news

LJ Reyes on landing in "Hot Mama" category of YES! 100 Most Beautiful Stars: “Hindi nga naman porke’t sinabing mother ka, wala ka nang karapatan to feel and be sexy.”

by Ruel J. Mendoza posted on July 6, 2012  STATS: 13504 Views | 10 Comments

LJ Reyes returns to indie films via Intoy Syokoy, where her love interest is JM de Guzman. In here, she agreed to bare her boobs in their love scene: “Hinanda ko na ang sarili ko, physically and mentally. Ayoko na kasing isipin pa ang sasabihin ng ibang tao sa gagawin ko.”

Photo By: Noel Orsal

Sa "Hot Mama" category ng YES! 2012 100 Most Beautiful Stars kabilang ang StarStruck 2 First Princess na si LJ Reyes.

Kasama rin sa kategorya ang mga kapwa niya hot mamas na sina Julia Clarete, Carmina Villarroel, Gladys Reyes, Andi Eigenmann, Judy Ann Santos, at Jennylyn Mercado.

First time makasama ni LJ sa 100 Most Beautiful Stars list ng YES! at natutuwa siya na napansin ang kanyang pagiging sexy kahit may baby na siya.

Sabi ni LJ, “Natuwa nga ako sa Hot Mama na category. 'Tapos kasama ko pa doon yung mga mothers na tulad ko na maalaga sa katawan.

“Hindi nga naman porke’t sinabing mother ka, wala ka nang karapatan to feel and be sexy.

“At saka importante sa amin ang mga careers namin kaya hindi kami puwedeng magpabaya—or else wala kaming magiging trabaho!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa launch ng YES! 2012 100 Most Beautiful Stars ng sa Richmonde Hotel sa Eastwood City last July 2.


DARING SCENES. Talagang “hot mama” si LJ lalo na nang mag-topless siya sa katatapos niyang indie film para sa Cinemalaya Film Festival—ang Intoy Syokoy Ng Kalye Marino.

Sa Intoy, LJ plays Doray, isang prostitute na gagawin ang lahat para lang kumita ng pera upang may mapakain siya sa kanyang pamilya.

Love interest niya rito si JM de Guzman at mayroon silang love scene na kailangang magpakita ng kanyang boobs si LJ.

Kuwento ng Kapuso actress, “Noong nabasa ko naman ang script ng Intoy Syokoy, yung character kong si Doray, wala siyang kahihiyan.

“Kahit na bayarang pokpok siya, hindi niya kinakahiya kasi nga may pangangailangan ang pamilya niya.

“Hinanda ko na ang sarili ko—physically and mentally. Ayoko na kasing isipin pa ang sasabihin ng ibang tao sa gagawin ko.

“Nasa isip ko lang ay trabaho ito, aktres ako, at gagawin ko ang eksena.

“Malaki ang tiwala ko sa director naming si Lem Lorca.

“Kasi pinangako niya na maganda ang magiging shots at hindi lalabas na basta lang ako naglabas ng boobs ko.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  almond143

    07/13/2012 | 11:25 AM
    Ok lang kasi pag laki ng anak mo mapapanood yang topless mo. Di nag iisip ito!! Wala ngang lumabas na photos now eh yung after di mo n inisip. Dvd and internet. Kahit lola k na or patay k na mga apo mo sa tuhod will be watching dat topless scene!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thelostreasure

    07/09/2012 | 08:51 AM
    more blessings are coming her way now. maybe because she never abandoned her child. i saw her in person.she is much prettier.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bessie31

    07/07/2012 | 04:23 AM
    she and paulo avelino have a baby together, kaya lang patay-mali kse sumisikat na si paulo kaya di binabanggit sa mga interviews
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    cinelamour
    07/07/2012 | 06:37 AM
    utos kasi ng network niya.
    jams_mom
    07/07/2012 | 09:18 AM
    oh, pag sinabi ang pangalan ni paulo, ginagamit daw... nung hindi binanggit, dedma... bakit ganun?
  • joanncabale

    07/06/2012 | 10:32 PM
    dami nagsasabi magaling si lj dito sa indie movie na ito. may chance sya to get the best actress trophy. sana nga. magaling naman sya eh. mas magaling pa sya kay ryza zenon. more power lj. sana bigyan ka ng mas magagandang project ng GMA. miss ko na ang crush kong si paulo avelino. di ko na sya napapanood. solid kapuso kasi kami dito sa bahay eh. very proud to be kapuso from GENERAL SANTOS CITY.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    gibraltar
    07/08/2012 | 05:07 AM
    Kahit Kapuso ka, once in a while manood ka sa DOS, lalo na ang Walang Hanggan dahil nandoon si Paulo. O baka takot kang ma-hook sa mga teleseryes ng DOS. Although I'm a long time fan of TFC, now that I have Pinoy TV nanood din minsan ng mga GMA shows.
  • gorgeous_aleck

    07/06/2012 | 10:11 PM
    may appeal siguro c LJ sa personal. mike tan, afred vargas at paulo avelino ang naging jowa. lahat gwapo at macho.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    07/06/2012 | 10:09 PM
    comedy ba ang intoy shokoy? kasi nakaktuwa ang tunog niya, parang zombadings.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grinandgiggles

    07/06/2012 | 08:51 PM
    Pwede naman sigurong wala ang topless scene na yan, ang dami namang movie na merong love scene pero naiiarte ng maayos...concern lang ako dahil me anak sya at with the technology we have siguradong kakalat ang mga litrato na yan. Sabagay buhay naman nya yan im sure mapaliwanag nya sa anak nya ba't nya ginawa kung magtanong ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • trinoma_rat

    07/06/2012 | 05:10 PM
    eh pano yan, pag showing na film mo, ang dali na kunan ng pic at ipost sa Internet ang ayaw mong makunan ng pic na scene.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    07/06/2012 | 05:00 PM
    she really looked much better after birth... hot mama suits her...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jakar
    07/06/2012 | 05:51 PM
    korek....parang si jen din nung nagkaanak lumakas lalo ang appeal...
  • hototguy

    07/06/2012 | 04:03 PM
    sana mapanood ko 'to, gusto kong silipin ng buo ang storya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About