news

(UPDATED) Jose Manalo cleared by San Juan prosecutor for alleged violation of Republic Act No. 9262

by Gorgy Rula posted on July 3, 2012  STATS: 21383 Views | 19 Comments

According to the Investigating Prosecutor, the allegations of Anna Lyn Manalo against Jose Manalo do not constitute "physical, psychological, sexual or economic abuse," as contemplated by Republic Act No. 9262.

Photo By: Noel Orsal

Ibinasura ng Office of the City Prosecutor of San Juan City ang reklamong paglabag diumano sa Republic Act No. 9262 ng komedyanteng si Jose Manalo.

Isinampa ang reklamong ito laban kay Jose ng kanyang asawa na si Anna Lyn Manalo noong Pebrero 27, 2012.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa Resolution, na may petsang June 22, 2012, walang nakitang sapat na dahilan ang Office of the City Prosecutor of San Juan City upang sampahan ng kasong kriminal si Jose.

Nakasaad din sa Resolution na ang mga paratang ni Anna Lyn laban kay Jose ay hindi maikukunsiderang "physical, psychological, sexual or economic abuse" alinsunod sa Republic Act No. 9262.

Kinatigan din ng Office of the City Prosecutor of San Juan City ang posisyon ng Eat Bulaga! host, na suportado ng mga ebidensiya, na hindi nito inabandona ang kanyang pamilya at bagkus ay patuloy pa rin niya itong sinusuportahan at pinangangalagaan.

Napatunayan din ng Office of the City Prosecutor of San Juan City na walang sapat na ebidensiya na naipakita si Anna Lyn sa kanyang alegasyon na may ibang kinakasama si Jose.

Inirokemanda rin ng Office of the City Prosecutor of San Juan City na sumanguni sa marriage counselling sina Jose at Anna Lyn, imbes na palalain pa ang kasalukuyang estado ng kanilang pagsasama sa pamamagitan ng mga paghahain ng reklamo sa korte.

Ayon naman sa legal counsel ni Jose na si Atty. Richard Leonard Cruz, handa raw sumunod ang komedyante sa rekomendasyon ng investigating prosecutor sa pagnanais daw nitong wakasan na ang nakasisirang epekto sa kanilang pagsasama ni Anna Lyn ng kasalukuyang kaso.

Hindi rin daw ipinapagsawalang-bahala ni Jose ang posibilidad na maaring humingi ng reconsideration si Anna Lyn sa investigating prosecutor upang patagalin o hindi kaya'y tuluyan nang isara ang posibilidad para sa isang amicable settlement.

Sa kasalukuyan ay hinihintay ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Anna Lyn kaugnay ng kaganapang ito sa inihain niyang reklamo laban kay Jose.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

19 Comments

  • 19  candicebluv

    07/05/2012 | 06:45 AM
    sino ang mga to? ang papanget!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  bantaybata

    07/05/2012 | 03:08 AM
    miguel Walang Hanggan, ikaw ba yang nasa pic sa itaas? hinahanap ka na ni emily, marco at daniel!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  humandynamics

    07/04/2012 | 05:31 PM
    babaero meets estapadora, pareho lang sila. kaya maganda kung may divorce wala ng nagtuturuan pa, ayusin na lang ang mga papeles at maghiwalay na, keysa naman puro hate sila sa isat isa habang nanonood ang mga anak nila. mas que horror naman yon kesa sa divorce. tutal maghihiwalay din lang e di gawin ng legal at gawin na nila ang gusto nila sa buhay nila.. kung gusto ni Jose ng ibat ibang babae e di sige basta huwag lang siyang bumalik sa asawa ulit katulad ng ginawa niya noong bumagsak siya.. at kung gusto namang maging estapadora ni Anna lyn e di sige din at least hindi na sabit si Jose sa kaswapangan niya.. ang problema, ang mga politicians mismo ang ayaw ng divorce kasi they wanna have their cake and eat it too.. gusto nila yung may khabit sila at asawa at the same time dahil marami namang pera ang pinas para pangsuporta sa maraming pamilya nila. kalurkey haha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  humandynamics

    07/04/2012 | 05:21 PM
    yan ang hirap kung walang divorce, kung hindi ka bibigyan ng awa ng naging asawa mo wala kang habol. at least kung may divorce after 10 years niyong kasal legally may karapatan ka sa kalahati ng pagaari niyong dalawa, pwera lang kung may prenup na pinagkasunduan before sila nagpakasal.. at ang mga suporta sa bata hindi pwedeng takbuhan ng tatay dahil magiging ''deadbeat dad'' siya at pwede siyang makulong kung hindi niya babayaran ang mga utang niya sa mga buwan na hindi niya binayaran..bakit kasi hindi pa gawing legal ang divorce para may rights ang both parties, lalo na ang mga kababaihan. ang daming ek ek puro naman sila annulment.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  Prd2bpnay8

