ang aktor na si Baron Geisler.

Si Baron ang balitang makaka-love scene daw ni Jake sa pelikula.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake, kinumusta namin sa kanya ang nasabing pelikula.

Totoo bang si Direk Joel pa mismo ang tumawag at nakipag-usap sa kanya para tanggapin ang nasabing role?

Ani Jake, “Sobrang flattered nga ako dahil si Direk Joel mismo ang tumawag sa akin. 

“Sa akin kasi, artista ako, so kung gusto ko ang material, kung mag-e-enjoy ako sa pagpe-play ng role at interesado ako sa proyekto, hindi ko lilimitahan ang sarili ko.”

Bagamat interesado si Jake sa nasabing indie film, kailangan pa raw itong pag-usapan at ilatag sa kanila ang tatakbuhin talaga ng istorya.

Saad ng aktor, “I have to speak with my manager kasi magpi-present pa at mag-i-storycon pa.

“Pero inamin ko kay Direk Joel na I’m really interested in the project, kasi matagal ko nang gustong makatrabaho si Direk Joel and I’m also in the lookout for an indie film. 

“Na-inspire ako nung pumunta ako ng Urian, parang namulat ang mga mata ko na gusto kong i-pursue ang mga indie films, lalo na ang mga ganitong mga material.”

Sinabi rin ni Jake na excited talaga siya, hindi lang sa istorya kundi sa mga makakasama niyang artista dito.

Mas masarap bang magtrabaho kung inspirasyon ang kasama niya, lalo’t open naman siya na espesyal para sa kanya si Lovi?

“Excited ako in every aspect of the movie. With Lovi, with Baron na matagal ko nang hindi nakakatrabaho, and of course with Direk Joel,” sagot ni Jake.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • BeckyLeeKelly

    07/02/2012 | 01:28 PM
    BB at Duminador daw tong si Jake Cuencoy! Gosh! Turned off
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jams_mom
    07/03/2012 | 05:33 AM
    CONFEEERMED!
  • puckerlips143

    07/01/2012 | 10:56 PM
    siguro pinayagan na ni ronld si lovi makipagdate sa iba kaya natigil na ang pagpapadala ng boxes ng bala s abaril.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    07/01/2012 | 06:58 PM
    KAPUSO ako forever pero okay naman si Jake, galing yan ng GMA7. Good luck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ike

    07/01/2012 | 06:40 PM
    Jake, Baron and Lovi directed by Joel L. Sana maganda ang script para di sayang ang galing ng mga magagaling na nabanggit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • almond143

    07/01/2012 | 05:18 PM
    bakit laging bida itong tao na ito? obvious naman na may kinikilingan ang channel 2. nagulat na naman kami kasama na naman sa bagong teleserye. eh yung sa kanila ni shaina, hellar, dalawang babae nag-aagawan sa kanya. eh ano naman yung face nya? pag magsalita pa hindi maayos naaapektuhan ang acting. hindi bagay na bida, kontrabida ok pa. hay naku, baka sa susunod makita na naman namin ito sa susunod na teleserye sobra na yan!! give chance to others!! naman, naman kung sino ka mang malakas sa channel 2!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lanalang08
    07/02/2012 | 02:04 AM
    isa lang ang sagot sa tanong mo. in demand actor si jake dahil napakahusay niyang artista. siya ang artistang sinasabing versatile actor. kaya kung di mo siya feel wala siyang magagawa dahil talagang ganyan ang mahuhusay na artista in demand. hindi naman nakikita kung guwapo ka o ordinary looking guy ka lang para maging in demand actor ka. kaya maraming projects si jake iyon lang yon.
  • batangmanilenyo

    07/01/2012 | 04:46 PM
    kasawa na tong mga showbiz sumagot p:
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • marilousyj

    07/01/2012 | 04:00 PM
    Don't like both of them so care ko?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • neophyte

    07/01/2012 | 03:03 PM
    Jake Cuenca? Para yatang bumaba ang taste ni Lovi.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    humandynamics
    07/01/2012 | 03:32 PM
    mas mataas ba noong kasama pa niya yung ex convict?
    stubbiz
    07/03/2012 | 06:59 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • lifehouse232

    07/01/2012 | 02:19 PM
    Ang galing ng koneksyon ni Jake Cuenca sa Channel 2 kasi hindi siya nauubusan ng shows.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    pinaskongmahal
    07/01/2012 | 04:18 PM
    si Adrenal ba?
    milomilo123
    07/02/2012 | 05:23 AM
    Ikaw na ang may de otso.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About