news

Amalia Fuentes to file complaint against her tenants; tenants deny Amalia’s allegations

by Joyce Jimenez posted on July 5, 2012  STATS: 25694 Views | 25 Comments

Amalia Fuentes will file complaint against her tenants, couple Peter and Rosemarie Tan-Licup, after allegedly stabbing her and hurting her son Jeric Stevens, yesterday, July 4, in a rented apartment at 4th Street, New Manila, Quezon City.

Photo By: Screen grab from ABS-CBN

Hindi naging maganda ang pag-uusap ni Amalia Fuentes at ng kanyang tenants na sina Peter Tan Licup at Rosemarie Licup sa isang apartment sa 4th Street, New Manila, Quezon City, kahapon, Hulyo 4, bandang alas-singko.

Ayon sa report ni Ginger Conejero sa TV Patrol 25 ngayong gabi, Hulyo 5, sinabi ni Amalia na tila “nanunuya” si Rosemarie nang makita siya nito.

Kuwento ng dating movie queen, “Pagdating ba naman no’ng Rosemarie Licup, for no reason, I’m just there in the car, she started clapping.

“Para bang nanunuya, and then she called me pa 'magnanakaw.'

"I said, ‘Ikaw ang magnanakaw. Ninanakaw mo ‘yong electric ano... power.’

“I felt a sharp object going through that [my back]. Hindi ko alam kung hinataw, kasi nga at the back.”

Diumano, sinaksak ng payong sa likuran ang dating aktres.

Hinala pa ni Amalia, “I know there must be something going on na hindi ko lang matukoy kung ano.”

Nagtamo raw ng 3 mm. stab wounds ang aktres, namamaga ang kanang bahagi ng mukha, at may pasa rin siya sa kamay.

THE DRIVER. Samantala, hindi lamang daw si Amalia ang nasaktan sa pangyayari, dahil nadamay rin daw ang kanyang anak na si Jeric Stevens.

Ayon kay Jeric, tinutukan at halos mabaril siya ng driver ng pamilya Licup, na nagngangalang Dindo.

Pagsasalaysay ni Jeric, “Naramdaman ko ‘yong magazines ng baril at ‘yong baril.

“And then, the gun like flew or slipped, ‘yong driver nila na Dindo—we don’t know his last name niya—but we’ll find out, picked up the gun, cocked it and pulled the trigger.

“Buti na lang hindi siya marunong bumaril, he cocked it with the safety gun, hind talaga ‘yon puputok.”

Nag-ugat daw ang insidenteng ito nang dalhin ni Amalia sa mag-asawang Licup ang kopya ng tumalbog na tseke na inisyu nila na nagkakahalaga ng P25,000.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

25 Comments

  • 25  bacobaco

    07/06/2012 | 10:14 PM
    AMALIA FUENTES IYAN MERONG CREDIBILIDAD TALAGANG MGA TAONG NAGHKAKA UTANG SILA PA ANG MATATAPANG AT THE END KASI UN ANG KANILANG ARMOUR SA MGA, TAN ROSEMARI LICUP MAHIYA KAYO DAPAT SA INYO MAKULONG BAD PEOPLE KAYO SI AMLIA FUENTES PA KINALABAN NINYO NAPAKA BAIT NA TAO
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  MikeShaw2

    07/06/2012 | 05:14 PM
    Ganyan talaga ngayon yang mga palautang na yan. Pag mangungutang kala mo kung sinong kawawa, pagsisingilin mo na ikaw na yung masama! Kaya dapat dyan palayasin. Business nina Amalia yan, di Charity service.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  lolamo68

    07/06/2012 | 02:03 PM
    sabi ng kasambahay eh nagbayad naman daw yung mag-asawa. nagbayad na talbog naman yung cheke. nakakainit nga ng ulo tapos yung comment nya pa kailangan nya ay love eh tutuong inasar nya si amalia. dapat dyan palayasin kaagad. ang hirap sa mga nangungutang sila pa ang palaging galit pag sinisingil na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  pinoycali_ako

    07/06/2012 | 12:58 PM
    Ayan napala mo Amalia kasi palaaway ka kasi akala mo kung sino ka. Pasalamat ka nga bugbog lang. I'm sure injured din yung tenant mo sa panlalait mo sa kanila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  milomilo123

    07/06/2012 | 12:57 PM
    si anabel ba yong nasa pics bakit maganda
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  jojomlndz

    07/06/2012 | 12:04 PM
    Di magagalit si Amalia kung wala talagang utang itong Tan Licup family. And Amalia and her son were the ones injured. So Amalia is the aggreived party. Grabe itong tenant na ito. Di na nagbabayad ng rent and utilities sila pa ang matapang at galit. This is common though for people who do not pay their debts. They are really a landlord's nightmare!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  satotoolang06

