“Na-stress ako kasi gusto ko siyang yakapin ng moment na ‘yon kaso hindi ko magawa,” relates Nikki Gil about the surprise appearance of her boyfriend Billy Crawford on ASAP 2012 last Sunday. The latter came back recently from his two-month trip to France.

Photo: Noel Orsal

Nasorpresa raw si Nikki Gil nang samahan siya ng boyfriend niyang si Billy Crawford sa stage ng ASAP 2012 noong nakaraang Linggo, July 1.

“Na-stress ako kasi gusto ko siyang yakapin ng moment na ‘yon kaso hindi ko magawa, kasi ‘PBB Teens,’ you know, in the afternoon on a Sunday is not allowed,” sabi ni Nikki nang makapanayam siya ng media pagkatapos ng rehearsal niya, kasama ang iba pang singers ng Star Magic, noong July 3 sa ELJ Building ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Ang rehearsal na ito ay para sa gagawing special number ng mga kasalukuyan at dating Star Magic talents sa ASAP 2012 ngayong Linggo, Hulyo 8.

Dalawang buwang nawala sa bansa si Billy dahil nagtungo ito sa France noong Mayo para i-revive ang naiwan niyang international singing career.

Kumusta naman ang muling pagkikita nila?

“He’s back and we had our first date in two months [last Monday],” nakangiting sabi ni Nikki.

Masaya raw silang pareho sa muling pagsasama nila. Dagdag pa niya, “It’s like how it was some four years ago, happy kami.”

A FORMER STAR MAGIC TALENT. Samantala, excited si Nikki na mapasama sa special production number ng Star Magic, na dating may hawak ng kanyang showbiz career.

“I miss performing with Star Magic kasi magtu-two years na rin akong nasa ibang management.

“Ito talaga ‘yong parang nagpa-flashback talaga ‘yong mga times na nagre-rehearse kami, preparing for something as big as the Star Magic anniversary.”

Na-starstruck din daw siya nang makita niya ang mga dating singers ng Star Magic na sina Rica Peralejo, Lindsay Custodio, Jan Marini, at Diane dela Fuente.

“Nai-starstruck ako ng sobra,” sabi ni Nikki.

“It’s such an honor to be a part of this number dahil alam naman ng lahat na talagang inaabangan ang mga number ng Star Magic.”

Bagamat hindi na siya talent ng Star Magic, natutuwa si Nikki na magiging bahagi pa rin siya ng special production na ito.

Aniya, "I really missed it and I’m so happy to be a part of it still.