news

Jodi Sta. Maria on controversies surrounding her: "Im fine, thank you."

by Melba Llanera posted on July 4, 2012  STATS: 57908 Views | 24 Comments

“I feel very happy, after how many years na nag-showbiz ako, nagkaroon din ako finally ng sariling show na masasabi ko. Hindi naman ako nainip kasi dun sa ilang taon din naman, nakagawa din naman ako ng proyekto na talagang minahal at gusto ko naman talaga. Kumbaga, sobrang bonus na lang sa akin ito,” says Jodi Sta. Maria.

Noon pa man ay kinakitaan na ng galing sa pag-arte si Jodi Sta. Maria.

Mahigit isang dekada na rin siya sa industriya at kadalasan, tumatatak sa mga manonood ang mahusay niyang pagganap.

Kaya naman ang pagbibida niya sa seryeng Be Careful With My Heart, ayon sa iba, ay “long overdue” na.

Sa presscon ng Be Careful With My Heart sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi, July 4, tinanong si Jodi kung hindi ba siya nakaramdam noon ng pagkainip na naging dahilan upang mag-isip siyang lumipat ng ibang network.

Sagot ng aktres, “I feel very happy, after how many years na nag-showbiz ako, nagkaroon din ako finally ng sariling show na masasabi ko.

“Hindi naman ako nainip kasi dun sa ilang taon din naman, nakagawa din naman ako ng proyekto na talagang minahal at gusto ko naman talaga.

“Kumbaga, sobrang bonus na lang sa akin ito.”

JODI’S ROLE. Nagbigay ng kaunting detalye si Jodi sa role na gagampanan niya sa Be Careful With My Heart, kung saan makakapareha niya si Richard Yap na unang nakilala bilang “Papa Chen” sa seryeng My Bindondo Girl.

“Ako dito si Maya dela Rosa, probinsiyana siya, wala siyang ibang gustong mangyari sa buhay niya kundi maging isang flight stewardess.

“Gagawin niya ang lahat para ma-achieve niya ang dream niyang yun.

“Very positive ang outlook niya sa life. Sa kanya, walang imposible, lahat puwedeng mangyari, lahat puwedeng masolusyunan anuman ang problema.

“Mapagmahal siyang kapatid at mahal na mahal din niya ang pamilya niya na gagawin niya kahit mag-sacrifice siya, mabigyan lang niya ng magandang buhay ang pamilya niya.”

Ano ang pagkakaiba ng tandem nila ni Richard Yap sa ibang mga nakapareha na niya?

“Nakagawa na rin naman ako ng love story before, nagkaroon din naman tayo ng loveteam. Pero this time, hindi nga siya heavy drama.

“Nasa light drama-comedy, pero hindi siya comedy na slapstick, mas situational.”

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

24 Comments

  • viennastar2012

    07/04/2012 | 04:49 PM
    You deserve this good break Jodi! I know you will prove wrong all those who look down on you, just be strong and be humble...Good Luck and God Bless always!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    07/04/2012 | 04:35 PM
    given na ky iwa na kahit sino papatulan niya. pero di ko maintindihan bakit pinatulan ni jodi ang ex-bf ni iwa. poor taste. naging ka-level tuloy niya c iwa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    07/04/2012 | 04:07 PM
    tila pinatahimik na ng mga Lacson ang bibig ni Iwa Moto? just asking
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    shidax
    07/04/2012 | 08:47 PM
    siguro pinatahimik kasi pandagdag bad image siya sa mga lacson......
  • hototguy

    07/04/2012 | 04:05 PM
    galing talag ng abscbn magtago ng issues sa mga talents nila. oo nga naman, mamamatay kusa ang kaso di ba maricar and jodi?
    Reply |  6 Replies
    0   0   0  
    koala_88
    07/04/2012 | 04:09 PM
    wala kang alam kaya tumahimik ka nalang! akala mo naman napakalinis mong tao.
    charmlang123
    07/04/2012 | 04:31 PM
    eh ganun tlaga...my image na pinoprotektahan....eh di tulad ng nasa kamuning na itinago ang secreto sa singapore...eh nabulgar nman...dba rhian ramos...?
    pwearl110
    07/04/2012 | 05:08 PM
    speaking of paparazzi as a trashy show. bakit hinde ipalit si inday marian rebera kay ropa since tv5 na ang magiging may ari ng for sale at palubog na tv station gme7. what do u think pepsters? i think she will do good and justice in that show being her palengkera, butangera at flopsina queen. ilagay sya sa segment na tagalog ha alam naman ntin na ma yenglish deficiency syndrome ang ate ntin. hahaha. inday marian bagay as the trashy host sa trashy show. ang nag iisang psychology queen. bongga!
    purong_kapamilya
    07/04/2012 | 05:50 PM
    weee makapag comment lang sussssssssssss ang GMA ilang issue na ang itinago nila kay aling MArian..??di na mabilang
    icoi
    07/04/2012 | 09:12 PM
    It's her choice not to stoop on any allegations against her, it's her life, it's her choice if she doesn't want her dirty laundry be exposed to the whole country. I think Jodi is not in the league of those which ABS-CBN is trying to keep the reputation untarnished. She is her own person. She's been in the industry longer than those trying, no talent actresses.
    jakar
    07/05/2012 | 11:44 AM
    ano naman kinalaman ni MR dito..hahaha..napaghahalata tuloy na bawat banggit sa name ni MRbayad kau...wag pahalata masyado na ginugutom kau ng boss nyo...
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About