    07/06/2012 | 11:24 AM
    kaya hindi ako pumapasok sa mga business. talagang pag may utang, sakit ng ulo ang abot. Baka mag kasakit lang sa kunsumisyon. With God's grace I am able to appreciate simple things and living a simple life. Napakasarap ng feeling, walang away pera pag simple ang buhay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  ogloveco

    07/06/2012 | 11:20 AM
    Ano ang kinalaman ng edad sa negosyo? Bakit pa nag-aral ang isang tao kung hindi niya ito gagamitin. Ano magpapakatanga na lang para masabing me pinagkakatandaan? May hangganan ang pasensya. May batas na sinusunod. Kung nakakaintindi ang tenant ng batas tungkol sa pangungupahan, alam niya ang responsibilidad niya. And this check that bounced made Amalia furious, which is understandable. Note that according to this article, the tenant's obligation had reached more than P400,000, which, aside from the physical harm they had inflicted, could be the reason why Mrs. Licup and her husband immediately left the house.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  abarron32

    07/06/2012 | 10:34 AM
    Amaliang may pinag-aralan kuno, mahiya ka tanda mo na palaaway pa. Di mo tularan sina Gloria Romero at Susan Roces very ladylike at classy sila
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    humandynamics
    07/06/2012 | 10:56 AM
    nasanay ka lang siguro sa mga babaeng inaapakan na maski may kalaguyo ang asawa tahimik pa rin, kaya ayaw mo sa katulad ni amalia. you admire women with no backbones.
    abarron32
    07/07/2012 | 12:02 AM
    Isa siyang may kaya na public figure. Pwede naman niyang utusan tauhan niya na makiusap sa mga naka-alitan niyang mga tenants kesa sugurin niya at pagmumurahin sila. Yan ba ang may pinag-aralan? Breeding and brains more important than backbones.
  • 16  Castiel_Dean

    07/06/2012 | 09:21 AM
    Nakakalungkot ang ganitong pangyayari sa atin.Kahit naman siguro ako mawawalan ng pasensya kapag 25,000 ang utang ng tenant ko. Umuulan, humid,traffic mahaba ang pila sa banko tapos pagpunta sa counter walang pondo ang tseke!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  fecatada

    07/06/2012 | 08:28 AM
    Liar ang mga suspects ikulong na sila nangwala nang mabiktima pang landlords
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  fecatada

    07/06/2012 | 08:26 AM
    May lakas loob pang magpainterview ang mamamatay tao hayst ganyan na ba sa pinas ikaw pa ang muntik nang mapatay nakakawala pa ang mga suspects calling the government Change the Justice System sa Pinas mabuti pa ang mga hayop sa america protected pa bat ito nakawala mga suspects.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  perlita66

    07/06/2012 | 08:25 AM
    Amalia Fuentes, Public meltdown!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  humandynamics

    07/06/2012 | 05:18 AM
    The fact na mayroon 3 mm stab wounds si amalia ay totoo ang sinasabi niya na at totoong sinaksak siya, at yung tenant na nagde deny obviously ay sinungaling dahil sila lang naman ang naguusap don.. ano ba yan? get rid of your tenants.. kesehodang mabulok ang bahay mo at titirhan ng daga kesa naman ganyang klase ng tao ang nakatira sa pamamahay mo. para maiwasan ang patayan paalisin na lang ang violent tenant na yan. wala bang book keeper si amalia? kung may records of transactions ka walang pwedeng mag accuse or mag deny. mas gugustuhin ko pang bahayan na lang ng stray dogs and cats ang bahay ko kesa ipabahay sa ganyang bayolenteng tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pinayforever2