    07/04/2012 | 05:20 PM
    Ginagamit ng estapador na ito ang batas para i-black mail yung asawa niya na balikan siya. Kawawa ang mga ank nila kasi napaka-unstable ng ina nila kaya ang tatay nila wala na ring choice kung hindi ang umalis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  mikebalangsosa

    07/04/2012 | 03:06 PM
    Malamang di ka na babalikan ni jose...huwag mo na lang idaan sa kanya yung pera para sa mga anak mo jose.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  nenetski36

    07/04/2012 | 07:53 AM
    isang tinik ang nabunot. good for Jose.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  babaylan2011

    07/04/2012 | 05:29 AM
    Halatang she just want control over Jose's money. Dapat sya nga ang sampahan ng kaso or hiwalayan na lang nya. kahit anong kuba nya sa pagta-trabaho at ganyan ang asawa di ka aasenso.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  hototguy

    07/03/2012 | 03:45 PM
    kamukha ni PWEARL si anna lyn sa totoong buhay, baka nga mag ina yan o magkapatid. Mukha silang pera at naka nganga sa abs cbn
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    07/03/2012 | 09:45 PM
    You mean itong si Anna Lynn at si PWE arl parehong mukhang SINGIT? HAHAHA
  • 10  tatoyadik

    07/03/2012 | 02:04 PM
    umpisa pa lang nmn ng pgsasama nila di na mgndang impluwensya sa knya ang babaeng yan kya dpt jose wag mo na balikan yan...continue mo lng buhay mo sa trabho lalo na sa pgpapasaya sa mga tao....good luck...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sapulasaputi

    07/03/2012 | 01:23 PM
    sa ginawa mo kay jose mas lalo wala nang pag-asa makipag balikan o makipag ayos sa iyo si jose.... Go jose patuloy mo lang magpasaya ng tao wag pansinin mga naninira sa iyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    07/03/2012 | 01:17 PM
    hintayin ko ulit ang interview ng asawa ni Jose sa ABS-cbn... hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jessica9999

    07/03/2012 | 12:33 PM
    Buti naglabas agad ng decision sa kaso na 'to. Tama naman yun recommendation ng korte na hindi na dapat dinadaan sa pagsasampa ng kaso ang away-pamilya nila. I think yun din ang gusto netong si Jose kaso tong asawa nya ay...ewan lang! Asahan ang next interview nya. hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Charminguts
    07/03/2012 | 03:55 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • 4627pw

    07/03/2012 | 12:32 PM
    Go Jose! sikat na sikat ka na kc kaya daming inggit!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • empress_mortal

    07/03/2012 | 12:08 PM
    Minalas sya sa wife pero blessed sa ibang bagay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/03/2012 | 11:52 AM
    iwanan mo na yang asawa mo jose, mukha talagang kurakot. pinagkakwatahan ka lang nyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • LosAngeles

    07/03/2012 | 11:45 AM
    Wow bulok talaga justice system sa Pilipinas.
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    jakar
    07/03/2012 | 12:17 PM
    how come in this case???ebidensya...yan ang wala ang babaeng yan...si jose meron....pirma ng babaeng yan ang kumukuha ng sahod...kumuha ng ipinapambayad jose kada lalabas ng bansa...wala ng balikan...baka yang babae pang yan madagdagan ang kaso ng estapa....pati pera ng BULAGA hindi ibinalik
    jams_mom
    07/03/2012 | 12:49 PM
    in fact, if Tape Inc wanted to pursue a case against anna lyn for not giving back the travel bond, they can do so... right now, puro formal letter pa lang ang Tape, wag lang magwawala yang anna lyn na yan at baka makulong na naman sya...
    under_rated
    07/03/2012 | 03:20 PM
    LosAngeles, uu bulok nga... kasing bulok mo! bwehehehe
    kaepalmilya
    07/03/2012 | 04:03 PM
    LosAngeles baka hininga mo amoy bulok kasing bulok ng utak mo
    mikebalangsosa
    07/04/2012 | 03:08 PM
    Taga The BUZZ po si LosAngeles...hahaha
  • dustmyeat

    07/03/2012 | 11:29 AM
    good! sa mukha palang ng babae parang singko sentimos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    07/03/2012 | 11:29 AM
    a win for jose... watch out for anna lyn crying alligator tears on another interview on the buzz...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About