news

Former Survivor castaway Justine Ferrer's 65-year-old fiancé diagnosed with cancer

by Ruel J. Mendoza posted on July 1, 2012  STATS: 43655 Views | 7 Comments

Justine Ferrer on her fiancé's illness: “Alam ko na malaking test ito sa pagsasama namin. Ang importante ay strong ako para sa partner ko at pinagdarasal ko parati ang paggaling niya. Alam ni Rick na hindi ko siya iiwan. Marami na kaming pinagdaanang mga problema, ngayon pa ba ako gi-give up sa kanya?"

Photo By: Ruel J. Mendoza

“So naghiwalay kami for almost four months—mutual decision naman ‘yon.

“Nangibang-bansa muna ako. Nag-isip-isip muna kami kung kami ba talaga para sa isa’t isa.

“Nag-work ako sa isang restaurant sa ibang bansa.

“Nangyari naman na nagkabalikan naman kami kasi pinuntahan niya ako sa restaurant na pinagtatrabahuan ko. Doon ay niligawan niya ako ulit.

“Naging friends lang muna kami ulit. Hanggang sa tinanggap na namin ang isa’t isa talaga nang buung-buo.

“Noong nakaplano na ang wedding namin, namatay naman bigla ang mother niya sa U.S. kaya inasikaso pa namin lahat ‘yon.

“Plano namin na kapag nagbabang-luksa na sa December, doon na namin ituloy ang wedding.

“Kaso heto nga at siya naman ang nagkasakit. Kaya uunahin muna namin itong mga pangyayaring ito.

“Alam ko na may purpose ang Panginoon kung bakit kami dumaraan sa ganitong mga trials. Hindi ko kinukuwestiyon si God.

“Alam ko na malaking test ito sa pagsasama namin.

“Ang importante ay strong ako para sa partner ko at pinagdarasal ko parati ang paggaling niya.

“Alam ni Rick na hindi ko siya iiwan. Marami na kaming pinagdaanang mga problema, ngayon pa ba ako gi-give up sa kanya?

“Sinabi ko sa kanya na sa pagpasok niya ng operating room, nasa tabi niya ako.

“Pagkagising niya, ako agad ang makikita niyang nasa tabi niya at hawak ko ang kamay niya—ganyan ang pagmamahal ko para sa kanya.

“Hindi man matanggap ng marami ang relasyon namin, hindi na importante sa amin iyon.

« Prev  1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • memayz

    07/02/2012 | 07:29 PM
    si pwearl101 ay bantay ng abs 24 oras, sinesuelduhan ito para walang makalusot na magandang balita sa gma, kailangan pag maganda ang balita ukol sa gma tv network at mga gma stars ay lagi syang may sagot na paninira at ka-bitiran, sobrang kang nakakaawang nilalang, puno ng inggit at galit ang puso at kalooban mo, get a life
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • knightkrawlers0

    07/02/2012 | 11:05 AM
    bilisan nyo na magpakasal..sayang ang greencard
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    07/02/2012 | 10:21 AM
    no.5 wag ka ng magtaka sa basura na yan...onni ang sinasanto nyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • trinoma_rat

    07/01/2012 | 11:53 PM
    Pwearl1O1... What an insensitive person you are.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • msTrue

    07/01/2012 | 10:27 PM
    alagaan mo mabuti partner mo.................
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    07/01/2012 | 06:13 PM
    NO MATTER WHAT, MAHIRAP MANGHUSGA NG KAPWA.... get well soon po
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    07/01/2012 | 05:28 PM
    True Love... Lintik na ninja onions to... God bless!!! Praying hit him !!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About