news

Edgar Allan Guzman takes on theater challenge in stage adaptation of Bona; dedicates performance to mentor Direk Mario O'Hara

by William R. Reyes posted on July 5, 2012  STATS: 1433 Views | 1 Comments

Edgar Allan Guzman plays the role of a celebrity being stalked by a fan named Bona in the stage version of the same title. The role Bona was played by Superstar Nora Aunor in the movie, which will be played, in turn, by Eugene Domingo on stage.

Photo By: Noel Orsal

Makalipas ang isang linggo ay balot pa rin ng kalungkutan ang showbiz sanhi ng pagpanaw ng manunulat, aktor, at direktor na si Mario O'Hara.

Kabilang sa mga nakiramay sa mga naiwang mahal sa buhay ni Direk Mario ang young actor na si Edgar Allan Guzman.

Nasa huling gabi ng memorial rites si Edgar Allan para kay Direk Mario  sa St. Alphonsus Maria de Ligouri Parish, Magallanes Village.

Bagamat hindi siya nag-deliver ng eulogy sa memorial services, nais iparating ni Edgar Allan ang kanyang pasasalamat sa yumaong direktor.

Sa pamamagitan ng kanyang manager na si Noel Ferrer, naiparating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang maikling mensahe ni Edgar:

"Malaki ang pasasalamat ko kay Direk Mario na naging direktor ko sa Sa Ngalan Ng Ina with Ate Guy [Nora Aunor].

"Dahil sa kanya, natutunan kong maging seryoso sa aking craft o sining bilang aktor. Para siyang teacher sa set.

"Malaki rin ang pasasalamat ko kay Direk Mario, kasi isa siya sa mga judges sa Cinemalaya [2011] nang manalo akong Best Actor."

Matatandaang nagwagi si Edgar para sa New Breed entry na Ligo Na U, Lapit Na Me, ng idinirek ni Erick Salud.

Nailahad din sa mensahe ang malaking panghihinayang ng young actor that Direk Mariodidn't live long enough para sa iba pa niyang mga susunod na proyekto sa pelikula, telebisyon, at teatro.

Ani Edgar, "Sayang. I was looking forward to working with him sa stage play sana naming Bakit Bughaw Ang Langit.

“Pero wala na siya. Nakakalungkot talaga.

"Isa siyang malaking kawalan sa industriya.

“Bukod kay Ate Guy, kay Direk Mario ko ide-dedicate ang aking performance sa Bona—kasama si Ate Uge [Eugene Domingo] na idol din si Direk."

Katulad ni Edgar Allan, naging bahagi rin si Eugene ng mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina bilang kapatid ng character ni Nora.


Ang stage adaptation ng Lino Brocka classic film na Bona ay pagbibidahan nina Eugene bilang Bona at Edgar Allan sa papel na dating ginampanan ni Phillip Salvador.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1 Comment

  • FirstPrincess

    07/06/2012 | 02:10 AM
    In fairness, magaling talaga si Edgar Allan Guzman. Siguro proud na proud sa kanya ang gay benefactor niyang inhiniyera na galing sa Amerika. Oo, nakita ko na ang gay benefactor niya noong sa dati niyang tinitirahan sa Pasig. Kapitbahay ko nga sila noon. Congratulations Edgar. You will make it big in the showbiz industry.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About