news

Kris Bernal on status of Carl Guevara's courtship: "Huwag nating madaliin. Baka hindi pa talaga tayo handa.”

by Rose Garcia posted on July 3, 2012  STATS: 5263 Views | 9 Comments

Kris Bernal on Carl Guevara: “Mabait siya, sweet at saka in fairness sa kanya… Siyempre, may ibang tao rin naman na nagpaparamdam. Pero sa kanya ko nakita ko yung pagiging seryoso niya. Kahit wala siyang makuha in return sa mga ginagawa niya for me, hindi niya hinihingi yun.”

Photo By: Noel Orsal

Bihira sa mga artistang babae ang umaamin kaagad kapag may nanliligaw sa kanila, at lalong hindi sanay ang tao na umaamin agad ang isang artistang lalake kapag may nililigawan sila.

Isa ito sa tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris Bernal nang makausap namin siya press launch ng YES! 2012 100 Most Beautiful Stars kahapon, July 2, sa Richmonde Hotel sa may Libis, Quezon City.

Bago ba sa kanya yung open agad na nagsasabing nililigawan siya ng isang lalaki, ‘tulad ng ginagawang panunuyo sa kanya ngayon ni Carl Guevara?

Ayon kay Kris, “Para sa akin kasi, kahit sino namang babae, nata-touch kapag may lalaking sumusuyo sa ‘yo, may lalaking nagpapagaan ng loob mo. Nandiyan para sa ‘yo. 

“Yung kahit alam mong nanliligaw, mas nandiyan siya bilang kaibigan.

“So, masarap lang ang feeling na may ganoon sa akin, so ine-enjoy ko lang.

“Ganoon lang muna. Huwag nating madaliin. Baka hindi pa talaga tayo handa.”

UNTIL WHEN? Natawa naman si Kris nang tanungin namin kung hindi ba siya napi-pressure na alam niyang may naghihintay ng magiging sagot niya.

“Hindi! Doon naman natin makikita kung seryoso talaga siya.”

Pero hanggang kailan niya planong paghintayin si Carl?

“Siguro, ang importante kasi, makilala ko talaga siya. Yun muna. 

“Yun muna talaga—ang makilala ko siyang talaga.”

Nasabi na minsan ni Kris na isa sa napansin niyang ugali ni Carl ay tahimik lang at mabait. Meron pa ba siyang ibang nadi-discover dito ngayon?

“Mabait siya, sweet at saka in fairness sa kanya…

“Siyempre, may ibang tao rin naman na nagpaparamdam. Pero sa kanya ko nakita ko yung pagiging seryoso niya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • bacobaco

    07/06/2012 | 10:40 PM
    KRIS BERNAL WAG KA NA MAG INARTE CARL GUEVARA IYAN WALA KA NG HAHANAPIN PA GO GIRL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jessica9999

    07/05/2012 | 08:18 AM
    saludo sa ganyan stand ni Kris! Kilalanin muna nya. Pero ate wag mo naman patagalin ha kasi mahirap din naman yun sa part ng mga manliligaw mo. Nakakatuwa na nakatambal na nya ang ibang actors, at maganda ang reviews na nakukuha mula sa acting nya. She's getting there. Wag lang sana lumaki ang ulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bacobaco

    07/04/2012 | 05:20 PM
    NAKU PO KRIS BERNAL WAG KA MAG ENARTE CARL GUEVARA NA IYAN ANO ARTEHAN BA SORRY KA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jella89

    07/04/2012 | 11:17 AM
    Correct kilalanin munang mabuti bago sumagot ng mga manliligaw. Take note marami sila si Carl lang nahaha hype ng media dahil sya ang vocal. Tama kaming mga supporters mo ay nirerespeto ang mga desisyon mo dahil hindi kailangang matali ka sa loveteam. At napatunayan mo yan, dahil kahit binuwag ang ALKRIS loveteam nakaya mo without Aljur, si Aljur pa nga ang needed patunayan na kahit wala ka kaya nya dahil look at Machete kailangang ipasok ka pa at di kaagad nasundan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ike

    07/04/2012 | 05:43 AM
    unahin muna career bago yang luv kasi d na bumabata...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Tweetumzz123

    07/04/2012 | 02:15 AM
    no.2 marami naman maliliit na artista pero mature tingnan,sya lang talaga bukod tangi na parang bata ang katawan...sayang galing pa naman nya umarte...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tilapyangmataba

    07/04/2012 | 12:26 AM
    “Siyempre, may ibang tao rin naman na nagpaparamdam" - ows??? baka naman multo nagpaparamdam sayo hindi tao. O baka guni-guni.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    07/03/2012 | 10:29 PM
    ganda ni Kris... liit lang talaga!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • scrub

    07/03/2012 | 09:28 PM
    Take time. Kilalanin mo muna. Friendship muna. KRISPER forever
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About