    07/06/2012 | 04:13 AM
    Sinabi nyo pa. Yung uncle ko may boarder 5 months ng di nagbabayad dito ito sa US at puti yung boarder. Aba, may I salisi sya pag nandun ang Uncle ko halos di nagpapakita. Minsan, nagkita sila sa kitchen, so, tinanong ng Uncle ko, do you have money yet because if you live in this house you have to help pay the mortgage. Aba, nanlilisik pa daw ang mata nung sinisingil nya. Sana lang wag gawan ng masama ang uncle ko. Sabi ko nga sa husband ko na puntahan para makita ng puti na may mga lalaki syang kamag-anak. Sabi ko kasi sa uncle ko pa-serve nya na ng eviction sa lawyer eh 75 dollars lang naman.
    Reply |  6 Replies
    0   0   0  
    Lef
    07/06/2012 | 08:12 AM
    may-I-kwento din si ateh then what happen teh?
    milomilo123
    07/06/2012 | 08:59 AM
    teh continue your story, chapter one ka pa lang,
    shidax
    07/06/2012 | 09:43 AM
    hahahaha....kayo talaga sawsawera hahahahaha....hayaan nyo na yan mahaba ang kwento nyan sigurado baka mawalan na tayo ng space magcomment.peace...
    Castiel_Dean
    07/06/2012 | 10:14 AM
    Kanino nakapangalan ang deed?Joint owners ba sila or roomates? If the boarder name is not on the mortgage loan the lender or the bank won't look to him for payment.The tenant or boader is not responsible for the mortgage payment unless if the mortgage was taken by the 2 of them na kasama na nakapirma ang boarder sa mortgage loan. Kung umuupa lang siya your uncle needs to consult a lawyer pronto 5 months na pala siyang hindi nagbabayad.
    pinayforever2
    07/06/2012 | 12:09 PM
    wow, daming nag reac lol. anyway, Castiel_Dean, wala sya sa deed pero literally speaking, nakatira sya doon as boarder kaya dapat magbayad sya kasi he has roof over his head. Kahit naman saan sya titira, magbabayad pa rin naman sya. Di ko pa alam kasunod na kabanata, tatanong ko sa uncle ko. Kasi yung tenant ko pinaserve ko ng notice sa lawyer, ayun, cooperate sya kaagad, umalis sya sa bahay ko so yun ang ina-advise ko sa kanya. Ok, mga teh :
    pinayforever2
    07/06/2012 | 12:10 PM
    react
  • 10  alexitorin

    07/06/2012 | 03:56 AM
    Manunuba pero ang lalakas ng loob. May driver pa pero hindi marunong magbayad ng rent. I-deport na ang mga ito. Kung pinoy naman, kasuhan ng frustrated murder.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fujiko77

    07/06/2012 | 03:56 AM
    hirap na ang panahon ngayon, sinong pang may utang sila pa ang matapang.. ganyan din nangyari sa akin yun nga lang di naman ako binugbog, binantaan lang nila ako kung gusto ko daw ba ng bala, pagkatapos ko pay ng hospital bill para makalabas ang mag ina at di na lumaki ang bills sa ospital, paying din ng tution fee ng anak nila dhl mismong araw na ng exam eh dwala silang pang paying, nakakaawa naman.. at pahiramin sila ng 50k kasi mag nenegosyo daw..nung singilan time na, di na alam add ko, cel number ko or makapag text manlang kht piso para lang sbihing di pa makakahulog...sabay bantaan pa ako..ahahaaayyyy...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • liwayway

    07/06/2012 | 03:38 AM
    may utang, walang utang...ipakita ang mga cancelled checks at resibo kung nakabayad. pero dahil sa tsekeng tumalbog, pwedeng kasuhan ng estafa yung mag-asawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mandaville

    07/06/2012 | 03:00 AM
    Dapat kasuhan itong mga impertinenteng tenants ni Amalia. Palagay ko kabarkada yan ni Bisaya. Kasi yung mga salita noong bruhildang babae katulad ni Anevil. Napakalaking prueba yang talbog na cheque at yung mga pasa sa katawan ni Amalia.Daat pareho makulong yang mangagantsong tenant ni Amalia at yung Brunei mother and daughter na si Anevil at itong kunong beauty queen na si rofa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lunagirl
    07/06/2012 | 11:00 AM
    tapos sama-sama silang 3 sa iisang selda ... heheheh...
  • puckerlips143

    07/06/2012 | 01:16 AM
    kung totoong me utang dapat magbayad at hindi pwedeng quits. so now amalia ur now in the same boat ni bisaya un mga me utang sa inyo mas matapang pa kesa sa inyo. ano ngayun ang pakiramdam diba sarap mur aahh in mula ulo hanggang paa kapag itinatanggi na wala silang utang. so ngayun naiintindihan mo na si bisaya kung bkit hanggang langit galit kay liletso me utang na idenemnada pa sya ng child abuse. ipinararamdam lang sayo kung ano pakiramdam ng sala ullahin ng mga me utang. gagg din kasi itong mga insik na to duhapang din sa pera. insik pala ang tenant sige tirisin mo amalia..
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    ehemm
    07/06/2012 | 02:25 AM
    lol pucker... what you pointed out is true though - yung mas matapang pa, yung galit pag siningil mo na parang sila ang may right magalit eh sila nga hindi nagbabayad lol, yung wala daw utang tapos you were a good samaritan na nga ikaw pa ang masama.... about the nationality thing, dili ako mag-comment but i am aware of cases involving such. i'm with you there lols. anyway basta pag utang, pay up! it is an obligation
    batangkumon
    07/06/2012 | 03:08 AM
    Tamaaaaa!Parang storya lang ni nadia at annabelle.
    manjo
    07/06/2012 | 03:18 AM
    Eh sigurado ba kayong marunong din magbayad si Annabelle ng mga utang nya? Matanong ko nga ... bayad na ba yung utang nya sa BIR?
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About