news

Allen Dizon says Migrante co-star Jodi Sta. Maria was easy to work with despite her personal issues

by Mark Angelo Ching posted on July 6, 2012  STATS: 6126 Views | 1 Comments
Photo By: File

Noong Lunes, July 2, ay present ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press screening ng indie film na Migrante sa opisina ng XITI Productions sa Quezon City.

Dumalo sa private screening ang direktor ng pelikula na si Joel Lamangan at ang lead actor nitong si Allen Dizon.

Nakausap ng PEP si Allen bago pa man magsimulang ipalabas ang pelikula.

Ang Migrante ay tungkol sa paghihirap ng mga OFWs sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Umiikot ang kuwento sa isang mag-asawang nangibang-bansa para hanapin ang magandang kapalaran.

Si Jodi Sta. Maria ang gumanap na asawa ni Allen sa pelikula.

Marami raw natutunan si Allen sa pelikulang ito. Isa na rito ang sentimyentong mahirap palang malayo sa pamilya.

Saad niya, “Nakaka-relate ako kasi siyempre family man na ako, parang mahirap kasi na malayo ka sa pamilya mo.

"Ang magsa-sacrifice yung kayo both, e—siya o ikaw.

"Parang it's a matter of choice. Kikita ka ng malaki pero hindi mo makikilala yung mga anak mo habang lumalaki,” pahayag ng aktor.

Dagdag ni Allen, naiintindihan niya ang mga OFW. Aniya, baka nga raw ito rin ang kanyang sasabakin kung wala siya sa showbiz.

“Feeling ko. Malamang nasa abroad ako.

"Kasi yun yung parang... yun yung naiisip ng mga Pilipino, e. Para kumita ng malaki-laki, abroad talaga.”

SHOOTING IN ISRAEL. Pagpapatuloy ni Allen, natuwa siya sa paggawa ng pelikula dahil nakarating siya sa Israel, at napuntahan niya ang mga lugar kung saan nabuhay si Jesus Christ.

Dahil dito ay na-appreciate niya ang kanilang location, kahit mahirap ang shooting.

Kuwento niya, “Pagdating namin doon, mga 2 a.m. in the morning. So ang ginawa namin, pahinga lang, check-in lang sa hotel, 'tapos 4 a.m. wake-up call, 5 a.m. breakfast, 6 a.m. pull-out na kami.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1 Comment

  • hototguy

    07/06/2012 | 04:16 PM
    producer din si allen, business minded talaga sya. hopefully kumita ang Migrante... congrats sa lahat ng artista sa indiefilm na 'to.!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About