news

Lovi Poe denies exclusively dating Jake Cuenca: "I’m not in a stage in my life that I want to date anyone exclusively yet.”

by Rose Garcia posted on July 4, 2012  STATS: 11043 Views | 3 Comments

Lovi Poe on Jake Cuenca: “What’s so cool about it, hindi ko siya maide-describe as dating friends as how we call it. Hindi siya yung pagkatapos ng isang proyekto, wala na. Yun nga ang maganda sa kanya, for me, it’s really good and special. Kasi, hindi nga nawala ang communication at pakikipagkaibigan kahit tapos na ang shooting ng My Neighbor’s Wife.”

Photo By: Noel Orsal

Hindi na matandaan ni Lovi Poe kung ilang taon na siyang nakakasama sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars.

Ayon sa Kapuso actres, hindi niya makakalimutan ang YES!, partikular na ang managing editor nito na si Anna Pingol, na isa sa mga unang nag-interview sa kanya nang pumasok siya sa showbiz.

“Isa talaga ang YES!... si Anna sa mga unang nag-interview sa akin at photo shoot ko ever. Naalala ko!” sabi ni Lovi nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“I’m very thankful kasi noong bago pa lang ako, isa sila sa nagtiwala sa akin na kahit paano, they think na I’ll be able to be part of this industry.

“Some people would push me away, give me a hard time.

“Isa ang YES! Magazine na parang embraced me noong bago pa lang ako.”

JAKE CUENCA. Kasabay na dumating ni Lovi sa press launch ng YES! 2012 100 Most Beautiful Stars noong Lunes, July 2, ang nali-link sa kanya ngayon na si Jake Cuenca.

Ano na nga ba ang estado ng relasyon nila?

Sabi ni Lovi, “What’s so cool about it, hindi ko siya maide-describe as dating friends as how we call it.

“Hindi siya yung pagkatapos ng isang proyekto, wala na.

“Yun nga ang maganda sa kanya, for me, it’s really good and special.

“Kasi, hindi nga nawala ang communication at pakikipagkaibigan kahit tapos na ang shooting ng My Neighbor’s Wife.”


NEW MOVIE TOGETHER. May bago na namang pagsasamahan sina Lovi at Jake na pelikula—ang indie film na Lihis sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Pagkatapos nilang gawin ang My Neighbor’s Wife, heto’t muli na naman silang magkakasama sa pelikula.

“I’m excited kasi ang talagang naka-partner ko sa My Neighbor’s Wife was Dennis [Trillo] naman.

“This time, kami naman ni Jake ang magkakaroon ng mas maraming eksena together,” sagot niya.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3 Comments

  • matty29

    07/09/2012 | 01:02 PM
    I like this Woman....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • joanncabale

    07/06/2012 | 10:35 PM
    hay miss natasha alcantara. napakahusay mo. at an early age and very young sa showbiz..6 acting awards na agad. miss ka na namin sa primetime. sana another great project. more power. solid kapuso from GENERAL SANTOS CITY.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chin12

    07/05/2012 | 01:37 AM
    isa rin itong babaeng ito mgkaibigan tlga cla ni heart parehas na mahailig s lalaki, mahilig magpalit ng lalaki..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About