Amy Perez has announced that she’s three months pregnant with her second child to Carlo Castillo. Because of her delicate pregnancy, she decided to take a break from her TV5 talk show Face To Face.

Photo: Noel Orsal

Pansamantalang iiwan ni Amy Perez ang kanyang public-service show sa TV5 na Face To Face.

Ito’y sa dahilang three months pregnant na siya sa ikalawang anak nila ng kanyang partner na si Carlo Castillo.

Kaya naman habang nagbubuntis siya, hanggang sa lubos nang makapagpahinga mula sa kanyang panganganak, ay si Gelli de Belen muna ang papalit sa kanya.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Amy kanina, Hulyo 5, sa mini-presscon ng Face to Face na ginanap sa Napa Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

“It was actually difficult,” sabi ni Amy nang tanungin kung ano ang pakiramdam na pansamantala siyang mawawala sa kanyang show na dalawang taon nang umeere.

“I’m torn, mayro’n feeling na guilty ka... although nagpaalam naman ako sa management, I told them my plan this year na talagang magbubuntis nga ako.

“So, never naman akong nakakuha ng sagot sa kanila na, ‘Ay, ‘wag, teka..’

"Parang ever since, alam naman nila na my family comes first talaga. So, thankful ako na naiintindihan nila.

“Actually, sobra-sobrang thankful ako sa TV5, sa management, kasi sobra ‘yong suporta nila, na nakikita ko talaga ‘yong sincerity nila na talagang iniisip rin nila ‘yong katayuan ko, ‘yong kalagayan ko bilang isang nanay, naunawaan naman nila.”

DELICATE PREGNANCY. Aminado si Amy na mas hirap na siyang magbuntis ngayon.

Forty-three years old na siya, at ito na ang ika-apat na pagbubuntis niya— una kay Adi, 15, na anak niya sa dating asawa na si Brix Ferraris; si Sean Kyle, 3, na unang anak niya kay Carlo; at sa pangatlong pagbubuntis niya kung saan nakunan siya.

Kaya naman si Amy, doble pag-iingat na sa kanyang pang-apat na pagbubuntis.

“Dahil sa 21 and above na ako, mas mahirap!” biro ng TV host.

“Kasi nga, mayro’n nang hingal factor, kailangan mas careful.

"Less ‘yong pagbubuhat, less ‘yong mapagod, ganyan, bawal ang masyadong matamis, mga ganyan.”

 

Hindi agad sinabi ni Amy ang pagbubuntis niya sa management, dahil na rin sa napagkasunduan nila ni Carlo.