Sa pamamagitan ng Facebook private messaging, nakapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Beth Tamayo.
Matagal na ring nag-lie low sa kanyang showbiz career si Beth, ngunit kahit wala na siya sa Pilipinas, paminsan-minsan ay may mga sumusulpot pa ring intriga tungkol sa kanya.
Kaya ang unang itinanong namin sa kanya ay kung kumusta na siya, saan siya naka-base ngayon, at kung saan siya nagtatrabaho.
“I’m doing well. Been based here in NYC since January of 2009.
“Right now I work in a public relations company as an executive receptionist/admin assistant.
"I also have another job in a restaurant as a hostess every Friday and Saturday night.
"You know, New York lifestyle, juggling two to three jobs para makaipon ng slight since medyo mahal ang standard of living here.
"Curacha ang babaeng walang pahinga lang ang peg ko!" biro ni Beth.
INTRIGUES. Ano ang nagiging reaksyon niya kapag paminsan-minsan ay may mga sumusulpot na intriga tungkol sa kanya kahit wala na siya sa Pilipinas at wala na siya sa showbiz?
“Siyempre hindi ko naman maiiwasan na malungkot or to feel bad about some issues coming out about me, though alam ko naman kung ano’ng totoo.
"But I just don’t let it ruin my day. I try not to get affected.
"I’d rather work myself to death instead na isipin ko pa yung mga tsismis na hindi naman totoo.”
Totoo bang may mga pinagdadaanan siyang mga problema? Paano niya naha-handle ang mga ito?
“Hindi naman ako nawawalan ng problema, e.
"I have an ongoing divorce na hindi pa din nare-resolve kahit more than one year na kasi si Johnny is not cooperating that much.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
8 milomilo123
7 schokolade
6 bostongirl
5 msn9
4 wa2
3 krenda
2 krenda
1 kapamilyaito