Bilang kaibigan, isa ang direktor na si Jose Javier Reyes sa mga naapektuhan nang maging mainit ang Twitter issue involving Megastar Sharon Cuneta, na todo ang naging reaksiyon sa mga bashers niya at ng anak na si KC Concepcion.
Hindi nagustuhan ni Direk Joey ang mga negatibong pagkokomento kina Sharon at KC.
Kabilang dito ang isang derogatory tweet mula sa isang network PR laban kay KC, na ipinag-react nang labis ni Sharon. Kaya lalong naging mainit ang issue, kahit tinanggal na rin ng kinauukulan ang mapanirang mensahe sa Twitter.
"I wish somebody can tell her to stop..." nasabi ni Direk Joey noon.
Maging ang kanyang pahayag na ito ay nagbunga ng sari-saring reaksiyon sa Twitter, na labis din niyang ikinabigla.
Bunga niyon ay hindi naging kumportable ang premyadong direktor at TV co-host ng midnight talk show na Juicy! sa TV5.
Lately, may iba na namang issue na ipinagre-react ni Sharon bagamat nasa pormang "blind item"—ang isyung patungkol sa hindi raw magandang pagsasama nila ng asawang si Senator Kiko Pangilinan, o kaya'y ang sitwasyon ng ongoing daily afternoon talk show nito sa TV5, ang Sharon, Kasama Mo, Kapatid.
Diumano, malapit na raw magsara ang nasabing programa ng Megastar, bagama't halos kasisimula pa lamang ng airing nito.
May sagot nga kaagad si Sharon sa nasabing “blind item” allegation, na napaulat dito sa PEP. Pero kaiba sa naunang twitter issues, mas kontrolado na ang pagsagot o pagre-react ni Sharon.
(CLICK HERE to read related story.)
"I think tumigil na siya sa katu-tweet... buti naman," nasambit ni Direk Joey nang muli siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa CCP Main Theater Lobby.
Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na ma-interview ang premyadong direktor at scriptwriter, bilang bahagi ng gaganaping annual indie filmfest.
May entry siya sa Directors' Showcase category ng Cinemalaya, ang Mga Mumunting Lihim (Those Little Secrets)—na kanyang isinulat, idinirek, at iprinodyus sa pamamagitan ng kanyang Largavista Productions outfit at Cinemalaya Foundation, Inc.
Going back to Sharon-Twitter issues, paano naiparating kay Sharon ang mensahe ni Direk Joey?
"She texted me," wika ni Joey Reyes.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
21 candicebluv
20 milomilo123
19 LosAngeles
18 nicuna
17 jessica9999
16 candicebluv
15 pepreaderako1234
14 DamonSalvatore143
13 ange2008
12 Iamanncurtis1
11 liwayway
10 Manamalady
9 candicebluv
8 meangenesnoopy
7 mamamomchang
6 mamamomchang
5 ugatbayo
4 greatness
3 Prd2bpnay8
2 hototguy
more comments