Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang star ng Hiram Na Puso na si Kris Bernal kamakailan ay kinumpirma nitong nanliligaw sa kanya si Carl Guevara.
Halos mag-iisang buwan na raw nanunuyo sa kanya ang Kapuso hunk.
Sabi ni Kris, "Nakakatuwa din. Masarap din kasi yung feeling na may sumusuyo sa 'yo.
"Ayun, kinikilala ko pa siya. Although matagal na kami magkakilala, pero hi-hello lang kami noon.
"‘Tapos nagkatrabaho kami sa The Last Prince, pero iba ngayon kasi nanliligaw siya.
"Ngayon lang talaga yung nakakapag-usap kami nang mabuti."
THE START. Kailan siya simulang suyuin ni Carl?
Kuwento ng StarStruck alumna, "Nagkaroon kami ng mall show sa Cebu. Hindi nga kami masyado nag-uusap nun, e, kasi masaydong tahimik na tao si Carl.
"Hanggang… ayun, nagyaya siya mag-coffee. Nag-coffee kami.
"Dun na kami nag-usap at nagkakuwentuhan. Dun nagsimula yun.
"'Tapos kinuha niya yung number ko, ‘tapos nagti-text na siya at tumatawag lagi. Hanggang niyaya na niya ako lumabas mag-dinner.
"Nagkasama na kami mga twice. Lumalabas-labas kami, ganun pa lang.
"Hindi pa rin kasi ako sure kung handa na ako na magka-boyfriend ulit. Bale ini-enjoy ko lang," nakangiting pahayag ni Kris.
TAKING IT SLOWLY. Pano siya sinabihang manliligaw sa kanya si Carl?
"Wala lang. Sinabi niya sa akin na gusto niyang manligaw.
"Medyo nagulat ako kasi ‘ambilis, pero maganda naman niyang sinabi. Naramdaman ko yung sincerity niya.
"Kaya sabi ko, ‘Bakit naman hindi?’ Lahat naman may karapatang iparamdam at sabihin kung ano yung nasasapuso niya, di ba?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 chubie_buknoy
12 jella89
11 volleyballbaby
10 gorgeous_aleck
9 ako_budoy
8 jams_mom
7 jella89
6 MarieJuanaofMissosology
5 joanncabale
4 oneglobal
3 merlion_25
2 merlion_25
1 jella89