news

Bela Padilla celebrates inclusion in YES! Most Beautiful Stars and FHM Sexiest Women lists

by Ruel J. Mendoza posted on July 6, 2012  STATS: 5388 Views | 8 Comments

Bela Padilla on being part of '100' lists of YES! and FHM: “Tama na nga sa akin yung nasa FHM 100 Sexiest ako. Sobra-sobra na ang tuwa ko doon. But to be part of another list, which is the Most Beautiful Stars, it makes everything that I’ve gone through worthwhile. Noong sabihin nga sa akin ‘yon sa magkaibang araw, ang sarap ng feeling!

Photo By: Noel Orsal

Naging kontrobersiyal ang pagpasok ng taong 2012 para sa Kapuso star na si Bela Padilla.

Sa unang pagkakataon niyang maging cover girl para sa March 2012 issue ng FHM Philippines, pinutakti na siya kaagad ng intriga dahil sa pag-pose nito kasama ang ilang mga dark-skinned models.

Naakusahan na "racist" ang FHM cover, making it an international headline at pagkaka-interview ni Bela nang live sa BBC News.

Bagamat puno ng controversy ang kanyang first sexy cover, itinuring pa rin ito ni Bela na isang blessing.

Aniya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It didn’t break my spirit. Hindi ako na-frustrate or na-disappoint sa mga nangyari sa akin.

“Inisip ko na lang that I will turn these negative reactions ng mga tao into a positive thing.

“I always see things in a different light. Para sa akin, hindi lang ganito ang isang bagay—I believe that there is good in everything.

“Mabilis lang maghusga ang iba sa mga nakikita nila.”


DOUBLE WHAMMY. Dahil sa pagiging controversial celebrity ni Bela, hindi kataka-takang pumasok siya sa special lists na inilabas ng FHM at YES!—dalawang glossy magazines mula sa Summit Media.

Una ay sa Top 10 ng FHM Sexiest Women na mula sa 77th place last year ay umakyat si Bela sa No. 8 ngayong taon.

Kabilang naman si Bela sa "Sultry" category ng 100 Most Beautiful Stars of 2012 ng YES!; kahilera niya rito sina Sam Pinto, Solenn Heussaff, Rochelle Pangilinan, at Cristine Reyes.

Masaya raw si Bela sa “double whammy” recognition na natanggap niya.

“I am so honored that two top magazines in the country have chosen me to be part of their annual 100 list. Hindi ko po ito inaasahan talaga.

“Tama na nga sa akin yung nasa FHM 100 Sexiest ako. Sobra-sobra na ang tuwa ko doon.

“But to be part of another list, which is the Most Beautiful Stars, it makes everything that I’ve gone through worthwhile.

“Noong sabihin nga sa akin ‘yon sa magkaibang araw, ang sarap ng feeling!

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • kapus0_ako

    07/09/2012 | 06:35 PM
    Da Who!? I think may mas deserving sa slot nya. Yung mas kilala, hindi dhil gumawa ng gimmick pra makilala.... Sabagay, pno nga naman makikilala kng wlana nga project, wla pang gimmick.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • inggiteraparin

    07/08/2012 | 12:14 AM
    maganda talaga ang face nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • brainfultoo

    07/07/2012 | 08:31 AM
    naku maka comment nga para naman maging number 6 comments hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lifehouse232

    07/06/2012 | 11:32 PM
    May hawig siya kay Bea Alonzo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    07/06/2012 | 09:02 PM
    move on na sa issue nila ni marian, ok? she's making a name for herself. may ibubuga naman siya sa acting. isa siya sa bini-build up ng GMA ngayon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    inggiteraparin
    07/08/2012 | 12:15 AM
    agree ako, maganda talaga sya kaya nga nakulong yan at sana tumigil na mga bashers nya.
  • bac_tol

    07/06/2012 | 06:33 PM
    Bakit ba lagi itong may article sa PEP? Daig pa yung mga totoong STARS ha. Wala na ba kyong ma-interview PEP? Hmmmmm.....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    funrel
    07/06/2012 | 10:32 PM
    oo nga,napansin mo rin?lol..yung isa nya ngang article nilangaw ng husto pero ayaw parin tanggalin..isang lingggo ata nakapost pero zero comment pa rin..wala na ngang pumapansin eto at my article ulit..sipag talaga ni moneyger claire bigyan ng article mga alaga nya xoxo
  • hototguy

    07/06/2012 | 04:09 PM
    di sya starlet! may sarili syang istilo. favorite ko MR eversince sa Marimar pa lang pero kayong mga umiidolo sa kanya ang nakakapag paapekto sa popularity ni Yanyan. Kaya di tumaas ang kita ng pelikula nya dahil na rin sa inyong ugali. BEHAVE LANG PARA LAHAT MASAYA. im forever KAPUSO!!!
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    cy2
    07/06/2012 | 05:03 PM
    o2 na mn kc ang mga pans gz2 lg nila na c marian lg ang mka benepisyo palagi.
    lilac0808
    07/06/2012 | 11:06 PM
    sana ganito ang ibang pans mag isip... kahit papano, alam pa ang true meaning of reality and all praises. Dapat kahit love mo ang isang artista, alam mo din ang itama ang mali.
    inggiteraparin
    07/08/2012 | 12:17 AM
    threat kasi si bella sa idol nila kaya ganyan sila. anyone who is a threat kawawa sa kanila
    marianbobitah
    07/09/2012 | 04:25 AM
    sa palagay ko nga inggiteraparin bukod sa super ganda ni Bela bata pa malayo pa ang kanyang mararating kaya threat sa starlet nila at baka sa susunod it would be the other way around si starlet nila ang maikulong. LOL
  • queen123

    07/06/2012 | 03:28 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About